Check out the new design

Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази * - Таржималар мундарижаси

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Маънолар таржимаси Сура: Ҳуд   Оят:
يَقۡدُمُ قَوۡمَهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَأَوۡرَدَهُمُ ٱلنَّارَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡوِرۡدُ ٱلۡمَوۡرُودُ
Mangunguna siya sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon saka maghahatid siya sa kanila sa Apoy. Kay saklap ang hatirang paghahatiran!
Арабча тафсирлар:
وَأُتۡبِعُواْ فِي هَٰذِهِۦ لَعۡنَةٗ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ بِئۡسَ ٱلرِّفۡدُ ٱلۡمَرۡفُودُ
Pinasundan sila rito [sa Mundo] ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kay saklap ang handog na inihandog [sa kanila]!
Арабча тафсирлар:
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡقُرَىٰ نَقُصُّهُۥ عَلَيۡكَۖ مِنۡهَا قَآئِمٞ وَحَصِيدٞ
Iyon ay bahagi ng mga balita ng mga pamayanan na isinasalaysay Namin sa iyo. Mayroon sa mga itong nakatayo pa at ginapas[14] na.
[14] Ibig sabihin: pinawi na kaya walang natirang bakas dito.
Арабча тафсирлар:
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡۖ فَمَآ أَغۡنَتۡ عَنۡهُمۡ ءَالِهَتُهُمُ ٱلَّتِي يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ لَّمَّا جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَمَا زَادُوهُمۡ غَيۡرَ تَتۡبِيبٖ
Hindi lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila[15] saka walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak.
[15] dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan
Арабча тафсирлар:
وَكَذَٰلِكَ أَخۡذُ رَبِّكَ إِذَآ أَخَذَ ٱلۡقُرَىٰ وَهِيَ ظَٰلِمَةٌۚ إِنَّ أَخۡذَهُۥٓ أَلِيمٞ شَدِيدٌ
Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.
Арабча тафсирлар:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّمَنۡ خَافَ عَذَابَ ٱلۡأٓخِرَةِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّجۡمُوعٞ لَّهُ ٱلنَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوۡمٞ مَّشۡهُودٞ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. Iyon ay araw na titipunin para roon ang mga tao at iyon ay araw na sasaksihan [ng lahat].
Арабча тафсирлар:
وَمَا نُؤَخِّرُهُۥٓ إِلَّا لِأَجَلٖ مَّعۡدُودٖ
Hindi Kami nagpapahuli niyon maliban sa isang taning na mabibilang.
Арабча тафсирлар:
يَوۡمَ يَأۡتِ لَا تَكَلَّمُ نَفۡسٌ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ فَمِنۡهُمۡ شَقِيّٞ وَسَعِيدٞ
Sa araw na darating iyon, walang nagsasalita na isang kaluluwa malibang ayon sa pahintulot Niya, saka mayroon sa kanilang malumbay at maligaya.
Арабча тафсирлар:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ شَقُواْ فَفِي ٱلنَّارِ لَهُمۡ فِيهَا زَفِيرٞ وَشَهِيقٌ
Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila roon ay singhal at singhot,
Арабча тафсирлар:
خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya.
Арабча тафсирлар:
۞ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ سُعِدُواْ فَفِي ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ إِلَّا مَا شَآءَ رَبُّكَۖ عَطَآءً غَيۡرَ مَجۡذُوذٖ
Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo, bilang bigay na hindi mapapatid.
Арабча тафсирлар:
 
Маънолар таржимаси Сура: Ҳуд
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази - Таржималар мундарижаси

Таржимаси Рувод таржима маркази жамоаси томонидан Рубва даъват жамияти ва Исломий мазмунни тилларда хизмат қилиш жамияти билан ҳамкорликда амалга оширилди.

Ёпиш