Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси * - Таржималар мундарижаси


Маънолар таржимаси Сура: Анфол сураси   Оят:

Al-Anfāl

Суранинг мақсадларидан..:
الامتنان على المؤمنين بنصر الله لهم في بدر، وبيان سنن النصر والهزيمة.
Ang pagmamagandang-loob sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aadya ni Allāh sa kanila sa [labanan sa] Badr at ang paglilinaw sa mga sunnah ng pagwawagi at pagkatalo.

يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَنفَالِۖ قُلِ ٱلۡأَنفَالُ لِلَّهِ وَٱلرَّسُولِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَصۡلِحُواْ ذَاتَ بَيۡنِكُمۡۖ وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Sugo, tungkol sa mga samsam sa digmaan kung papaano kang nagbabahagi ng mga ito at kung magiging sa kanino ang bahagi? Sabihin mo, O Sugo, bilang sumasagot sa tanong nila: "Ang mga samsam sa digmaan ay ukol kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang patakaran sa mga ito ay sa kay Allāh at sa Sugo Niya kaugnay sa pamamalakad at pamamahagi, kaya walang kailangan sa inyo kundi ang pagpapaakay at ang pagpapasakop." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Magsaayos kayo ng nasa pagitan ninyo na pagpuputulan ng ugnayan at pagtatalikuran sa pamamagitan ng pagmamahalan, pag-uugnayan, kagandahan ng kaasalan, at pagpapaumanhin. Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya kung kayo ay totohanang mga mananampalataya dahil ang pananampalataya ay nagbubuyo sa pagtalima at paglayo sa pagsuway. Nangyari ang tanong na ito matapos ng labanan sa Badr.
Арабча тафсирлар:
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَإِذَا تُلِيَتۡ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُهُۥ زَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
Ang mga mananampalataya sa totoo lamang ay ang mga kapag nabanggit si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nangangamba ang mga puso nila, kaya naaakay ang mga puso nila at ang mga katawan nila sa pagtalima, at kapag binigkas sa kanila ang mga talata ni Allāh ay nagmumuni-muni sila sa mga ito, saka nadaragdagan sila ng pananampalataya [bilang karagdagan] sa dating pananampalataya nila. Sa Panginoon nila lamang sila sumasandal sa pagtamo ng mga nagsasaayos sa kanila at sa pagtulak sa mga natitiwali sa kanila.
Арабча тафсирлар:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
[Sila] ang mga nagpapamalagi sa pagsasagawa ng pagdarasal ayon sa lubos na katangian nito sa mga oras nito, at mula sa ipinagkaloob Namin sa kanila ay nagpapaluwal sila ng mga guguling kinakailangan at itinuturing na kaibig-ibig.
Арабча тафсирлар:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ رَبِّهِمۡ وَمَغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga mananampalataya nang totohanan dahil sa pagkakatipon sa kanila ng mga nakalitaw na katangian ng Pananampalataya at Islām. Ang ganti sa kanila ay mga kalagayang mataas sa ganang Panginoon nila, isang kapatawaran sa mga pagkakasala nila, at isang panustos na masagana. Ito ang inihanda ni Allāh para sa kanila na kaginhawahan.
Арабча тафсирлар:
كَمَآ أَخۡرَجَكَ رَبُّكَ مِنۢ بَيۡتِكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ لَكَٰرِهُونَ
Gaya nang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nag-alis mula sa inyo ng bahagi ng mga nasamsam sa digmaan matapos ng pagkakaiba-iba ninyo sa paghahati ng mga ito, paghihidwaan ninyo sa mga ito, at pagtatalaga sa mga ito sa Kanya at sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gayon din naman, nag-utos Siya sa iyo, O Sugo, ng paglabas mula sa Madīnah para makipagharap sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng isang pagkakasi na pinababa Niya sa iyo sa kabila ng pagkasuklam doon ng isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya.
Арабча тафсирлар:
يُجَٰدِلُونَكَ فِي ٱلۡحَقِّ بَعۡدَ مَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى ٱلۡمَوۡتِ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
Nakikipagtalo sa iyo, O Sugo, ang pangkating ito kabilang sa mga mananampalataya hinggil sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal matapos na lumiwanag sa kanila na ito ay magaganap. Para bang inaakay sila tungo sa kamatayan habang sila ay nakatingin doon nang mata sa mata. Iyon ay dahil sa tindi ng pagkasuklam nila sa paglabas para makipaglaban dahil sila ay hindi gumawa para rito ng paghahanda rito at hindi naglaan para rito ng kasangkapan nito.
Арабча тафсирлар:
وَإِذۡ يَعِدُكُمُ ٱللَّهُ إِحۡدَى ٱلطَّآئِفَتَيۡنِ أَنَّهَا لَكُمۡ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيۡرَ ذَاتِ ٱلشَّوۡكَةِ تَكُونُ لَكُمۡ وَيُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُحِقَّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَيَقۡطَعَ دَابِرَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Banggitin ninyo, O mga mananampalatayang nakikipagtalo, noong nangangako sa inyo si Allāh na magiging para sa inyo ang magwagi sa isa sa dalawang pangkatin ng mga tagapagtambal. Ito ay alin sa dalawa: ang karaban at ang dinadala nito na mga yaman kaya makakukuha kayo nito bilang samsam sa digmaan, o ang pagpunta sa labanan kaya makikipaglaban kayo sa kanila at magwawagi kayo sa kanila. Naiibigan ninyo mismo na manaig kayo sa karaban dahil sa kadalian ng pagsamsam dito at kagaanan nito nang walang pakikipaglaban. Nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng pag-uutos sa inyo ng pakikipaglaban upang mapatay ninyo ang mga magiting ng mga tagapagtambal at makabihag kayo ng marami sa kanila upang lumitaw ang lakas ng Islām.
Арабча тафсирлар:
لِيُحِقَّ ٱلۡحَقَّ وَيُبۡطِلَ ٱلۡبَٰطِلَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
[Ito ay] upang magtotoo si Allāh sa katotohanan sa pamamagitan ng pagpapanaig sa Islām at mga alagad nito sa pamamagitan ng ipinalilitaw Niya na mga pansaksi sa katapatan nito, at upang magpabula Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa kabulaanan sa pamamagitan ng ipinalilitaw Niya na mga patotoo sa kabulaanan nito, kahit pa man masuklam doon ang mga tagapagtambal sapagkat si Allāh ay magpapalitaw niyon.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• ينبغي للعبد أن يتعاهد إيمانه ويُنمِّيه؛ لأن الإيمان يزيد وينقص، فيزيد بفعل الطاعة وينقص بضدها.
Nararapat para sa tao na mangalaga siya sa pananampalataya niya at magpalago rito dahil ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan sapagkat nadaragdagan ito sa pamamagitan ng paggawa ng pagtalima at nababawasan ito sa pamamagitan ng salungat nito.

• الجدال محله وفائدته عند اشتباه الحق والتباس الأمر، فأما إذا وضح وبان فليس إلا الانقياد والإذعان.
Ang pakikipagtalo, ang tamang lugar nito at ang pakinabang nito ay sa sandali ng pagkalito sa katotohanan at pagkagulo sa usapin, ngunit kapag lumiwanag at luminaw ay walang gagawin kundi ang magpaakay at ang magpasakop.

• أَمْر قسمة الغنائم متروك للرّسول صلى الله عليه وسلم، والأحكام مرجعها إلى الله تعالى ورسوله لا إلى غيرهما.
Ang usapin ng paghahati sa mga samsam ng digmaan ay nakaatang sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang mga patakaran ay isinasangguni kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at sa Sugo Niya, hindi sa iba pa sa kanilang dalawa.

• إرادة تحقيق النّصر الإلهي للمؤمنين؛ لإحقاق الحق وإبطال الباطل.
Ang pagnanais ng pagsasakatuparan ng pag-aadyang makadiyos para sa mga mananampalataya para sa pagtotoo sa katotohanan at pagpapabula sa kabulaanan.

إِذۡ تَسۡتَغِيثُونَ رَبَّكُمۡ فَٱسۡتَجَابَ لَكُمۡ أَنِّي مُمِدُّكُم بِأَلۡفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُرۡدِفِينَ
Banggitin ninyo ang Araw ng Badr nang humingi kayo ng saklolo mula kay Allāh sa pagwawagi laban sa kalaban ninyo, kaya tumugon si Allāh sa inyo na Siya ay mag-aayuda sa inyo, O mga mananampalataya, at tutulong sa inyo sa pamamagitan ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunuran, na sumusunod ang isa't isa."
Арабча тафсирлар:
وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ وَلِتَطۡمَئِنَّ بِهِۦ قُلُوبُكُمۡۚ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Hindi gumawa si Allāh ng pag-ayuda sa mga anghel malibang bilang pagbabalita ng nakalulugod sa inyo, O mga mananampalataya, dahil Siya ay magpapawagi sa inyo laban sa kaaway ninyo at upang tumahan ang mga puso ninyo habang mga nakatitiyak sa pagwawagi. Ang pagwawagi ay hindi sa pamamagitan ng dami ng bilang at ng pagkakaroon ng mga kasangkapan. Ang pagwawagi ay mula sa ganang kay Allāh lamang – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya: hindi Siya napananaigan ng isa man, Marunong sa batas Niya at pagtatakda Niya.
Арабча тафсирлар:
إِذۡ يُغَشِّيكُمُ ٱلنُّعَاسَ أَمَنَةٗ مِّنۡهُ وَيُنَزِّلُ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ لِّيُطَهِّرَكُم بِهِۦ وَيُذۡهِبَ عَنكُمۡ رِجۡزَ ٱلشَّيۡطَٰنِ وَلِيَرۡبِطَ عَلَىٰ قُلُوبِكُمۡ وَيُثَبِّتَ بِهِ ٱلۡأَقۡدَامَ
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong nagpupukol si Allāh ng pagkaantok sa inyo bilang katiwasayan mula sa nangyari sa inyo na pangamba sa kaaway ninyo, at nagbababa Siya sa inyo ng ulan mula sa langit upang magdalisay Siya sa inyo mula sa mga karumihan at mag-alis Siya sa inyo ng mga sulsol ng demonyo, upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga puso ninyo dahil sa pagpapakatatag ng mga katawan ninyo sa sandali ng pakikipagkita [sa kaaway], at upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga paa sa pamamagitan ng pagsisiksik sa lupang mabuhangin upang hindi lumubog dito ang mga paa.
Арабча тафсирлар:
إِذۡ يُوحِي رَبُّكَ إِلَى ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ أَنِّي مَعَكُمۡ فَثَبِّتُواْ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ سَأُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ فَٱضۡرِبُواْ فَوۡقَ ٱلۡأَعۡنَاقِ وَٱضۡرِبُواْ مِنۡهُمۡ كُلَّ بَنَانٖ
[Banggitin] noong nagkasi ang Panginoon mo, O Propeta, sa mga anghel na inayudahan Niya sa pamamagitan nila ang mga mananampalataya sa Badr, [na nagsasabi]: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo, O mga anghel, sa pamamagitan ng pag-aadya at pagsuporta kaya magpalakas kayo ng mga determinasyon ng mga mananampalataya sa pakikipaglaban sa kaaway nila. Magpupukol Ako sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng matinding pangamba. Kaya humagupit kayo, O mga mananampalataya, sa mga leeg ng mga tagatangging sumampalataya upang mamatay sila at humagupit kayo sa mga kasukasuan nila at mga paa't kamay nila upang mabaldado sila sa pakikipaglaban sa inyo."
Арабча тафсирлар:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ وَمَن يُشَاقِقِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Ang nagaganap na iyon sa mga tagatangging sumampalataya na pagkapatay at pagkataga ng mga paa't kamay ay dahil sila ay sumalungat kay Allāh at sa Sugo Niya sapagkat hindi sila sumunod sa ipinag-utos sa kanila at hindi sila huminto sa isinaway sa kanila. Ang sinumang sumasalungat kay Allāh at sa Sugo Niya kaugnay roon, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa kanya sa Mundo sa pamamagitan ng pagpatay at pagbihag at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng Apoy.
Арабча тафсирлар:
ذَٰلِكُمۡ فَذُوقُوهُ وَأَنَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابَ ٱلنَّارِ
Ang pagdurusang nabanggit na iyon ay ukol sa inyo, O mga tagasalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, kaya lasapin ninyo iyon nang madalian para sa inyo sa buhay na pangmundo. Sa Kabilang-buhay naman ay ukol sa inyo ang pagdurusa sa Apoy kung namatay kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagmamatigas ninyo.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ زَحۡفٗا فَلَا تُوَلُّوهُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag humarap kayo sa mga tagapagtambal sa labanan nang malapitan ay huwag kayong patatalo sa kanila at huwag kayong magbaling sa kanila ng mga likod ninyo habang mga tumatakas, subalit magpakatatag kayo sa mga mukha nila at magtiis kayo sa pakikipagharap sa kanila sapagkat si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pagsuporta Niya.
Арабча тафсирлар:
وَمَن يُوَلِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ دُبُرَهُۥٓ إِلَّا مُتَحَرِّفٗا لِّقِتَالٍ أَوۡ مُتَحَيِّزًا إِلَىٰ فِئَةٖ فَقَدۡ بَآءَ بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Ang sinumang magbabaling sa kanila ng likod niya habang tumatakas mula sa kanila – malibang lumilihis para sa pakikipagliban sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng pagtakas bilang pakana mula sa kanya gayong siya ay nagnanais ng pagbalik sa kanila, o malibang sumasama sa isang pangkat ng mga Muslim na nakadalo na magpapasaklolo siya rito – ay bumalik nga kalakip ng galit mula kay Allāh at naging karapat-dapat dito. Ang pananatilihan niya sa Kabilang-buhay ay Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan bilang kahahantungan niya at kay saklap ang kauuwian bilang kauuwian niya!
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• في الآيات اعتناء الله العظيم بحال عباده المؤمنين، وتيسير الأسباب التي بها ثبت إيمانهم، وثبتت أقدامهم، وزال عنهم المكروه والوساوس الشيطانية.
Nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] ang sukdulang pagmamalasakit ni Allāh sa mga mananampalatayang lingkod Niya at ang pagpapadali sa mga kadahilanang sa pamamagitan ng mga ito tumatag ang pananampalataya nila, tumatag ang mga paa nila, at naglaho sa kanila ang kinasusuklaman at ang mga sulsol na makademonyo.

• أن النصر بيد الله، ومن عنده سبحانه، وهو ليس بكثرة عَدَدٍ ولا عُدَدٍ مع أهمية هذا الإعداد.
Ang pananaig ay nasa kamay ni Allāh at mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Ito ay hindi dahil sa dami ng bilang ni ng kasangkapan sa kabila ng kahalagahan ng paghahandang ito.

• الفرار من الزحف من غير عذر من أكبر الكبائر.
Ang pagtakas mula sa digmaan nang walang dahilan ay kabilang sa pinakamalaki sa mga malaking kasalanan.

• في الآيات تعليم المؤمنين قواعد القتال الحربية، ومنها: طاعة الله والرسول، والثبات أمام الأعداء، والصبر عند اللقاء، وذِكْر الله كثيرًا.
Nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] ang pagtuturo sa mga mananampalataya ng mga panuntunan ng pakikipaglabang pandigmaan. Kabilang sa mga ito ang pagtalima kay Allāh at sa Sugo, ang pagpapakatatag sa harapan ng mga kaaway, ang pagtitiis sa sandali ng pakikipagkita sa kalaban, at ang pag-aalaala kay Allāh nang madalas.

فَلَمۡ تَقۡتُلُوهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ قَتَلَهُمۡۚ وَمَا رَمَيۡتَ إِذۡ رَمَيۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ رَمَىٰ وَلِيُبۡلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡهُ بَلَآءً حَسَنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Kay hindi kayo pumatay, O mga mananampalataya, sa Araw ng Badr sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo at lakas ninyo, subalit si Allāh ay tumulong sa inyo roon. Hindi ka bumato, O Propeta, sa mga tagapagtambal nang bumato ka sa kanila, subalit si Allāh ay ang bumato sa kanila nang nagparating ka sa kanila ng pagbato mo sa kanila at upang sumulit Siya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa kanila na pagpapangibabaw sa kanila laban sa kaaway nila, sa kabila ng taglay nila na kakauntian ng bilang at kasangkapan, upang magpasalamat sila sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa panalangin ninyo at mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo at anumang naroon ang kapakanan ninyo.
Арабча тафсирлар:
ذَٰلِكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مُوهِنُ كَيۡدِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ang nabanggit na iyon na pagpatay sa mga tagapagtambal, pagbato sa kanila hanggang sa natalo sila at tumalikod sila na mga tumatakas, at pagbiyaya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa kanila laban sa kalaban nila ay mula kay Allāh. Si Allāh ay nagpapahina sa pakana ng mga tagatangging sumampalataya na nagpapakana nito laban sa Islām.
Арабча тафсирлар:
إِن تَسۡتَفۡتِحُواْ فَقَدۡ جَآءَكُمُ ٱلۡفَتۡحُۖ وَإِن تَنتَهُواْ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۖ وَإِن تَعُودُواْ نَعُدۡ وَلَن تُغۡنِيَ عَنكُمۡ فِئَتُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَوۡ كَثُرَتۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung humihiling kayo, O mga tagapagtambal, na magpaganap si Allāh ng parusa Niya at pinsala Niya sa mga tagalabag sa katarungan na mga nangangaway ay nagpaganap nga si Allāh sa inyo ng hiniling ninyo sapagkat nagbaba Siya sa inyo ng naging isang parusang panghalimbawa para sa inyo at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala. Kung magpipigil kayo sa paghiling niyon, iyon ay mabuti para sa inyo sapagkat marahil nagpalugit Siya sa inyo at hindi nagmadali sa paghihiganti Niya sa inyo. Kung manunumbalik kayo sa paghiling niyon at sa pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay manunumbalik Siya sa pagpapaganap ng pagdurusa sa inyo at sa pag-aadya sa mga mananampalataya. Hindi magdudulot sa inyo ang pangkat ninyo ni ang mga tagaadya ninyo kahit pa man marami ang bilang at ang kasangkapan sa kabila ng kakauntian ng mga mananampalataya. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aadya at pagsuporta. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, walang mananaig sa kanya.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَأَنتُمۡ تَسۡمَعُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya, at huwag kayong umayaw roon sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipinag-uutos Niya at paggawa ng sinasaway Niya habang kayo ay nakaririnig sa mga tanda ni Allāh na binibigkas sa inyo.
Арабча тафсирлар:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ
Huwag kayo, O mga mananampalataya, maging tulad ng mga mapagpaimbabaw at mga tagapagtambal na kapag binigkas sa kanila ang mga tanda ni Allāh ay nagsasabi sila: "Nakarinig kami sa pamamagitan ng mga tainga namin ng binibigkas sa amin mula sa Qur'ān," samantalang sila ay hindi nakaririnig ayon sa pagkarinig ng pagbubulay-bulay at pagpapangaral para makinabang sila sa narinig nila.
Арабча тафсирлар:
۞ إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلصُّمُّ ٱلۡبُكۡمُ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡقِلُونَ
Tunay na ang pinakamasama sa mga umuusad sa balat ng lupa na nilikha sa ganang kay Allāh ay ang mga binging hindi nakaririnig ng katotohanan ayon sa pagkarinig ng pagtanggap at ang mga piping hindi nakapagsasalita sapagkat sila ang hindi nakatatalos tungkol kay Allāh ng mga ipinag-utos Niya ni mga sinasaway Niya.
Арабча тафсирлар:
وَلَوۡ عَلِمَ ٱللَّهُ فِيهِمۡ خَيۡرٗا لَّأَسۡمَعَهُمۡۖ وَلَوۡ أَسۡمَعَهُمۡ لَتَوَلَّواْ وَّهُم مُّعۡرِضُونَ
Kung sakaling nakaalam si Allāh na sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito ay may isang kabutihan, talaga sanang nagparinig Siya sa kanila ayon sa pagkarinig na makikinabang sila at makatatalos sila sa ganang Kanya ng mga katwiran at mga patunay, subalit Siya ay nakaalam na walang kabutihan sa kanila. Kung sakaling Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagparinig sa kanila – bilang pagpapalagay at pagsasaalang-alang – talaga sanang tumalikod sila sa pananampalataya bilang pagmamatigas habang sila ay mga umaayaw.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱسۡتَجِيبُواْ لِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ إِذَا دَعَاكُمۡ لِمَا يُحۡيِيكُمۡۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَحُولُ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَقَلۡبِهِۦ وَأَنَّهُۥٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, tumugon kayo kay Allāh at sa Sugo Niya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa ipinag-utos Nilang dalawa at pag-iwas sa sinaway Nilang dalawa – kapag nag-anyaya siya sa inyo para sa may dulot ng buhay ninyo na katotohanan. Tumiyak kayo na si Allāh ay nakakakaya sa bawat bagay sapagkat Siya ay nakakakaya na humarang sa pagitan ninyo at ng pagpapaakay sa katotohanan kapag nagnais kayo nito matapos ng pagtanggi ninyo rito, kaya magdali-dali kayo tungo rito. Tumiyak kayo na kayo ay tungo kay Allāh lamang kakalapin sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo na ginawa ninyo sa Mundo.
Арабча тафсирлар:
وَٱتَّقُواْ فِتۡنَةٗ لَّا تُصِيبَنَّ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنكُمۡ خَآصَّةٗۖ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Mag-ingat kayo, O mga mananampalataya, sa pagdurusang hindi umaabot sa sumusuway kabilang sa inyo lamang bagkus umaabot dito at umaabot sa iba pa rito. Iyon ay kapag lumilitaw ang kawalang-katarungan ngunit hindi binabago. Tiyakin ninyo na si Allāh ay malakas ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya kaya mag-ingat kayo sa pagsuway sa Kanya.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• من كان الله معه فهو المنصور وإن كان ضعيفًا قليلًا عدده، وهذه المعية تكون بحسب ما قام به المؤمنون من أعمال الإيمان.
Ang sinumang si Allāh ay kasama nila, sila ay ang mga pinagwawagi kahit pa man sila ay mahina at kaunti ang bilang. Ang pagiging kasama na ito ay nagiging alinsunod sa isinagawa ng mga mananampalataya na mga gawain ng pananampalataya.

• المؤمن مطالب بالأخذ بالأسباب المادية، والقيام بالتكليف الذي كلفه الله، ثم يتوكل على الله، ويفوض الأمر إليه، أما تحقيق النتائج والأهداف فهو متروك لله عز وجل.
Ang mananampalataya ay hinihiling na gumamit ng mga kaparaanang materyal at magsagawa ng mga tungkuling iniatang sa kanya ni Allāh. Pagkatapos manalig siya kay Allāh at ipagkatiwala niya ang nauukol kay Allāh. Ang pagsasakatuparan naman sa mga resulta at mga layunin, ito ay ipinauubaya kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• في الآيات دليل على أن الله تعالى لا يمنع الإيمان والخير إلا عمَّن لا خير فيه، وهو الذي لا يزكو لديه هذا الإيمان ولا يثمر عنده.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi pumipigil ng pananampalataya at kabutihan maliban sa sinumang walang kabutihang taglay. Siya ay ang hindi dumadalisay sa kanya ang pananampalatayang ito at hindi namumunga sa kanya.

• على العبد أن يكثر من الدعاء: يا مقلب القلوب ثبِّت قلبي على دينك، يا مُصرِّف القلوب اصرف قلبي إلى طاعتك.
Kailangan sa tao na magpadalas ng panalanging: "Yā muqalliba -lqulūbi thabbit qalbī `alā dīnik; yā muṣarrifa -lqulūbi -ṣrif qalbī ilā ṭa`ātik (O tagapagpabagu-bago ng mga puso, magpatatag Ka ng puso ko sa relihiyon Mo; O tagapagbaling-baling ng mga puso, magbaling Ka ng puso ko sa pagtalima sa Iyo)."

• أَمَرَ الله المؤمنين ألا يُقِرُّوا المنكر بين أظهرهم فيعُمَّهم العذاب.
Nag-utos si Allāh sa mga mananampalataya na huwag silang kumilala sa nakasasaman sa gitna nila sapagkat maglalahat ito sa kanila sa pagdurusa.

وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ أَنتُمۡ قَلِيلٞ مُّسۡتَضۡعَفُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ تَخَافُونَ أَن يَتَخَطَّفَكُمُ ٱلنَّاسُ فَـَٔاوَىٰكُمۡ وَأَيَّدَكُم بِنَصۡرِهِۦ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Alalahanin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo dati sa Makkah ay kaunti ang bilang, habang sinisiil kayo ng mga naninirahan doon at nilulupig kayo. Nangangamba kayo na kunin kayo ng mga kaaway nang mabilis, ngunit pinagsama kayo ni Allāh tungo sa isang kanlungang pagkakanlungan ninyo: ang Madīnah. Pinalakas Niya kayo sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa mga pook ng digmaan, na kabilang sa mga ito ang Badr. Tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay, na kabilang sa kabuuan ng mga ito ay ang mga samsam sa digmaan na nakuha ninyo mula sa mga kaaway ninyo. [Ito ay] nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya para magdagdag Siya sa inyo sa mga ito at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito para hindi Niya kunin ang mga ito sa inyo at pagdusahin Niya kayo.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَخُونُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ وَتَخُونُوٓاْ أَمَٰنَٰتِكُمۡ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sa sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at hindi pag-iwas sa mga sinasaway, at huwag kayong magtaksil sa anumang ipinagkatiwala sa inyo na pagkakautang at iba pa rito habang kayo ay nakaaalam na ang isinagawa ninyo ay isang pagtataksil para kayo ay maging kabilang sa mga taksil.
Арабча тафсирлар:
وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na ang mga ari-arian ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok lamang mula kay Allāh para sa inyo at isang pagsusulit lamang sapagkat maaaring bumalakid ang mga ito sa inyo sa paggawa para sa Kabilang-buhay at mag-udyok sa inyo ang mga ito sa pagtataksil. Alamin ninyo na si Allāh, sa ganang Kanya, ay may isang gantimpalang sukdulan, kaya huwag kayong magpaalpas sa inyo ng gantimpalang ito dahil sa pagsasaalang-alang sa mga yaman ninyo at mga anak ninyo at pagtataksil alang-alang sa kanila.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَتَّقُواْ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّكُمۡ فُرۡقَانٗا وَيُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, alamin ninyo na kung mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay gagawa Siya para sa inyo ng ipantatalos ninyo ng kaibahan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, kaya hindi makalilito ang dalawang ito sa inyo, magpapawi Siya sa inyo ng nagawa ninyo na mga masagwang gawa, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay ang may kabutihang-loob na sukdulan. Bahagi ng kabutihang-loob Niyang sukdulan ay ang Paraiso Niya na inihanda Niya para sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya.
Арабча тафсирлар:
وَإِذۡ يَمۡكُرُ بِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيُثۡبِتُوكَ أَوۡ يَقۡتُلُوكَ أَوۡ يُخۡرِجُوكَۚ وَيَمۡكُرُونَ وَيَمۡكُرُ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagtulungan laban sa iyo ang mga tagapagtambal upang magpakana sila laban sa iyo sa pagkulong sa iyo o sa pagpatay sa iyo o sa pagpapatapon sa iyo mula sa bayan mo patungo sa ibang bayan. Nagpapakana sila sa iyo at nagsasauli naman si Allāh ng pakana nila laban sa kanila. Nanlalansi si Allāh at si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga nanlalansi.
Арабча тафсирлар:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا قَالُواْ قَدۡ سَمِعۡنَا لَوۡ نَشَآءُ لَقُلۡنَا مِثۡلَ هَٰذَآ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ni Allāh ay nagsasabi sila bilang pagmamatigas sa katotohanan at pagmamataas dito: "Nakarinig na kami ng tulad nito noon pa. Kung sakaling loloobin namin ang pagsabi ng tulad ng Qur'ān na ito ay talaga sanang nagsabi kami nito. Walang iba ang Qur'ān na ito na narinig Namin kundi mga kasinungalingan ng mga sinauna kaya, hindi kami sasampalataya rito."
Арабча тафсирлар:
وَإِذۡ قَالُواْ ٱللَّهُمَّ إِن كَانَ هَٰذَا هُوَ ٱلۡحَقَّ مِنۡ عِندِكَ فَأَمۡطِرۡ عَلَيۡنَا حِجَارَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ أَوِ ٱئۡتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٖ
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga tagapagtambal: "O Allāh, kung ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanan, magpabagsak Ka sa amin ng mga bato mula sa langit na magpapahamak sa amin o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang matindi." Nagsabi sila niyon bilang pagpapalabis sa pagtanggi at pagkakaila.
Арабча тафсирлар:
وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمۡ وَأَنتَ فِيهِمۡۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ مُعَذِّبَهُمۡ وَهُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kalipunan mo – maging sila man ay kabilang sa kalipunan ng pagtugon o kabilang sa kalipunan ng pag-aanyaya – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pupuksa sa kanila habang ikaw, O Muḥammad, ay buhay na naririyan sa gitna nila sapagkat ang kairalan mo sa gitna nila ay isang kaligtasan para sa kanila mula sa pagdurusa. Hindi nangyaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• الشكر نعمة عظيمة يزيد بها فضل الله تعالى، وينقص عند إغفالها.
Ang pagpapasalamat ay biyayang sukdulang nadaragdagan sa pamamagitan nito ang kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at nababawasan ito sa sandali ng pagpapabaya rito.

• للأمانة شأن عظيم في استقامة أحوال المسلمين، ما ثبتوا عليها وتخلقوا بها، وهي دليل نزاهة النفس واعتدال أعمالها.
Ang tiwala ay may kahalagahang mabigat sa pagpapakatuwid ng mga kalagayan ng mga Muslim hanggat nagpapakatatag sila rito at nagsasaasal sila nito. Ito ay isang patunay sa kalinisan ng kaluluwa at pagkamatuwid ng mga gawain nito.

• ما عند الله من الأجر على كَفِّ النفس عن المنهيات، خير من المنافع الحاصلة عن اقتحام المناهي لأجل الأموال والأولاد.
Ang nasa ganang kay Allāh na pabuya sa pagpipigil sa sarili laban sa mga sinasaway ay higit na mabuti kaysa sa mga pakinabang na nakakamit sa pagsuong sa mga sinasaway alang-alang sa mga yaman at mga anak.

• في الآيات بيان سفه عقول المعرضين؛ لأنهم لم يقولوا: اللَّهُمَّ إن كان هذا هو الحق من عندك فاهدنا إليه.
Nasaad sa mga talata ng Qur'ān ang paglilinaw sa kahunghangan ng mga isip ng mga umaayaw dahil sila ay hindi nagsabi: "O Allāh, kung ito ay ang katotohanan mula sa ganang Iyo, magpatnubay Ka sa amin tungo rito."

• في الآيات فضيلة الاستغفار وبركته، وأنه من موانع وقوع العذاب.
Nasaad sa mga talata ng Qur'ān ang kalamangan ng paghingi ng tawad at ang pagpapala nito, at na ito ay kabilang sa mga pampigil sa pagbagsak ng pagdurusa.

وَمَا لَهُمۡ أَلَّا يُعَذِّبَهُمُ ٱللَّهُ وَهُمۡ يَصُدُّونَ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَمَا كَانُوٓاْ أَوۡلِيَآءَهُۥٓۚ إِنۡ أَوۡلِيَآؤُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُتَّقُونَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Aling bagay ang pumipigil sa pagdurusa nila samantalang nakagawa nga sila ng nag-oobliga sa pagdurusa nila dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa Masjid na Pinakababanal na magsagawa ng ṭawāf doon o magdasal doon? Ang mga tagapagtambal ay hindi naging mga katangkilik ni Allāh sapagkat walang iba ang mga katangkilik ni Allāh kundi ang mga tagapangilag magkasala, na nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam nang nag-angkin sila na sila raw ay mga katangkilik Niya gayon sila naman ay hindi mga katangkilik Niya.
Арабча тафсирлар:
وَمَا كَانَ صَلَاتُهُمۡ عِندَ ٱلۡبَيۡتِ إِلَّا مُكَآءٗ وَتَصۡدِيَةٗۚ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Walang iba ang pagdarasal ng mga tagapagtambal sa tabi Masjid na Pinakababanal kundi sipol at palakpak. Kaya lasapin ninyo, O mga tagapagtambal, ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag sa Araw ng Badr dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa Sugo Niya.
Арабча тафсирлар:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ لِيَصُدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَسَيُنفِقُونَهَا ثُمَّ تَكُونُ عَلَيۡهِمۡ حَسۡرَةٗ ثُمَّ يُغۡلَبُونَۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ يُحۡشَرُونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay gumugugol ng mga yaman nila para sa pagpigil sa mga tao sa Relihiyon ni Allāh. Kaya gugugol sila ng mga ito at hindi maisasakatuparan para sa kanila ang ninais nila. Pagkatapos ang kahihinatnan ng paggugol nila sa mga yaman nila ay magiging isang pagsisisi dahil sa pagkaalpas ng mga ito at pagkaalpas ng nilayon ng paggugol sa mga ito. Pagkatapos madadaig sila sa pamamagitan ng pagwawagi ng mga mananampalataya laban sa kanila. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay aakayin tungo sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon saka papasok sila roon bilang mga mananatili.
Арабча тафсирлар:
لِيَمِيزَ ٱللَّهُ ٱلۡخَبِيثَ مِنَ ٱلطَّيِّبِ وَيَجۡعَلَ ٱلۡخَبِيثَ بَعۡضَهُۥ عَلَىٰ بَعۡضٖ فَيَرۡكُمَهُۥ جَمِيعٗا فَيَجۡعَلَهُۥ فِي جَهَنَّمَۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Aakayin ang mga tagatangging sumampalatayang ito na gumugugol ng mga yaman nila para sa pagsagabal sa landas ni Allāh tungo sa Apoy ng Impiyerno upang ihiwalay ni Allāh ang karima-rimarin na pangkat ng mga tagatangging sumampalataya sa kaaya-ayang pangkat ng mga mananampalataya at upang maglagay Siya sa karima-rimarim na mga tao, mga gawain, at mga yaman – ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba na nagkapatung-patong – para maglagay Siya sa mga iyon sa Apoy ng Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sila ay nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.
Арабча тафсирлар:
قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِن يَنتَهُواْ يُغۡفَرۡ لَهُم مَّا قَدۡ سَلَفَ وَإِن يَعُودُواْ فَقَدۡ مَضَتۡ سُنَّتُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa mga kababayan mo na kung magpipigil sila sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya at sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya, magpapatawad si Allāh sa kanila sa anumang nauna na sa mga pagkakasala nila sapagkat ang Islām ay nagwawasak sa nauna roon; at kung manunumbalik sila sa kawalang-pananampalataya nila, nauna na ang kalakaran ni Allāh sa mga sinauna: na sila, kapag nagpasinungaling sila at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya, ay mamadaliin sa kaparusahan.
Арабча тафсирлар:
وَقَٰتِلُوهُمۡ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتۡنَةٞ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ كُلُّهُۥ لِلَّهِۚ فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya hanggang sa walang mangyaring shirk at pagsagabal para sa mga Muslim sa relihiyon ni Allāh, at ang relihiyon at ang pagtalima ay ukol kay Allāh lamang: walang katambal sa Kanya roon. Kaya kung tumigil ang mga tagatangging sumampalataya sa dati nilang ginagawa na shirk at pagsagabal sa landas ni Allāh ay hayaan ninyo sila sapagkat tunay na si Allāh ay nakababatid sa mga gawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na isang nagkukubli.
Арабча тафсирлар:
وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَوۡلَىٰكُمۡۚ نِعۡمَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَنِعۡمَ ٱلنَّصِيرُ
Kung babaling sila palayo sa ipinag-utos sa kanila na pagtigil sa kawalang-pananampalataya at pagsagabal sa landas ni Allāh ay tiyakin ninyo, O mga mananampalataya, na si Allāh ay Tagaadya ninyo laban sa kanila. Kay inam na Tagatangkilik para sa sinumang nakipagtangkilikan Siya at kay inam na Tagaadya para sa sinumang inadya Niya. Ang sinumang tinangkilik Niya ay magtatagumpay at ang sinumang iniadya Niya ay magwawagi.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• الصد عن المسجد الحرام جريمة عظيمة يستحق فاعلوه عذاب الدنيا قبل عذاب الآخرة.
Ang pagsagabal sa Masjid na Pinakababanal ay isang mabigat na krimeng nagiging karapat-dapat ang mga tagagawa nito ng pagdurusa sa Mundo bago ng pagdurusa sa Kabilang-buhay.

• عمارة المسجد الحرام وولايته شرف لا يستحقه إلّا أولياء الله المتقون.
Ang pangangalaga sa Masjid na Pinakababanal at ang pagtangkilik dito ay isang karangalang walang nagiging karapat-dapat dito kundi ang mga katangkilik ni Allāh na mga tagapangilag magkasala.

• في الآيات إنذار للكافرين بأنهم لا يحصلون من إنفاقهم أموالهم في الباطل على طائل، وسوف تصيبهم الحسرة وشدة الندامة.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang pagbibigay-babala sa mga tagatangging sumampalataya na sila ay hindi magtatamo ng isang pakinabang mula sa paggugol nila ng mga yaman nila sa kabulaanan. Tatama sa kanila ang panghihinayang at ang katindihan ng pagsisisi.

• دعوة الله تعالى للكافرين للتوبة والإيمان دعوة مفتوحة لهم على الرغم من استمرار عنادهم.
Ang paanyaya ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tagatangging sumampalataya para sa pagbabalik-loob at pananampalataya ay isang paanyayang bukas para sa kanila sa kabila ng pagpapatuloy ng pagmamatigas nila.

• من كان الله مولاه وناصره فلا خوف عليه، ومن كان الله عدوًّا له فلا عِزَّ له.
Ang sinumang si Allāh ay Tagatangkilik sa kanya at Tagaadya sa kanya ay walang pangamba sa kanya. Ang sinumang si Allāh ay naging kaaway para sa kanya ay walang dangal sa kanya.

۞ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا غَنِمۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُۥ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ إِن كُنتُمۡ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا يَوۡمَ ٱلۡفُرۡقَانِ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na ang nakuha ninyo na anuman mula sa mga tagatangging sumampalataya dala ng panggagapi sa pakikibaka sa landas ni Allāh, tunay na ito ay hahatiin sa limang bahagi. Ang apat na ikalimang bahagi mula sa mga ito ay hahatiin para sa mga nakikibaka at ang natitirang ikalimang bahagi ay hahatiin sa limang bahagi: isang bahagi para kay Allāh at sa Sugo Niya na gugugulin sa mga guguling pampubliko para sa mga Muslim, isang bahagi para sa kaanak ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kabilang sa angkan ni Hāshim at angkan ni Al-Muṭṭalib, isang bahagi para sa mga ulila, isang bahagi para sa mga maralita at mga dukha, at isang bahagi para sa mga manlalakbay na kinapos sa mga daan. [Ito ay] kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh at sa pinababa sa Lingkod Niya na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Araw ng Badr na nagtangi si Allāh sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan nang nag-adya Siya sa inyo laban sa mga kaaway ninyo. Si Allāh na nag-adya sa inyo ay May-kakayahan sa bawat bagay.
Арабча тафсирлар:
إِذۡ أَنتُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلۡقُصۡوَىٰ وَٱلرَّكۡبُ أَسۡفَلَ مِنكُمۡۚ وَلَوۡ تَوَاعَدتُّمۡ لَٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡمِيعَٰدِ وَلَٰكِن لِّيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗا لِّيَهۡلِكَ مَنۡ هَلَكَ عَنۢ بَيِّنَةٖ وَيَحۡيَىٰ مَنۡ حَيَّ عَنۢ بَيِّنَةٖۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَسَمِيعٌ عَلِيمٌ
Banggitin ninyo nang kayo ay nasa pinakamalapit na gilid ng lambak mula sa bandang Madīnah at ang mga tagapagtambal naman ay nasa gilid na pinakamalayo mula roon mula sa bandang Makkah samantalang ang karaban ay nasa pook na higit na mababa kaysa sa inyo mula sa bandang baybayin ng Pulang Dagat. Kung sakaling nagtipanan kayo mismo at ang mga tagapagtambal na magkita kayo sa Badr ay talaga sanang sumalungat ang iba sa inyo sa iba pa, subalit si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagtipon sa inyo sa Badr nang walang tipanan upang magpalubos Siya ng isang bagay na mangyayaring gagawin: ang pag-aadya sa mga mananampalataya at ang pagtatatwa sa mga tagatangging sumampalataya, at ang pagpaparangal sa relihiyon Niya at ang pang-aaba sa shirk, upang mamatay ang sinumang mamamatay kabilang sa kanila matapos ng paglalahad ng katwiran sa pamamagitan ng pagpapawagi sa mga mananampalataya laban sa kanila, sa kabila ng kakauntian ng bilang ng mga ito at ng kasangkapan ng mga ito, at [upang] mabuhay ang sinumang mabubuhay ayon sa patunay at katwirang pinalitaw ni Allāh para sa kanya. Kaya walang natitira para sa isa man na isang katwirang ipangangatwiran. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng lahat, Maalam sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Арабча тафсирлар:
إِذۡ يُرِيكَهُمُ ٱللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلٗاۖ وَلَوۡ أَرَىٰكَهُمۡ كَثِيرٗا لَّفَشِلۡتُمۡ وَلَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ سَلَّمَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Bumanggit ka, O Sugo, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at sa mga mananampalataya noong ipinakita sa iyo ni Allāh sa pananaginip mo na ang mga tagapagtambal ay kaunti ang bilang saka nagpabatid ka sa mga mananampalataya niyon kaya ikinagalak nila iyon bilang mabuti. Lumakas ang mga pagtitika nila sa pakikipagkita sa kaaway nila at pakikipaglaban dito. Kung sakaling Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpakita sa iyo sa panaginip mo na ang mga tagapagtambal ay marami, talaga sanang humina ang mga pagtitika ng mga Kasamahan mo at nangamba sila sa pakikipaglaban, subalit Siya ay nagligtas laban doon kaya napangalagaan Niya sila laban sa pagkabigo. Pinangaunti Niya ang mga iyon sa mata ng Sugo Niya – basbasan Niya ito at pangalagaan. Tunay na Siya ay Maalam sa itinatago ng mga puso at sa ikinukubli ng mga kaluluwa.
Арабча тафсирлар:
وَإِذۡ يُرِيكُمُوهُمۡ إِذِ ٱلۡتَقَيۡتُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِكُمۡ قَلِيلٗا وَيُقَلِّلُكُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِهِمۡ لِيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗاۗ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong ipinakikita sa inyo ni Allāh na kakaunti ang mga tagapagtambal nang nakipagkita kayo sa kanila. Nagpalakas-loob Siya sa inyo sa pangangahas sa pakikipaglaban sa kanila. Nagpakaunti Siya sa inyo sa mga mata nila kaya sumulong sila sa pakikipaglaban sa inyo at hindi sila nag-iisip-isip sa pag-urong, upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin: ang paghihiganti sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at ang pagbiyaya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway. Tungo kay Allāh lamang pababalikin ang mga usapin, saka gaganti Siya sa tagagawa ng masagwa sa paggawa nito ng masagwa at sa tagagawa ng maganda sa paggawa nito ng maganda.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمۡ فِئَةٗ فَٱثۡبُتُواْ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا لَّعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag humarap kayo sa isang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya ay magpakatatag kayo sa sandali ng pakikipaglaban sa kanila at huwag kayong maduwag. Umalaala kayo kay Allāh nang madalas at dumalangin kayo sa Kanya, sapagkat Siya ay ang Nakakakaya sa pagpapawagi sa inyo laban sa kanila, sa pag-asang magpatamo Siya sa inyo ng hinihiling ninyo at magpaiwas Siya sa inyo sa pinangingilagan ninyo.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• الغنائم لله يجعلها حيث شاء بالكيفية التي يريد، فليس لأحد شأن في ذلك.
Ang mga samsam sa digmaan ay para kay Allāh. Nagtatalaga Siya ng mga ito saanman Niya niloob ayon sa pamamaraang ninanais Niya kaya naman walang pakialam ang isa man kaugnay roon.

• من أسباب النصر تدبير الله للمؤمنين بما يعينهم على النصر، والصبر والثبات والإكثار من ذكر الله.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagwawagi ay ang pangangasiwa ni Allāh para sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng tutulong sa kanila sa pagwawagi, pagtitiis, at katatagan.

• قضاء الله نافذ وحكمته بالغة وهي الخير لعباد الله وللأمة كلها.
Ang pagpapasya ni Allāh ay natutupad at ang karunungan Niya ay nanunuot. Ito ay ang kabutihan para sa mga lingkod ni Allāh at para sa Kalipunang Islām sa kabuuan nito.

وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَنَٰزَعُواْ فَتَفۡشَلُواْ وَتَذۡهَبَ رِيحُكُمۡۖ وَٱصۡبِرُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya sa mga sinasabi ninyo, mga ginagawa ninyo, at lahat ng mga kalagayan ninyo. Huwag kayong magkaiba-iba sa pananaw sapagkat ang pagkakaiba-iba ay isang kadahilanan ng paghina ninyo, pagkaduwag ninyo, at pagkawala ng lakas ninyo. Magtiis kayo sa sandali ng pakikipagkita sa kaaway ninyo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis sa pamamagitan ng pag-aadya, pag-alalay, at tulong. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, siya ay ang mananaig at ang magwawagi nang walang pasubali.
Арабча тафсирлар:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ خَرَجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بَطَرٗا وَرِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Huwag kayong maging tulad ng mga tagapagtambal na lumabas mula sa Makkah dala ng pagmamalaki at pagpapakitang-gilas sa mga tao. Sumasagabal sila sa mga tao sa Relihiyon ni Allāh at humadlang sila sa mga ito sa pagpasok doon. Si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa Kanya anuman sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Арабча тафсирлар:
وَإِذۡ زَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَقَالَ لَا غَالِبَ لَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَإِنِّي جَارٞ لَّكُمۡۖ فَلَمَّا تَرَآءَتِ ٱلۡفِئَتَانِ نَكَصَ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِ وَقَالَ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّنكُمۡ إِنِّيٓ أَرَىٰ مَا لَا تَرَوۡنَ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَۚ وَٱللَّهُ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Bumanggit kayo, O mga mananampalataya, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa inyo: na pinaganda ng demonyo sa mga tagapagtambal ang mga gawa nila kaya nahimok niya sila sa pakikipagkita sa mga Muslim at pakikipaglaban sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito. Tunay na ako ay tagaadya sa inyo at tagakanlong sa inyo laban sa kaaway ninyo." Ngunit noong nagkita ang dalawang pulutong: ang pulutong ng mga mananampalataya kasama ng mga anghel na mag-aadya sa kanila at ang pulutong ng mga tagapagtambal kasama ng demonyo na magtatatwa sa kanila, tumalikod ang demonyo habang tumatakas. Nagsabi siya sa mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakakikita sa mga anghel na dumating para mag-adya sa mga mananampalataya. Tunay na ako ay nangangamba na magpahamak sa akin si Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa kaya walang isang nakakakaya na makapagtiis sa parusa Niya."
Арабча тафсирлар:
إِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ غَرَّ هَٰٓؤُلَآءِ دِينُهُمۡۗ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Banggitin ninyo noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga mahina ang pananampalataya: "Nandaya sa mga Muslim na ito ang relihiyon nila na nangangako sa kanila ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa kabila ng kakauntian ng bilang at kahinaan ng kasangkapan at [sa kabila ng] dami ng bilang ng mga kaaway nila at lakas ng kagamitan ng mga ito." Hindi natalos ng mga ito na ang sinumang sumandal kay Allāh lamang at nagtitiwala sa ipinangako na pagwawagi, tunay na si Allāh ay tagaadya niya at hindi magkakanulo sa kanya maging gaano man ang kahinaan niya. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang nananaig sa kanya na isa man, Marunong sa pagtatakda Niya at batas Niya.
Арабча тафсирлар:
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ يَتَوَفَّى ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Kung sakaling nakasasaksi ka, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya nang kumukuha ang mga anghel sa mga kaluluwa nila at nag-aalis ng mga ito habang ang mga anghel ay pumapalo sa mga mukha nila kapag humarap sila at pumapalo sa mga likod nila kapag tumalikod sila habang mga tumatakas. Nagsasabi ang mga anghel sa kanila: "Lumasap kayo, O mga tagatangging sumampalataya, ng pagdurusang nanununog." Kung sakaling nakasasaksi ka niyon ay talaga sanang nakasaksi ka ng isang bagay na sukdulan."
Арабча тафсирлар:
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Ang pagdurusang nakasasakit na iyon sa sandali ng pagkuha sa mga kaluluwa ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, at ang pagdurusang nanununog sa mga libingan ninyo at sa Kabilang-buhay, ang kadahilanan nito ay ang nakamit ng mga kamay ninyo sa Mundo sapagkat si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga tao at humatol lamang sa pagitan nila ayon sa katarungan sapagkat Siya ay ang Hukom na makatarungan.
Арабча тафсирлар:
كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Ang pagdurusang bumababa na ito sa mga tagatangging sumampalatayang ito ay hindi natatangi sa kanila. Bagkus ito ay kalakaran ni Allāh na ipinatutupad Niya sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at lugar sapagkat tumama na ito sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila nang tumanggi silang sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya dumaklot si Allāh sa kanila dahilan sa mga pagkakasala nila ayon sa pagdaklot ng isang makapangyarihang kumakaya sapagkat nagpababa Siya sa kanila ng parusa Niya. Tunay na si Allāh ay Malakas: walang nakagagapi ni nakadadaig, matindi ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• البَطَر مرض خطير ينْخَرُ في تكوين شخصية الإنسان، ويُعَجِّل في تدمير كيان صاحبه.
Ang kapalaluan ay isang sakit na mapanganib na nagpapabulok sa pagkakabuo ng personalidad ng tao at nagpapadali sa pagwasak sa kairalan ng nagtataglay nito.

• الصبر يعين على تحمل الشدائد والمصاعب، وللصبر منفعة إلهية، وهي إعانة الله لمن صبر امتثالًا لأمره، وهذا مشاهد في تصرفات الحياة.
Ang pagtitiis ay tumutulong sa pagtitiis sa mga kasawiang-palad at mga pasakit. Ang pagtitiis ay may pakinabang na makadiyos. Ito ay ang pagtulong ni Allāh sa sinumang nagtiis dahil sa pagsunod sa utos Niya. Ito ay nasasaksihan sa mga gawain ng buhay.

• التنازع والاختلاف من أسباب انقسام الأمة، وإنذار بالهزيمة والتراجع، وذهاب القوة والنصر والدولة.
Ang paghihidwaan at ang pagkakasalungatan ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkakahati ng Kalipunang Islām at isang pagbibigay-babala ng pagkatalo, pag-urong, at pagkawala ng lakas, pagwagi, at estado.

• الإيمان يوجب لصاحبه الإقدام على الأمور الهائلة التي لا يُقْدِم عليها الجيوش العظام.
Ang pananampalataya ay nag-oobliga sa nagtataglay nito ng paglalakas-loob sa mga bagay-bagay na naglalakihan na hindi naglalakas-loob sa mga ito ang mga dambuhalang hukbo.

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ لَمۡ يَكُ مُغَيِّرٗا نِّعۡمَةً أَنۡعَمَهَا عَلَىٰ قَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Ang parusang matinding iyon ay dahilan na si Allāh, kapag nagbiyaya Siya sa mga tao ng isang biyayang mula sa ganang Kanya, ay hindi nag-aalis nito sa kanila hanggang sa mag-iba sila ng mga sarili nila mula sa kalagayang kaaya-aya, gaya ng pananampalataya, pagpapakatuwid, at pagpapasalamat, patungo sa kalagayang masagwa, gaya ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, pagsuway sa Kanya, at pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maaalam sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
Арабча тафсирлар:
كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَۚ وَكُلّٞ كَانُواْ ظَٰلِمِينَ
Ang lagay ng mga tagatangging sumampalatayang ito ay gaya ng lagay ng iba pa sa kanila kabilang sa tumangging sumampalataya kay Allāh tulad ng mga kampon ni Paraon at mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Siya sa kanila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway. Nagpahamak si Allāh sa mga kampon ni Paraon sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Bawat isa sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila ay dating mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagtatambal nila sa Kanya kaya naging kinakailangan sa kanila dahil doon ang parusa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya naman pinangyari Niya iyon sa kanila.
Арабча тафсирлар:
إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Tunay na pinakamasama sa sinumang umuusad sa lupa ay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya sapagkat sila ay hindi sasampalataya kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tanda, dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya sapagkat nasira na sa kanila ang mga kaparaanan ng kapatnubayan gaya ng isip, pagdinig, at pagtingin.
Арабча тафсирлар:
ٱلَّذِينَ عَٰهَدتَّ مِنۡهُمۡ ثُمَّ يَنقُضُونَ عَهۡدَهُمۡ فِي كُلِّ مَرَّةٖ وَهُمۡ لَا يَتَّقُونَ
[Sila] ang mga nagsagawa ka sa kanila ng mga kasunduan at mga tipan, gaya ng angkan ng Quraydhah, pagkatapos kumalas sila sa pakikipagkasunduan mo sa kanila sa bawat pagkakataon habang sila ay hindi nangangamba kay Allāh kaya hindi sila tumutupad sa mga kasunduan sa kanila at hindi sumusunod sa mga pangakong tinanggap sa kanila.
Арабча тафсирлар:
فَإِمَّا تَثۡقَفَنَّهُمۡ فِي ٱلۡحَرۡبِ فَشَرِّدۡ بِهِم مَّنۡ خَلۡفَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ
Kaya kung nakipagharap ka, O Sugo, sa mga tagasirang ito sa mga tipan nila sa digmaan, magparusa ka ng magsisilbing aral sa kanila ayon sa pinakamatindi sa pagpaparusang nagsisilbing aral hanggang sa makarinig ng hinggil doon ang iba pa sa kanila, nang sa gayon sila ay magsasaalang-alang sa kalagayan nila kaya maririndi sila sa pakikipaglaban sa iyo at pag-alalay sa mga kaaway mo laban sa iyo.
Арабча тафсирлар:
وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِن قَوۡمٍ خِيَانَةٗ فَٱنۢبِذۡ إِلَيۡهِمۡ عَلَىٰ سَوَآءٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡخَآئِنِينَ
Kung sa mga taong nakipagkasunduan ka ay nangamba ka, O Sugo, ng isang pandaraya at pagsira sa kasunduan dahil sa isang palatandaang lumilitaw sa iyo, magpaalam ka sa kanila ng pagtapon sa kasunduan sa kanila upang pumantay sila sa iyo sa kaalaman hinggil doon. Huwag kang mambigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila sapagkat ang pambibigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila ay kabilang sa kataksilan. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga taksil, bagkus namumuhi Siya sa kanila, kaya mangilag ka sa kataksilan.
Арабча тафсирлар:
وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَبَقُوٓاْۚ إِنَّهُمۡ لَا يُعۡجِزُونَ
Huwag magpapalagay ang mga tumangging sumampalataya na sila ay nakaalpas sa parusa ni Allāh at nakatalilis mula roon. Tunay na sila ay hindi nakaaalpas sa Kanya at hindi nakatatalilis mula sa parusa Niya, bagkus ito ay makahahabol sa kanila at makaaabot sa kanila.
Арабча тафсирлар:
وَأَعِدُّواْ لَهُم مَّا ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن قُوَّةٖ وَمِن رِّبَاطِ ٱلۡخَيۡلِ تُرۡهِبُونَ بِهِۦ عَدُوَّ ٱللَّهِ وَعَدُوَّكُمۡ وَءَاخَرِينَ مِن دُونِهِمۡ لَا تَعۡلَمُونَهُمُ ٱللَّهُ يَعۡلَمُهُمۡۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ
Maghanda kayo, O mga mananampalataya, ng anumang nakaya ninyo sa paghahanda ng tauhan at kasangkapan gaya ng panudla. Maghanda kayo para sa kanila ng ikinural ninyo na mga kabayo ayon sa landas ni Allāh, na ipakakaba ninyo sa mga kaaway ni Allāh at mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nag-aabang sa inyo ng mga kasawian, at ipakakaba ninyo sa ibang mga tao. Hindi kayo nakaaalam sa kanila at hindi kayo nakaaalam sa ikinukubli nila para sa inyo na pagkamuhi. Bagkus si Allāh lamang ay ang nakaaalam sa kanila at nakaaalam sa ikinukubli nila sa mga sarili nila. Ang ginugugol ninyo na yaman, kaunti man o marami, ay magpapalit nito si Allāh sa inyo sa Mundo at magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala Niya nang kumpleto nang walang ibinawas sa Kabilang-buhay, kaya magdali-dali kayo sa paggugol sa landas Niya.
Арабча тафсирлар:
۞ وَإِن جَنَحُواْ لِلسَّلۡمِ فَٱجۡنَحۡ لَهَا وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Kung kumiling sila sa pagkakasundo at pag-iwan sa pakikipaglaban sa iyo ay kumiling ka, O Sugo, roon, makipagkasunduan ka sa kanila, umasa ka kay Allāh, at magtiwala ka sa Kanya sapagkat hindi Siya magtatatwa sa iyo. Tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga layunin nila at mga ginagawa nila.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• من فوائد العقوبات والحدود المرتبة على المعاصي أنها سبب لازدجار من لم يعمل المعاصي، كما أنها زجر لمن عملها ألا يعاودها.
Kabilang sa mga silbi ng mga pangkalahatang parusa at mga takdang parusang inireresulta ng mga pagsuway ay na ang mga ito ay isang dahilan sa pagkapigil sa sinumang hindi gumawa ng mga pagsuway, kung paanong ito ay pumigil sa sinumang gumawa nito, na huwag siyang umulit nito.

• من أخلاق المؤمنين الوفاء بالعهد مع المعاهدين، إلا إن وُجِدت منهم الخيانة المحققة.
Kabilang sa mga kaasalan ng mga mananampalataya ang pagtupad sa kasunduan sa mga pinagsagawaan ng kasunduan, maliban kung natagpuan sa kanila ang kataksilang napatunayan.

• يجب على المسلمين الاستعداد بكل ما يحقق الإرهاب للعدو من أصناف الأسلحة والرأي والسياسة.
Kinakailangan sa mga Muslim ang paghahanda ng bawat anumang nagsasakatuparan ng pagpapahilakbot sa kaaway gaya ng mga uri ng mga sandata, ideya, at pulitika.

• جواز السلم مع العدو إذا كان فيه مصلحة للمسلمين.
Ang pagpayag sa kapayapaan sa kaaway kapag naroon ang kapakanan ng mga Muslim.

وَإِن يُرِيدُوٓاْ أَن يَخۡدَعُوكَ فَإِنَّ حَسۡبَكَ ٱللَّهُۚ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَيَّدَكَ بِنَصۡرِهِۦ وَبِٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung nagbalak sila, sa pagkiling nila sa pakikipagpayapaan at pag-iwan sa pakikipaglaban, na dayain ka, O Sugo, sa pamamagitan niyon upang makapaghanda sila para sa pakikipaglaban sa iyo, tunay na si Allāh ay nakasasapat sa iyo sa pakana nila at panlilinlang nila. Siya ay ang nagpalakas sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at nagpalakas sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya ng mga mananampalataya sa iyo kabilang sa mga lumikas at mga tagaadya.
Арабча тафсирлар:
وَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡۚ لَوۡ أَنفَقۡتَ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مَّآ أَلَّفۡتَ بَيۡنَ قُلُوبِهِمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ أَلَّفَ بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّهُۥ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ng mga mananampalataya na nag-adya Siya sa iyo sa pamamagitan nila matapos na ang mga ito dati ay nagkakahati-hati. Kung sakaling gumugol ka ng anumang yamang nasa lupa upang magbuklod sa pagitan ng mga puso nilang nagkakahati-hati ay hindi ka makapagbubuklod sa pagitan ng mga ito, subalit si Allāh lamang ay nagbuklod sa pagitan ng mga ito. Tunay na Siya ay Makapangyarihan sa kaharian Niya: walang nakadadaig sa Kanya na isa man, Marunong sa pagtatakda Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَسۡبُكَ ٱللَّهُ وَمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
O Propeta, tunay na si Allāh ay nakasasapat sa iyo sa kasamaan ng mga kaaway mo at nakasasapat sa mga mananampalataya kasama sa iyo, kaya magtiwala ka kay Allāh at umasa ka sa Kanya.
Арабча тафсирлар:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ حَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ عَلَى ٱلۡقِتَالِۚ إِن يَكُن مِّنكُمۡ عِشۡرُونَ صَٰبِرُونَ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ
O Propeta, himukin mo ang mga mananampalataya sa pakikipaglaban at hikayatin mo sila roon sa pamamagitan ng nakapagpapalakas sa mga pagtitika nila at nakapagpapasigla sa mga sigasig nila. Kung kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ay may dalawampung magtitiis sa pakikipaglabanan sa mga tagatangging sumampalataya, dadaig sila ng dalawang daan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; kung kabilang sa inyo ay may isang daang magtitiis, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Iyon ay dahil sa ang mga tagatangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaiintindi sa kalakaran ni Allāh sa pag-aadya sa mga katangkilik Niya at paggapi sa mga kaaway Niya at hindi nakatatalos sa nilalayon ng pakikipaglaban sapagkat sila ay nakikipaglaban alang-alang sa kataasan sa Mundo.
Арабча тафсирлар:
ٱلۡـَٰٔنَ خَفَّفَ ٱللَّهُ عَنكُمۡ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمۡ ضَعۡفٗاۚ فَإِن يَكُن مِّنكُم مِّاْئَةٞ صَابِرَةٞ يَغۡلِبُواْ مِاْئَتَيۡنِۚ وَإِن يَكُن مِّنكُمۡ أَلۡفٞ يَغۡلِبُوٓاْ أَلۡفَيۡنِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ
Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, dahil sa nalaman Niya na kahinaan ninyo. Kaya nagpagaan Siya sa inyo bilang kabaitan sa inyo mula sa Kanya kaya nag-obliga Siya sa isa kabilang sa inyo na magpakatatag sa harap ng dalawa kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa halip ng sampu kabilang sa kanila. Kaya kung kabilang sa inyo ay isang daang magtitiis sa pakikipaglaban, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay isang libong magtitiis, dadaig sila ng dalawang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis kabilang sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-alalay at pag-aadya.
Арабча тафсирлар:
مَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَكُونَ لَهُۥٓ أَسۡرَىٰ حَتَّىٰ يُثۡخِنَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ تُرِيدُونَ عَرَضَ ٱلدُّنۡيَا وَٱللَّهُ يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Hindi nararapat para sa isang propeta na magkaroon siya ng mga bihag kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nakikipaglaban sa kanya hanggang sa magparami siya ng pagpatay sa kanila upang pumasok ang pangingilabot sa mga puso nila upang hindi sila manumbalik sa pakikipaglaban sa kanya. Nagnanais kayo, O mga mananampalataya, sa pagkakuha ng mga bihag sa Badr ng pagkuha ng pantubos samantalang si Allāh ay nagnanais ng Kabilang-buhay na natatamo sa pamamagitan ng pag-aadya sa Relihiyon at pagpapalakas dito. Si Allāh ay Makapangyarihan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at paggapi Niya: walang nakadadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa pagtatakda Niya at batas Niya.
Арабча тафсирлар:
لَّوۡلَا كِتَٰبٞ مِّنَ ٱللَّهِ سَبَقَ لَمَسَّكُمۡ فِيمَآ أَخَذۡتُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Kung hindi dahil sa isang atas mula kay Allāh na nauna rito ang pagtatadhana Niya at ang pagtatakda Niya na Siya ay nagpahintulot sa inyo ng mga samsam sa digmaan at pumayag para sa inyo ng pagtutubos sa mga bihag ay talaga sanang may tumama sa inyo na isang pagdurusang matindi mula kay Allāh dahilan sa kinuha ninyo na samsam sa digmaan at pantubos mula sa mga bihag bago ng pagbaba ng isang pagkasi mula kay Allāh ng pagpayag doon.
Арабча тафсирлар:
فَكُلُواْ مِمَّا غَنِمۡتُمۡ حَلَٰلٗا طَيِّبٗاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kaya kumain kayo, O mga mananampalataya, mula sa nakuha ninyo mula sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang samsam [sa digmaan] sapagkat ito ay ipinahihintulot para sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, Maawain sa kanila.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• في الآيات وَعْدٌ من الله لعباده المؤمنين بالكفاية والنصرة على الأعداء.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may pangako mula kay Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya ng kasapatan at pag-aadya laban sa mga kaaway.

• الثبات أمام العدو فرض على المسلمين لا اختيار لهم فيه، ما لم يحدث ما يُرَخِّص لهم بخلافه.
Ang katatagan sa harap ng kaaway ay isang tungkulin sa mga Muslim. Walang mapagpipilian para sa kanila kaugnay rito hanggat hindi nangyayari ang nagpapahintulot para sa kanila ng kasalungatan niyon.

• الله يحب لعباده معالي الأمور، ويكره منهم سَفْسَافَها، ولذلك حثهم على طلب ثواب الآخرة الباقي والدائم.
Si Allāh ay umiibig para sa mga lingkod Niya ng mga mataas na mga bagay-bagay at nasusuklam mula sa kanila sa mga walang-kapararakan sa mga ito. Dahil doon, humimok Siya sa kanila ng paghiling ng gantimpala ng Kabilang-buhay, ang matitira at ang mamamalagi.

• مفاداة الأسرى أو المنّ عليهم بإطلاق سراحهم لا يكون إلا بعد توافر الغلبة والسلطان على الأعداء، وإظهار هيبة الدولة في وجه الآخرين.
Ang pagtubos sa mga bihag [ng digmaan] o ang pagmamabuting-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan nila ay hindi nangyayari malibang matapos ng pagkakaroon ng pananaig, pangingibabaw sa mga kaaway, at pagpapalitaw sa mukha ng mga iba ng pagkasindak sa estado.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّمَن فِيٓ أَيۡدِيكُم مِّنَ ٱلۡأَسۡرَىٰٓ إِن يَعۡلَمِ ٱللَّهُ فِي قُلُوبِكُمۡ خَيۡرٗا يُؤۡتِكُمۡ خَيۡرٗا مِّمَّآ أُخِذَ مِنكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O Propeta, sabihin mo sa sinumang bumagsak sa mga kamay ninyo na mga bihag na mga tagapagtambal na nabihag ninyo sa Araw ng Badr: "Kung nakaaalam si Allāh sa mga puso ninyo ng paglalayon ng mabuti at ng kaayusan ng layunin ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo na pantubos kaya huwag kayong malungkot sa kinuha sa inyo mula roon, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila." Nagkatotoo nga ang pangako ni Allāh para kay Al-`Abbās, ang tiyuhin ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa iba pa sa kanya kabilang sa mga yumakap sa Islām.
Арабча тафсирлар:
وَإِن يُرِيدُواْ خِيَانَتَكَ فَقَدۡ خَانُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ فَأَمۡكَنَ مِنۡهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Kung naglalayon sila, O Muḥammad, ng kataksilan sa iyo dahil sa inilalantad nila sa iyo mula sa sinasabi [nila] ay nagtaksil na sila kay Allāh bago pa nito. Nag-adya sa iyo si Allāh laban sa kanila kaya napatay mula sa kanila ang sinumang napatay at nabihag ang sinumang nabihag, kaya maghintay sila ng tulad niyon kung uulit sila. Si Allāh ay Maalam hinggil sa nilikha Niya at hinggil sa naaangkop sa kanila, Marunong sa pangangasiwa Niya.
Арабча тафсирлар:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَمۡ يُهَاجِرُواْ مَا لَكُم مِّن وَلَٰيَتِهِم مِّن شَيۡءٍ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْۚ وَإِنِ ٱسۡتَنصَرُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ فَعَلَيۡكُمُ ٱلنَّصۡرُ إِلَّا عَلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at naniwala sa Sugo Niya, gumawa ayon sa batas niya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām o tungo sa isang lugar na sinasamba si Allāh roon nang matiwasay, at nakibaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ari-arian nila at pagkakaloob ng mga sarili nila para sa pagtataas sa Salita ni Allāh; at ang mga nagpatahan sa kanila sa mga tahanan ng mga ito at nag-adya sa kanila – ang mga lumikas na iyon at ang mga nag-adya sa kanila kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah – ay mga katangkilik ng isa’t isa sa pag-aadya at pagtulong. Ang mga sumampalataya kay Allāh at hindi lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām ay walang tungkulin sa inyo, O mga mananampalataya, na mag-adya kayo sa kanila at magsanggalang kayo sa kanila hanggang sa lumikas sila ayon sa landas ni Allāh. Kung lumabag sa kanila sa katarungan ang mga tagatangging sumampalataya saka humiling sila mula sa inyo ng pag-aadya ay mag-adya kayo sa kanila laban sa kaaway nila malibang kapag nangyaring sa pagitan ninyo at ng kaaway nila ay may kasunduang hindi sinira ng mga iyon. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Арабча тафсирлар:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٍۚ إِلَّا تَفۡعَلُوهُ تَكُن فِتۡنَةٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَفَسَادٞ كَبِيرٞ
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay pinagbubuklod ng kawalang-pananampalataya kaya nag-aadya ang iba sa kanila sa iba. Kaya naman huwag silang tangkilikin ng isang mananampalataya. Kung hindi kayo tatangkilik sa mga mananampalataya at kakalaban sa mga tagatangging sumampalataya, may mangyayaring isang sigalot para sa mga mananampalataya yayamang hindi sila nakatagpo ng mag-aadya sa kanila mula sa mga kapatid nila sa Relihiyon at may mangyayaring isang mabigat na katiwalian sa lupa dahil sa pagbalakid sa landas ni Allāh.
Арабча тафсирлар:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at lumikas ayon sa landas Niya, at ang mga kumanlong sa mga lumikas ayon sa landas ni Allāh at nag-adya sa kanila, ang mga iyon ay ang mga nailalarawan sa katangian ng pananampalataya nang totohanan. Ang ganti sa kanila mula kay Allāh ay isang kapatawaran sa mga pagkakasala nila at isang panustos na masagana mula sa Kanya: ang Paraiso.
Арабча тафсирлар:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ مَعَكُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ مِنكُمۡۚ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ
Ang mga sumampalataya nang matapos ng pananampalataya ng mga nauuna sa Islām kabilang sa mga lumikas at mga tagapag-adya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa, ang mga iyon ay kabilang sa inyo, O mga mananampalataya. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo na mga karapatan at para sa kanila ang para sa inyo na mga tungkulin. Ang mga may kaugnayang pangkamag-anak, ayon sa patakaran ni Allāh, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba pa sa pamana kaysa sa pagmamanahan ayon sa pananampalataya at paglikas, na dati ay naunang umiiral. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa naaangkop para sa mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila.
Арабча тафсирлар:
Ушбу саҳифадаги оят фойдаларидан:
• يجب على المؤمنين ترغيب الأسرى في الإيمان.
Kinakailangan sa mga mananampalataya ang pagpapaibig sa mga bihag sa pananampalataya.

• تضمنت الآيات بشارة للمؤمنين باستمرار النصر على المشركين ما داموا آخذين بأسباب النصر المادية والمعنوية.
Naglaman ang mga talata ng Qur'ān ng nakagagalak na balita para sa mga mananampalataya ng pagpapatuloy ng pag-aadya laban sa mga tagapagtambal hanggat sila ay mga nagsasagawa ng mga materyal at moral na kaparaanan ng pagwawagi.

• إن المسلمين إذا لم يكونوا يدًا واحدة على أهل الكفر لم تظهر شوكتهم، وحدث بذلك فساد كبير.
Tunay na ang mga Muslim, kapag sila ay hindi iisang kamay laban sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya, ay hindi mangingibabaw ang kapangyarihan nila at may mangyayaring malaking gulo dahil doon.

• فضيلة الوفاء بالعهود والمواثيق في شرعة الإسلام، وإن عارض ذلك مصلحة بعض المسلمين.
Ang kainaman ng pagtupad sa mga kasunduan at mga tipan sa Batas ng Islām kahit pa man sumalungat iyon sa kapakanan ng ilan sa mga Muslim.

 
Маънолар таржимаси Сура: Анфол сураси
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Қуръон Карим мухтасар тафсирининг филиппинча (тагалогча) таржимаси - Таржималар мундарижаси

Қуръон Каримнинг мухтасар тафсирининг филиппин (тагалог)ча таржимаси, ношир: Қуръон тадқиқотлари тафсир маркази

Ёпиш