Check out the new design

Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази * - Таржималар мундарижаси

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Маънолар таржимаси Сура: Каҳф   Оят:
وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا
Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: “Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.
Арабча тафсирлар:
وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا
Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.”
Арабча тафсирлар:
قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا
Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: “Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?
Арабча тафсирлар:
لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man.
Арабча тафсирлар:
وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا
Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: “Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh. Kung nakikita mo man ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak,
Арабча тафсирлар:
فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا
marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas,
Арабча тафсирлар:
أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا
o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito.”
Арабча тафсирлар:
وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا
Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!”
Арабча тафсирлар:
وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا
Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi siya naging isang naiaadya.
Арабча тафсирлар:
هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا
Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan [sa Kabilang-buhay].
Арабча тафсирлар:
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا
Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagakaya.
Арабча тафсирлар:
 
Маънолар таржимаси Сура: Каҳф
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази - Таржималар мундарижаси

Таржимаси Рувод таржима маркази жамоаси томонидан Рубва даъват жамияти ва Исломий мазмунни тилларда хизмат қилиш жамияти билан ҳамкорликда амалга оширилди.

Ёпиш