Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 * - 译解目录


含义的翻译 章: 拉哈迈尼   段:

Ar-Rahmān

每章的意义:
تذكير الجن والإنس بنعم الله الباطنة والظاهرة، وآثار رحمته في الدنيا والآخرة.
Ang pagpapaalaala sa jinn at tao hinggil sa mga biyaya ni Allāh na nakakubli at nakalantad at ang mga epekto ng awa niya sa Mundo at Kabilang-buhay.

ٱلرَّحۡمَٰنُ
Ang Napakamaawain ay ang may awang malawak.
阿拉伯语经注:
عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ
Nagturo Siya sa mga tao ng Qur’ān sa pamamagitan ng pagpapadali sa pagsasaulo nito at pagpapagaan sa pag-intindi sa mga kahulugan nito.
阿拉伯语经注:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ
Lumikha Siya ng tao nang lubos at nagpaganda Siya sa pagbibigay-anyo rito.
阿拉伯语经注:
عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ
Nagturo Siya rito kung papaanong maglinaw tungkol sa nasa budhi niya sa pagbigkas at pagsulat.
阿拉伯语经注:
ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٖ
Ang araw at ang buwan ay tinakdaan Niya, na umiinog ayon sa pagtutuos na tumpak upang malaman ng mga tao ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos.
阿拉伯语经注:
وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ
Ang walang tangkay na halaman at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang mga nagpapaakay at mga sumusuko sa Kanya.
阿拉伯语经注:
وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ
Ang langit ay inangat Niya ito sa ibabaw ng lupa bilang bubong, pinagtibay Niya ang katarungan sa lupa, at ipinag-utos Niya ito sa mga lingkod Niya.
阿拉伯语经注:
أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ
Pinagtibay Niya ang katarungan upang hindi kayo mang-api, O mga tao, at [upang hindi kayo] magtaksil sa pagtitimbang at pagtatakal.
阿拉伯语经注:
وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ
Magpanatili kayo ng pagtitimbang sa pagitan ninyo ayon sa katarungan at huwag kayong magpakulang sa pagtitimbang o pagtatakal kapag tumakal kayo o tumimbang kayo para sa iba sa inyo.
阿拉伯语经注:
وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ
Ang lupa ay inilagay Niya na nakahanda para sa pamamalagi ng nilikha sa ibabaw nito.
阿拉伯语经注:
فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ
Dito ay ang mga punong-kahoy na namumunga ng mga bungang-kahoy at dito ay ang mga punong datiles na may mga sisidlan na mula sa mga ito ang bungang datiles.
阿拉伯语经注:
وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ
Dito ay ang mga butil na may mga uhay gaya ng trigo at sebada at dito ay ang mga halamang ipinapampabango ninyo ang halimuyak ng mga ito.
阿拉伯语经注:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
阿拉伯语经注:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ كَٱلۡفَخَّارِ
Lumikha Siya kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa putik na tuyo na nakaririnig dito ng kalansing na tulad ng putik na niluto.
阿拉伯语经注:
وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٖ مِّن نَّارٖ
Lumikha Siya ng ama ng mga jinn mula sa isang liyab na dalisay sa usok.
阿拉伯语经注:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
阿拉伯语经注:
رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ
[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan ng araw at ng dalawang kanluran nito sa taglamig at tag-init.
阿拉伯语经注:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• كتابة الأعمال صغيرها وكبيرها في صحائف الأعمال.
Ang pagtatala ng mga gawa, ang maliit ng mga ito at ang malaki ng mga ito, sa mga pahina ng mga gawa.

• ابتداء الرحمن بذكر نعمه بالقرآن دلالة على شرف القرآن وعظم منته على الخلق به.
Ang pagsisimula ng Napakamaawain sa pagbanggit sa mga biyaya Niya sa pamamagitan ng Qur'ān ay isang katunayan sa dangal ng Qur'ān at kadakilaan ng kagandahang-loob Niya sa nilikha dahil dito.

• مكانة العدل في الإسلام.
Ang kalagayan ng katarungan sa Islām.

• نعم الله تقتضي منا العرفان بها وشكرها، لا التكذيب بها وكفرها.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa atin ng pagkilala sa mga ito at pagpapasalamat sa mga ito, hindi ng pagpapasinungaling sa mga ito at pagkakaila sa mga ito.

 
含义的翻译 章: 拉哈迈尼
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 - 译解目录

古兰经注释研究中心发行。

关闭