《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 * - 译解目录


含义的翻译 段: (15) 章: 穆罕默德
مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ فِيهَآ أَنۡهَٰرٞ مِّن مَّآءٍ غَيۡرِ ءَاسِنٖ وَأَنۡهَٰرٞ مِّن لَّبَنٖ لَّمۡ يَتَغَيَّرۡ طَعۡمُهُۥ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ خَمۡرٖ لَّذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ عَسَلٖ مُّصَفّٗىۖ وَلَهُمۡ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَمَغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡۖ كَمَنۡ هُوَ خَٰلِدٞ فِي ٱلنَّارِ وَسُقُواْ مَآءً حَمِيمٗا فَقَطَّعَ أَمۡعَآءَهُمۡ
Ang katangian ng Paraiso – na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya – ay na magpapasok Siya sa kanila roon. Doon ay may mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog mula sa gatas na hindi nagbabago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog mula sa alak na masarap para sa mga tagainom. [Doon ay] may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. May ukol sa kanila roon na lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. May ukol sa kanila higit doon sa kabuuan niyon na isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nagkakapantay kaya ang sinumang ito ang ganti sa kanya at ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya magpuputul-putol ito ng mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• اقتصار همّ الكافر على التمتع في الدنيا بالمتع الزائلة.
Ang pagkalimitado ng alalahanin ng tagatangging sumampalataya sa pagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng mga tinatamasang naglalaho.

• المقابلة بين جزاء المؤمنين وجزاء الكافرين تبيّن الفرق الشاسع بينهما؛ ليختار العاقل أن يكون مؤمنًا، ويختار الأحمق أن يكون كافرًا.
Ang paghahambing sa pagitan ng ganti sa mananampalataya at ganti sa tagatangging sumampalataya ay naglilinaw sa pagkakaibang malawak sa pagitan ng dalawang ito. Talagang pipiliin ng nakapag-uunawa na siya ay maging mananampalataya at pipiliin ng hangal na siya ay maging tagatangging sumampalataya.

• بيان سوء أدب المنافقين مع رسول الله صلى الله عليه وسلم.
Ang paglilinaw sa kasamaan ng kaasalan ng mga mapagpaimbabaw sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• العلم قبل القول والعمل.
Ang kaalaman ay bago ng pagsasalita at paggawa.

 
含义的翻译 段: (15) 章: 穆罕默德
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 - 译解目录

菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。

关闭