Check out the new design

Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an * - Mục lục các bản dịch


Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Zukhruf   Câu:

Az-Zukhruf

Trong những ý nghĩa của chương Kinh:
التحذير من الافتتان بزخرف الحياة الدنيا؛ لئلا يكون وسيلة للشرك.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagkatukso sa palamuti ng buhay pangmundo upang hindi ito maging isang kaparaanan sa shirk.

حمٓ
Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumumpa si Allāh sa Qur'ān na nagliliwanag sa daan ng kapatnubayan tungo sa katotohanan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān sa wika ng mga Arabe sa pag-asang kayo ay makapag-uunawa, O kapisanan ng mga taong bumaba ito sa wika ninyo, ng mga kahulugan nito at makaintindi ng mga ito upang maglipat kayo nito sa mga ibang kalipunan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ
Tunay na ang Qur'ān na ito, sa Tablerong Pinag-iingatan, ay talagang may kataasan at kaangatan, at may karunungan, na tinahas ang mga talata nito kaugnay sa mga pag-uutos nito at mga pagsaway nito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّسۡرِفِينَ
Kaya ba mag-iiwan Kami ng pagpapababa ng Qur'ān sa inyo bilang pag-ayaw dahil sa pagpaparami ninyo ng pagtatambal at mga pagsuway? Hindi Kami gagawa niyon, bagkus ang pagkaawa sa inyo ay humihiling ng kabaliktaran nito.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيّٖ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ
Kay rami ng ipinadala Namin na propeta sa mga kalipunang nauna.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang dumarating sa mga kalipunang naunang iyon na isang propeta mula sa ganang kay Allāh malibang sila noon sa kanya ay nanunuya.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشٗا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya nagpahamak Kami sa kanila na higit na matindi sa bagsik kaysa sa mga kalipunang iyon sapagkat hindi Kami nawawalang-kakayahan sa pagpapahamak sa kanila na higit na mahina kaysa sa mga iyon. Nagdaan sa Qur'ān ang paglalarawan sa kapahamakan ng mga kalipunang nauna, tulad sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at kung sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila, bilang sagot sa tanong, mo na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa bawat bagay.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Si Allāh ay ang pumatag para sa inyo ng lupa kaya gumawa Siya nito para sa inyo bilang naapakan na inaapakan ng mga paa ninyo at gumawa Siya para sa inyo rito ng mga daan sa mga bundok nito at mga lambak nito, sa pag-asang magabayan kayo sa pamamagitan ng mga iyon sa paghayo ninyo.
Các Tafsir tiếng Ả-rập:
Trong những bài học trích được của các câu Kinh trên trang này:
• سمي الوحي روحًا لأهمية الوحي في هداية الناس، فهو بمنزلة الروح للجسد.
Pinangalanan ang kasi bilang espiritu dahil sa kahalagahan ng kasi sa kapatnubayan ng mga tao sapagkat ito ay nasa antas ng espiritu para sa katawan.

• الهداية المسندة إلى الرسول صلى الله عليه وسلم هي هداية الإرشاد لا هداية التوفيق.
Ang kapatnubayang nakasalig sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay kapatnubayan ng paggabay hindi kapatnubayan ng pagtutuon.

• ما عند المشركين من توحيد الربوبية لا ينفعهم يوم القيامة.
Ang taglay ng mga tagapagtambal na paniniwala sa kaisahan ng pagkapanginoon ay hindi magpapakinabang sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

 
Ý nghĩa nội dung Chương: Al-Zukhruf
Mục lục các chương Kinh Số trang
 
Bản dịch ý nghĩa nội dung Qur'an - Bản dịch tiếng Philippines (Tagalog) về diễn giải ngắn gọn Kinh Qur'an - Mục lục các bản dịch

Được phát hành bởi Trung tâm Tafsir Nghiên cứu Kinh Qur'an.

Đóng lại