Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 * - 译解目录


含义的翻译 章: 盖拉姆   段:
إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ
Tunay na Kami ay sumulit sa mga tagapagtambal na ito sa pamamagitan ng tagtuyot at taggutom kung paanong sumulit Kami sa mga may-ari ng pataniman nang sumumpa ang mga ito na talagang puputol nga ang mga ito ng mga bunga niyon sa oras ng umaga habang mga nagdadali-dali upang walang makakain mula roon na isang dukha,
阿拉伯语经注:
وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ
Hindi sila humihiling ng pahintulot [kay Allāh] sa panunumpa nila sa pamamagitan ng pagsabi ng: Kung niloob ni Allāh.
阿拉伯语经注:
فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٞ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ
Kaya nagsugo si Allāh doon ng isang apoy, saka lumamon ito roon at sa mga may-ari niyon habang mga tulog, na hindi nakakakaya sa pagtaboy ng apoy palayo roon.
阿拉伯语经注:
فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ
Kaya kinaumagahan iyon ay naging maitim gaya ng gabing dumilim.
阿拉伯语经注:
فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ
Kaya nanawagan sila sa isa't isa sa oras ng umaga,
阿拉伯语经注:
أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ
na mga nagsasabi: "Lumisan kayo nang maaga sa pananim ninyo bago ng pagdating ng mga maralita kung kayo ay mga pipitas ng mga bunga niyon."
阿拉伯语经注:
فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ
Kaya nagtungo sila sa taniman nila habang mga nagmamatulin habang nag-uusap ang isa't isa sa kanila sa mababang tinig,
阿拉伯语经注:
أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٞ
na nagsasabi ang isa't isa sa kanila: "Wala ngang papasok sa pataniman sa inyo ngayong araw na isang dukha."
阿拉伯语经注:
وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٖ قَٰدِرِينَ
Nagtungo sila sa unang bahagi ng umaga habang sila, sa pagkakait ng mga bunga nila, ay mga disidido.
阿拉伯语经注:
فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ
Ngunit noong nasaksihan nila iyon na nasusunog ay nagsabi ang isa't isa sa kanila: "Talaga ngang naligaw tayo sa daan niyon;
阿拉伯语经注:
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
bagkus tayo ay mga pinigilan sa pag-ani ng mga bunga niyon dahil sa nangyari sa atin na pagpapasya sa pagpigil niyon sa mga dukha!"
阿拉伯语经注:
قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ
Nagsabi ang pinakamainam sa kanila: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo nang nagpasya kayo ng ipinasya ninyo na pagkakait niyon sa mga maralita: bakit kaya hindi kayo nagluluwalhati kay Allāh at nagbabalik-loob sa Kanya?"
阿拉伯语经注:
قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili natin nang nagpasya tayo ng pagpigil sa mga maralita sa mga bunga ng pataniman natin."
阿拉伯语经注:
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَلَٰوَمُونَ
Kaya lumapit sila habang nagsasanggunian sa pananalita nila para manisi.
阿拉伯语经注:
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ
Nagsabi sila dahil sa pagsisisi: "O kalugian sa atin; tayo dati ay mga lumalampas sa hangganan dahil sa pagpigil natin sa mga maralita sa karapatan nila.
阿拉伯语经注:
عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرٗا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ
Marahil ang Panginoon natin ay magtumbas sa atin ng higit na mabuti kaysa sa pataniman; tunay na tayo kay Allāh lamang ay mga naghahangad; umaasam tayo mula sa Kanya ng paumanhin at humihiling tayo sa Kanya ng kabutihan."
阿拉伯语经注:
كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang paghahalintulad sa pagdurusang ito dahil sa pagkakait ng panustos ay pagdurusahin Namin ang sinumang sumuway sa Amin. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na mabigat, kung sakaling sila ay nakaaalam sa tindi niyon at pamamalagi niyon.
阿拉伯语经注:
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan na magtatamasa sila sa mga iyon nang hindi napuputol ang kaginhawahan nila.
阿拉伯语经注:
أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ
Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga tagatangging sumampalataya sa pagganti gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah?
阿拉伯语经注:
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Ano ang mayroon sa inyo, o mga tagapagtambal? Papaano kayong humahatol ng mapaniil na baluktot na hatol na ito?
阿拉伯语经注:
أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٞ فِيهِ تَدۡرُسُونَ
O mayroon kayong isang kasulatan na doon ay bumabasa kayo ng pagkakapantay sa pagitan ng tagatalima at tagasuway,
阿拉伯语经注:
إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ
na tunay na ukol sa inyo sa aklat na iyon ay ang minamabuti ninyo para sa Kabilang-buhay?
阿拉伯语经注:
أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ
O mayroon kayong mga kasunduang binigyang-diin ng mga panunumpa sa Amin, na ang hiling ng mga ito ay na ukol sa inyo ang hinahatol ninyo para sa mga sarili ninyo?
阿拉伯语经注:
سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ
Magtanong ka, O sugo, sa mga tagapagsabi ng sabing ito kung alin sa kanila ay tagapanagot niyon.
阿拉伯语经注:
أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
O mayroon silang mga pantambal na iba pa kay Allāh, na nagpapantay sila sa mga ito [kay Allāh] sa pagganti sa mga mananampalataya? Magdala sila ng mga pantambal nilang ito kung sila ay mga tapat sa inaangkin nila na sila ay nagpantay sa mga ito sa mga mananampalataya sa pagganti,
阿拉伯语经注:
يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ
sa Araw ng Pagbangon na lilitaw ang hilakbot, magtatambad ang Panginoon natin ng lulod Niya, at tatawagin ang mga tao tungo sa pagpapatirapa kaya magpapatirapa ang mga mananampalataya at mananatili naman ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga mapagpaimbabaw na hindi nakakakaya na magpatirapa.
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• منع حق الفقير سبب في هلاك المال.
Ang pagpigil sa karapatan ng maralita ay isang kadahilanan sa pagkapahamak ng yaman.

• تعجيل العقوبة في الدنيا من إرادة الخير بالعبد ليتوب ويرجع.
Ang pagmamadali sa kaparusahan sa Mundo ay kabilang sa pagnanais ng kabutihan sa tao upang magbalik-loob siya at bumalik.

• لا يستوي المؤمن والكافر في الجزاء، كما لا تستوي صفاتهما.
Hindi nagkakapantay ang mananampalataya at ang tagatangging sumampalataya sa pagganti kung paanong hindi nagkakapantay ang mga katangian nila.

 
含义的翻译 章: 盖拉姆
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释。 - 译解目录

古兰经注释研究中心发行。

关闭