Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Câu: (231) Chương: Chương Al-Baqarah
وَإِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ سَرِّحُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖۚ وَلَا تُمۡسِكُوهُنَّ ضِرَارٗا لِّتَعۡتَدُواْۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ وَلَا تَتَّخِذُوٓاْ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗاۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَمَآ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡحِكۡمَةِ يَعِظُكُم بِهِۦۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at nalapit sila sa pagwawakas ng `iddah nila, nasasainyo na makipagbalikan kayo sa kanila o umiwan kayo sila ayon sa nakabubuti nang walang pagbalik hanggang sa matapos ang `iddah nila. Huwag kayong makipagbalikan sa kanila alang-alang sa paglabag sa kanila at pamiminsala sa kanila gaya ng ginagawa noon sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumagawa niyon nang may layon ng pamiminsala sa kanila ay lumabag nga sa katarungan sa sarili niya sa pamamagitan ng pagsalang nito sa kasalanan at kaparusahan. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang tampulan ng pangungutya sa pamamagitan ng paglalaru-laro sa mga ito at paglalakas-loob laban sa mga ito. Umalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito ang pinababa Niya sa inyo na Qur'ān at Sunnah, na nagpapaalaala Siya sa inyo sa pamamagitan nito bilang pagpapaibig para sa inyo at pagpapasindak. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil sa mga gawa ninyo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• نهي الرجال عن ظلم النساء سواء كان بِعَضْلِ مَوْلِيَّتِه عن الزواج، أو إجبارها على ما لا تريد.
Ang pagsaway sa mga lalaki sa paglabag sa katarungan sa mga babae maging iyon man ay sa pamamagitan ng paghadlang sa babaing tinatangkilik niya sa pag-aasawa o pagpilit dito ng hindi nito ninanais.

• حَفِظَ الشرع للأم حق الرضاع، وإن كانت مطلقة من زوجها، وعليه أن ينفق عليها ما دامت ترضع ولده.
Nagalaga ang Batas ng Islām para sa ina ng karapatan sa pagpapasuso kahit pa man siya ay diniborsiyo ng asawa niya at kailangan sa lalaki na gumugol para sa kanya hanggat nagpapasuso siya ng anak nito.

• نهى الله تعالى الزوجين عن اتخاذ الأولاد وسيلة يقصد بها أحدهما الإضرار بالآخر.
Sinaway ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mag-asawa ang paggamit sa mga bata bilang kaparaanang maglalayon sa pamamagitan nito ang isa sa kanila ng pamiminsala sa iba.

• الحث على أن تكون كل الشؤون المتعلقة بالحياة الزوجية مبنية على التشاور والتراضي بين الزوجين.
Ang paghimok na ang lahat ng mga kapakanang nauugnay sa buhay mag-asawa ay nakabatay sa pagsasanggunian at pagkakaluguran sa pagitan ng mag-asawa.

 
Ý nghĩa nội dung Câu: (231) Chương: Chương Al-Baqarah
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an - Mục lục các bản dịch

Bản dịch tiếng Philippin (Tajaluj), phân tích ngắn gọn về Qur'an do Trung Tâm Tafsir Nghiên Cứu Qur'an phát triển

Đóng lại