Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Zumar   Câu:
قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ni Allāh na sumamba sa Kanya lamang habang nagpapakawagas para sa Kanya sa pagsamba
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَأُمِرۡتُ لِأَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
at inutusan Niya upang ako ay maging una sa nagpasakop sa Kanya at nagpaakay sa Kanya mula sa Kalipunang ito."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako kay Allāh at hindi ako tumalima sa Kanya, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
قُلِ ٱللَّهَ أَعۡبُدُ مُخۡلِصٗا لَّهُۥ دِينِي
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sumasamba kay Allāh lamang habang nagpapakawagas para sa Kanya sa pagsamba; hindi ako sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَٱعۡبُدُواْ مَا شِئۡتُم مِّن دُونِهِۦۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ
Kaya sumamba kayo mismo, O mga tagapagtambal, sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya kabilang sa mga diyus-diyusan." (Ang pag-uutos ay para sa pagbabanta.) Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga lugi nang totohanan ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nagpalugi sa mga mag-anak nila sapagkat hindi sila makikipagkita sa mga ito dahil sa pagkakahiwalay nila sa mga ito dahil sa pamumukod-tangi nila sa pagpasok sa Hardin o sa pagpasok nila kasama sa mga ito sa Apoy, kaya naman hindi sila magkikita magpakailanman. Pansinin, iyon sa totoo ay ang pagkaluging maliwanag na walang pagkalito hinggil doon.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
لَهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ ظُلَلٞ مِّنَ ٱلنَّارِ وَمِن تَحۡتِهِمۡ ظُلَلٞۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ ٱللَّهُ بِهِۦ عِبَادَهُۥۚ يَٰعِبَادِ فَٱتَّقُونِ
Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng usok, liyab, at init, at mula sa ilalim nila ng usok, liyab, at init. Ang nabanggit na iyon na pagdurusa ay ipinapangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱلَّذِينَ ٱجۡتَنَبُواْ ٱلطَّٰغُوتَ أَن يَعۡبُدُوهَا وَأَنَابُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰۚ فَبَشِّرۡ عِبَادِ
Ang mga umiwas sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh, at bumalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak hinggil sa paraiso sa sandali ng kamatayan, sa libingan, at sa Araw ng Pagbangon. Kaya magbalita ka, O Sugo, ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِينَ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقَوۡلَ فَيَتَّبِعُونَ أَحۡسَنَهُۥٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَىٰهُمُ ٱللَّهُۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
na mga nakikinig sa sinabi at nagpapahiwalay sa pagitan ng maganda mula rito at pangit, saka sumusunod sila sa pinakamaganda sa sinabi dahil sa taglay nito na kapakinabangan. Ang mga nailarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang iyon ay ang mga itinuon ni Allāh sa kapatnubayan. Ang mga iyon ay ang mga may isip na matino.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَفَمَنۡ حَقَّ عَلَيۡهِ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ أَفَأَنتَ تُنقِذُ مَن فِي ٱلنَّارِ
Ang sinumang kinailangan sa kanya ang hatol ng pagdurusa dahil sa pagpapatuloy niya sa kawalang-pananampalataya niya at pagkaligaw niya ay walang kaparaanan para sa iyo, O Sugo, sa kapatnubayan niya at pagtutuon sa kanya. Kaya ba ikaw, O Sugo, ay makakakaya sa pagsasagip mula sa Apoy ng sinumang ito ay katangian niya?
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ غُرَفٞ مِّن فَوۡقِهَا غُرَفٞ مَّبۡنِيَّةٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ لَا يُخۡلِفُ ٱللَّهُ ٱلۡمِيعَادَ
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga tahanang mataas, na ang iba sa mga ito ay nasa ibabaw ng mga iba pa. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Nangako sa kanila si Allāh niyon bilang pangako. Si Allāh ay hindi sumisira sa naipangako.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَسَلَكَهُۥ يَنَٰبِيعَ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَجۡعَلُهُۥ حُطَٰمًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Tunay na kayo ay nakaaalam sa pamamagitan ng pagkasaksi na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, saka nagpapasok nito sa mga bukal at mga daluyan; pagkatapos ay nagpapalabas Siya sa pamamagitan ng tubig na ito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay; pagkatapos ay natutuyo ang pananim, saka nakikita mo ito, o nakasasaksi, na naninilaw ang kulay matapos na ito dati ay luntian; pagkatapos ay gumagawa Siya rito, matapos ng pagkatuyo, na nagkapira-piraso na nagkadurug-durog. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may isang pagpapaalaala para sa mga may pusong buhay.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• إخلاص العبادة لله شرط في قبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh ay isang kundisyon sa pagkakatanggap nito.

• المعاصي من أسباب عذاب الله وغضبه.
Ang mga pagsuway ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusang dulot ni Allāh at galit Niya.

• هداية التوفيق إلى الإيمان بيد الله، وليست بيد الرسول صلى الله عليه وسلم.
Ang kapatnubayan sa pagkakatuon sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Zumar
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an - Mục lục các bản dịch

Được phát hành bởi Trung tâm Tafsir Nghiên cứu Kinh Qur'an.

Đóng lại