Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 * - 译解目录


含义的翻译 章: 尔开布特   段:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَصۡحَٰبَ ٱلسَّفِينَةِ وَجَعَلۡنَٰهَآ ءَايَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Ngunit sinagip Namin si Noe at ang mga kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa daong mula sa kapahamakan sa pamamagitan ng pagkalunod. Ginawa Namin ang daong bilang maisasaalang-alang para sa mga tao, na isasaalang-alang nila.
阿拉伯语经注:
وَإِبۡرَٰهِيمَ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُۖ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Abraham nang nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh lamang at mangilag kayo sa parusa Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang ipinag-uutos na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam.
阿拉伯语经注:
إِنَّمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا وَتَخۡلُقُونَ إِفۡكًاۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ لَكُمۡ رِزۡقٗا فَٱبۡتَغُواْ عِندَ ٱللَّهِ ٱلرِّزۡقَ وَٱعۡبُدُوهُ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥٓۖ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Sumasamba lamang kayo, O mga tagapagtambal, sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Lumilikha-likha kayo ng kasinungalingan nang nag-aangkin kayo ng pagiging karapat-dapat ng mga iyon sa pagsamba. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang panustos para tumustos sa inyo. Kaya humiling kayo sa ganang kay Allāh ng panustos sapagkat Siya ang Tagapagtustos, sumamba kayo sa Kanya lamang, at magpasalamat kayo sa Kanya sa ibiniyaya Niya sa inyo na panustos. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga diyus-diyusan ninyo."
阿拉伯语经注:
وَإِن تُكَذِّبُواْ فَقَدۡ كَذَّبَ أُمَمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡۖ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Kung magpapasinungaling kayo, O mga tagapagtambal, sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – may nagpasinungaling nga na mga kalipunan noong bago pa ninyo gaya ng mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag. Nagpaabot na siya sa inyo ng ipinag-utos sa Kanya ng Panginoon niya na ipaabot sa inyo.
阿拉伯语经注:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ كَيۡفَ يُبۡدِئُ ٱللَّهُ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥٓۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagpasinungaling kung papaanong lumilikha si Allāh sa pasimula, pagkatapos ay nagpapanumbalik Siya nito matapos ng pagkalipol nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali sapagkat Siya ay nakakakaya: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
阿拉伯语经注:
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ بَدَأَ ٱلۡخَلۡقَۚ ثُمَّ ٱللَّهُ يُنشِئُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأٓخِرَةَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay [na muli]: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano nagsimula si Allāh ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magbibigay-buhay sa mga tao, matapos ng kamatayan nila, sa ikalawang buhay para sa pagkabuhay [na muli] at pagtutuos. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbuhay [na muli] sa mga tao kung paanong hindi Siya nawalang-kakayahan sa paglikha sa kanila sa unang [pagkakataon]."
阿拉伯语经注:
يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَرۡحَمُ مَن يَشَآءُۖ وَإِلَيۡهِ تُقۡلَبُونَ
Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya mula sa nilikha Niya ayon sa katarungan Niya at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya mula sa nilikha Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tungo sa Kanya lamang kayo pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos kapag nagpabangon Siya sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay.
阿拉伯语经注:
وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Hindi kayo mga makaaalpas sa Panginoon ninyo ni mga makatatakas mula sa parusa Niya sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na isang katangkilik na tatangkilik sa kapakanan ninyo at walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na isang mapag-adyang mag-aalis sa inyo ng pagdurusang dulot Niya.
阿拉伯语经注:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَلِقَآئِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يَئِسُواْ مِن رَّحۡمَتِي وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, ang mga iyon ay nawalan na ng pag-asa sa awa Niya kaya naman hindi sila papasok sa paraiso magpakailanman dahil sa kawalang-pananampalataya nila, at ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• الأصنام لا تملك رزقًا، فلا تستحق العبادة.
Ang mga diyus-diyusan ay hindi nakapagdudulot ng isang panustos kaya hindi nagiging karapat-dapat sa pagsamba.

• طلب الرزق إنما يكون من الله الذي يملك الرزق.
Ang paghiling ng panustos ay mula kay Allāh lamang na nakapagdudulot ng panustos.

• بدء الخلق دليل على البعث.
Ang simula ng paglikha ay patunay sa pagkabuhay na muli.

• دخول الجنة محرم على من مات على كفره.
Ang pagpasok sa paraiso ay ipinagbabawal sa sinumang namatay sa kawalang-pananampalataya niya.

 
含义的翻译 章: 尔开布特
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 - 译解目录

古兰经注释研究中心发行。

关闭