Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - 简易古兰经经注菲律宾语(他加禄语)翻译 * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Shura   Câu:
فَاطِرُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَمِنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ أَزۡوَٰجٗا يَذۡرَؤُكُمۡ فِيهِۚ لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Si Allāh ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad. Gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at gumawa Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kabiyak upang magdamihan ang mga ito alang-alang sa inyo. Lumilikha Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga kabiyak ninyo sa pamamagitan ng pag-aasawahan. Nagpapamuhay Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga hayupan ninyo mula sa mga karne ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Walang nakikitulad sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawain nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga gawain nila. Kung kabutihan, kabutihan [ang ganti]; kung kasamaan, kasamaan [ang ganti].
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
لَهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga langit at lupa. Nagpapaluwang Siya sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nanggigipit Siya sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para rito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa anumang naroon ang mga kapakanan ng mga lingkod Niya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
۞ شَرَعَ لَكُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِۦ نُوحٗا وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَمَا وَصَّيۡنَا بِهِۦٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰٓۖ أَنۡ أَقِيمُواْ ٱلدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُواْ فِيهِۚ كَبُرَ عَلَى ٱلۡمُشۡرِكِينَ مَا تَدۡعُوهُمۡ إِلَيۡهِۚ ٱللَّهُ يَجۡتَبِيٓ إِلَيۡهِ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَن يُنِيبُ
Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng tulad sa ipinag-utos kay Noe na ipaabot at gawin at ng ikinasi sa iyo, O Sugo. Nagsabatas Siya para sa inyo ng tulad sa ipinag-utos kina Abraham, Moises, at Jesus na ipaabot at gawin. Ang buod nito ay na: "Panatilihin ninyo ang Relihiyon at iwan ninyo ang pagkawatak-watak rito." Bumigat sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya. Si Allāh ay humihirang ng sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para magtuon dito sa pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya, at nagpatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabalik sa Kanya kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala nito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَا تَفَرَّقُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى لَّقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُورِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Hindi nagkawatak-watak ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal malibang noong matapos na inilatag sa kanila ang katwiran sa pagpapadala sa kanila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Hindi nangyari ang pagkakawatak-watak nila malibang dahilan sa paglabag at kawalang-katarungan. Kung hindi dahil sa isang nauna sa kaalaman ni Allāh na Siya ay magpapahuli sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon, talaga sanang humatol Siya sa pagitan nila saka nagmadali sana Siya para sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. Tunay na ang mga pinagmana ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano noong matapos ng mga ninuno nila at noong matapos ng mga tagapagtambal na ito ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ito na inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagapagpasinungaling dito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَلِذَٰلِكَ فَٱدۡعُۖ وَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَۖ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡۖ وَقُلۡ ءَامَنتُ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِن كِتَٰبٖۖ وَأُمِرۡتُ لِأَعۡدِلَ بَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمۡۖ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡۖ لَا حُجَّةَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
Mag-anyaya ka tungo sa relihiyong tuwid na ito. Magpakatatag ka rito alinsunod sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang bulaan. Magsabi ka sa sandali ng pakikipagtalo sa kanila: "Sumampalataya ako kay Allāh at sa mga kasulatang pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya. Nag-utos sa akin si Allāh na humatol ako sa pagitan ninyo ayon sa katarungan. Si Allāh na sinasamba ko ay Panginoon namin at Panginoon ninyo sa kalahatan. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na kabutihan man o kasamaan. Ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na kabutihan man o kasamaan. Walang pagtatalo sa pagitan namin at pagitan ninyo matapos na luminaw ang katwiran at lumiwanag ang pangangatwiran. Si Allāh ay magtitipon sa atin sa kalahatan. Tungo sa Kanya ang babalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa bawat isa sa atin ayon sa nagiging karapat-dapat dito, kaya lilinaw sa sandaling iyon ang tapat sa sinungaling at ang nagtototoo sa nagbubulaan."
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• دين الأنبياء في أصوله دين واحد.
Ang relihiyon ng mga propeta kaugnay sa mga batayan nito ay nag-iisang relihiyon.

• أهمية وحدة الكلمة، وخطر الاختلاف فيها.
Ang kahalagahan ng kaisahan ng paninindigan at ang panganib ng pagkakaiba-iba rito.

• من مقومات نجاح الدعوة إلى الله: صحة المبدأ، والاستقامة عليه، والبعد عن اتباع الأهواء، والعدل، والتركيز على المشترك، وترك الجدال العقيم، والتذكير بالمصير المشترك.
Kabilang sa mga sangkap ng tagumpay ng pag-aanyaya tungo kay Allāh ay ang katumpakan ng simulain, ang pagpapakatuwid dito, ang paglayo sa pagsunod sa mga pithaya, ang katarungan, ang pagpokus sa komun, ang pag-iwan sa pagtatalong walang ibinubunga, at ang pagpapaalaala sa kahahantungang komun.

 
Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Shura
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - 简易古兰经经注菲律宾语(他加禄语)翻译 - Mục lục các bản dịch

由古兰经研究诠释中心发行

Đóng lại