Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Câu: (150) Chương: Chương Al-Baqarah
وَمِنۡ حَيۡثُ خَرَجۡتَ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُۥ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَيۡكُمۡ حُجَّةٌ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡ فَلَا تَخۡشَوۡهُمۡ وَٱخۡشَوۡنِي وَلِأُتِمَّ نِعۡمَتِي عَلَيۡكُمۡ وَلَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Mula sa alinmang pook lumabas ka, O Propeta, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal; at sa alinmang pook naroon kayo, O mga mananampalataya, magharap kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon kapag nagnais kayong magdasal upang hindi magkaroon para sa mga tao ng isang katwirang ipangangatwiran nila laban sa inyo maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sapagkat tunay na sila ay mananatili sa pagmamatigas nila at mangangatwiran sa inyo sa pamamagitan ng pinakamahina sa mga katwiran. Kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Panginoon ninyo lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay nagsabatas nga ng pagharap sa Ka`bah alang-alang sa paglubos Niya ng biyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagbubukod sa inyo sa lahat ng mga kalipunan at alang-alang sa kapatnubayan ninyo tungo sa pinakamarangal na qiblah para sa mga tao.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• إطالة الحديث في شأن تحويل القبلة؛ لما فيه من الدلالة على نبوة محمد صلى الله عليه وسلم.
Ang pagpapahaba ng pag-uusap kaugnay sa pumapatungkol sa paglipat ng qiblah dahil sa nasasaad dito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• ترك الجدال والاشتغالُ بالطاعات والمسارعة إلى الله أنفع للمؤمن عند ربه يوم القيامة.
Ang pagtigil sa pakikipagtalo, ang pagpapakaabala sa mga pagtalima, at ang pagdadali-dali tungo kay Allāh ay higit na kapaki-pakinabang para sa mananampalataya sa ganang Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon.

• أن الأعمال الصالحة الموصلة إلى الله متنوعة ومتعددة، وينبغي للمؤمن أن يسابق إلى فعلها؛ طلبًا للأجر من الله تعالى.
Na ang mga maayos na gawaing ipinararating kay Allāh ay sinarisari at marami at nararapat sa mananampalataya na makipag-unahan sa paggawa ng mga ito para humiling ng pabuya mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• عظم شأن ذكر الله -جلّ وعلا- حيث يكون ثوابه ذكر العبد في الملأ الأعلى.
Ang laki ng kahalagahan ng pag-aalaala kay Allāh – kapita-pitagan Siya at kataas-taasan – yayamang ang paggagantimpala Niya ay ang pagbanggit sa tao sa Kapulungang Kataas-taasan.

 
Ý nghĩa nội dung Câu: (150) Chương: Chương Al-Baqarah
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an - Mục lục các bản dịch

Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an do Trung Tâm Tafsir Nghiên Cứu Qur'an phát triển

Đóng lại