《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 * - 译解目录


含义的翻译 段: (228) 章: 拜格勒
وَٱلۡمُطَلَّقَٰتُ يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ ثَلَٰثَةَ قُرُوٓءٖۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَن يَكۡتُمۡنَ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِيٓ أَرۡحَامِهِنَّ إِن كُنَّ يُؤۡمِنَّ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنۡ أَرَادُوٓاْ إِصۡلَٰحٗاۚ وَلَهُنَّ مِثۡلُ ٱلَّذِي عَلَيۡهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيۡهِنَّ دَرَجَةٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ang mga babaing diniborsiyo ay maghihintay sa mga sarili nila ng tatlong regla, na hindi sila mag-aasawa sa panahon ng mga ito. Hindi ipinahihintulot sa kanila na magkubli sila ng nilikha ni Allāh sa mga sinapupunan nila dala ng pagbubuntis, kung sila ay mga tapat sa pagsampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nilang nagdiborsiyo sa kanila ay higit na karapat-dapat sa pakikipagbalikan sa kanila sa yugto ng paghihintay kung naglayon ang mga ito ng pakikipagbalikan, pagpapalagayang-loob, at pag-aalis ng nangyari dahilan sa diborsiyo. May ukol sa mga maybahay na mga karapatan at mga tungkulin tulad ng sa mga asawa nila sa kanila ayon sa nakagawian ng mga tao. May ukol sa mga lalaki na isang antas na higit na mataas sa kanila gaya ng pag-aaruga at pag-uutos ng diborsiyo. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa batas Niya at pangangasiwa Niya.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• بيَّن الله تعالى أحكام النكاح والطلاق بيانًا شاملًا حتى يعرف الناس حدود الحلال والحرام فلا يتجاوزونها.
Nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang mga patakaran ng kasal at diborsiyo sa isang masaklaw na paglilinaw upang makaalam ang mga tao sa mga hangganan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal para hindi sila lumampas sa mga ito.

• عظَّم الله شأن النكاح وحرم التلاعب فيه بالألفاظ فجعلها ملزمة، وألغى التلاعب بكثرة الطلاق والرجعة فجعل لها حدًّا بطلقتين رجعيتين ثم تحرم عليه إلا أن تنكح زوجا غيره ثم يطلقها، أو يموت عنها.
Dumakila si Allāh sa kahalagahan ng pag-aasawa at nagbawal Siya sa paglalaru-laro rito sa mga pananalita kaya ginawa Niya ang mga ito na mga nag-oobliga. Nagpawalang-saysay Siya sa paglalaru-laro ng dalas ng pagdidiborsiyo at pagbabalikan kaya gumawa Siya para rito ng hangganan na dalawang pagdidiborsiyong makapagbabalikan. Pagkatapos ipagbabawal ang babae sa lalaki malibang mag-asawa siya ng lalaking iba pa sa asawa niya, pagkatapos magdiborsiyo ito sa kanya o mamatayan siya nito.

• المعاشرة الزوجية تكون بالمعروف، فإن تعذر ذلك فلا بأس من الطلاق، ولا حرج على أحد الزوجين أن يطلبه.
Ang pagsasamang pangmag-asawa ay ayon sa nakabubuti. Kaya kung naging imposible iyon ay walang masama sa diborsiyo at walang pagkaasiwa sa isa sa mag-asawa na humiling nito.

 
含义的翻译 段: (228) 章: 拜格勒
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 - 译解目录

菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。

关闭