Check out the new design

Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази * - Таржималар мундарижаси

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Маънолар таржимаси Сура: Оли Имрон   Оят:
وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَتُبَيِّنُنَّهُۥ لِلنَّاسِ وَلَا تَكۡتُمُونَهُۥ فَنَبَذُوهُ وَرَآءَ ظُهُورِهِمۡ وَٱشۡتَرَوۡاْ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلٗاۖ فَبِئۡسَ مَا يَشۡتَرُونَ
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: “Talagang lilinawin nga ninyo ito[18] sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito.” Ngunit itinapon nila ito sa hulihan ng mga likuran nila at bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas kaya kay saklap ang binibili nila!
[18] Ibig sabihin: ang pagdating ni Propeta Muhammad.
Арабча тафсирлар:
لَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡرَحُونَ بِمَآ أَتَواْ وَّيُحِبُّونَ أَن يُحۡمَدُواْ بِمَا لَمۡ يَفۡعَلُواْ فَلَا تَحۡسَبَنَّهُم بِمَفَازَةٖ مِّنَ ٱلۡعَذَابِۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Huwag ka ngang mag-akalang ang mga natutuwa sa isinagawa nila at umiibig na purihin sila sa hindi naman nila ginawa – huwag ka ngang mag-akalang sila ay nasa isang maliligtasan mula sa pagdurusa. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Арабча тафсирлар:
وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Арабча тафсирлар:
إِنَّ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon ay talagang may mga tanda ukol sa mga may isip,
Арабча тафсирлар:
ٱلَّذِينَ يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِهِمۡ وَيَتَفَكَّرُونَ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبَّنَا مَا خَلَقۡتَ هَٰذَا بَٰطِلٗا سُبۡحَٰنَكَ فَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
na mga umaalaala kay Allāh nang nakatayo o nakaupo o nakahiga sa mga tagiliran nila at nag-iisip-isip sa pagkalikha sa mga langit at lupa, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, hindi Ka lumikha nito nang walang-saysay. Kaluwalhatian sa Iyo, kaya magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.
Арабча тафсирлар:
رَبَّنَآ إِنَّكَ مَن تُدۡخِلِ ٱلنَّارَ فَقَدۡ أَخۡزَيۡتَهُۥۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ
Panginoon namin, tunay na Ikaw, sa sinumang ipapasok Mo sa Apoy, ay nagpahiya nga sa kanya. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.
Арабча тафсирлар:
رَّبَّنَآ إِنَّنَا سَمِعۡنَا مُنَادِيٗا يُنَادِي لِلۡإِيمَٰنِ أَنۡ ءَامِنُواْ بِرَبِّكُمۡ فَـَٔامَنَّاۚ رَبَّنَا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَكَفِّرۡ عَنَّا سَيِّـَٔاتِنَا وَتَوَفَّنَا مَعَ ٱلۡأَبۡرَارِ
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagan[19] na nananawagan para sa pananampalataya, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo,” kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin, magtakip-sala Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga mabuting-loob.
[19] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad.
Арабча тафсирлар:
رَبَّنَا وَءَاتِنَا مَا وَعَدتَّنَا عَلَىٰ رُسُلِكَ وَلَا تُخۡزِنَا يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ إِنَّكَ لَا تُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ
Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng ipinangako Mo sa mga sugo Mo, at huwag Kang magpahiya sa amin sa Araw ng Pagbangon; tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa ipinangako.”
Арабча тафсирлар:
 
Маънолар таржимаси Сура: Оли Имрон
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази - Таржималар мундарижаси

Таржимаси Рувод таржима маркази жамоаси томонидан Рубва даъват жамияти ва Исломий мазмунни тилларда хизмат қилиш жамияти билан ҳамкорликда амалга оширилди.

Ёпиш