Check out the new design

Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази * - Таржималар мундарижаси

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Маънолар таржимаси Сура: Аъроф   Оят:
فَإِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡحَسَنَةُ قَالُواْ لَنَا هَٰذِهِۦۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَطَّيَّرُواْ بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓۗ أَلَآ إِنَّمَا طَٰٓئِرُهُمۡ عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Ngunit noong dumating sa kanila ang maganda ay nagsabi sila: “Ukol sa atin ito.” Kung may tatama sa kanila na isang masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya. Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay Allāh subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Арабча тафсирлар:
وَقَالُواْ مَهۡمَا تَأۡتِنَا بِهِۦ مِنۡ ءَايَةٖ لِّتَسۡحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ
Nagsabi sila: “Anupaman ang ilahad mo sa amin na himala upang gumaway ka sa amin sa pamamagitan nito, hindi kami sa iyo mga mananampalataya.”
Арабча тафсирлар:
فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلطُّوفَانَ وَٱلۡجَرَادَ وَٱلۡقُمَّلَ وَٱلضَّفَادِعَ وَٱلدَّمَ ءَايَٰتٖ مُّفَصَّلَٰتٖ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Kaya nagsugo Kami sa kanila ng baha, mga balang, mga kuto, mga palaka, at [tubig na naging] dugo bilang mga himalang nagdedetalye ngunit nagmalaki sila. Sila noon ay mga taong salarin.
Арабча тафсирлар:
وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيۡهِمُ ٱلرِّجۡزُ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَۖ لَئِن كَشَفۡتَ عَنَّا ٱلرِّجۡزَ لَنُؤۡمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرۡسِلَنَّ مَعَكَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Noong bumagsak sa kanila ang pasakit ay nagsabi sila: “O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa ganang iyo. Talagang kung nagpawi ka sa amin ng pasakit ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang magpapadala nga kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel.”
Арабча тафсирлар:
فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلرِّجۡزَ إِلَىٰٓ أَجَلٍ هُم بَٰلِغُوهُ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ
Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pasakit hanggang sa taning na sila ay aabot doon, biglang sila ay sumisira [sa pangako].
Арабча тафсирлар:
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ بِأَنَّهُمۡ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ عَنۡهَا غَٰفِلِينَ
Kaya naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila sa dagat dahil sila ay nagpasinungaling sa kanila sa mga tanda Namin at sila noon sa mga ito ay mga nalilingat.
Арабча тафсирлар:
وَأَوۡرَثۡنَا ٱلۡقَوۡمَ ٱلَّذِينَ كَانُواْ يُسۡتَضۡعَفُونَ مَشَٰرِقَ ٱلۡأَرۡضِ وَمَغَٰرِبَهَا ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَاۖ وَتَمَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ ٱلۡحُسۡنَىٰ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ بِمَا صَبَرُواْۖ وَدَمَّرۡنَا مَا كَانَ يَصۡنَعُ فِرۡعَوۡنُ وَقَوۡمُهُۥ وَمَا كَانُواْ يَعۡرِشُونَ
Nagpamana Kami sa mga tao, na mga dating minamahina, ng mga silangan ng lupain at mga kanluran nito, na biniyayaan Namin. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo sa mga anak ni Israel dahil nagtiis sila. Winasak Namin ang dating niyayari ni Paraon at ng mga tao niya at ang dati nilang ipinatatayo.
Арабча тафсирлар:
 
Маънолар таржимаси Сура: Аъроф
Суралар мундарижаси Бет рақами
 
Қуръони Карим маъноларининг таржимаси - Филиппинча (тагалогча) таржима - Роад таржима маркази - Таржималар мундарижаси

Таржимаси Рувод таржима маркази жамоаси томонидан Рубва даъват жамияти ва Исломий мазмунни тилларда хизмат қилиш жамияти билан ҳамкорликда амалга оширилди.

Ёпиш