《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 * - 译解目录


含义的翻译 段: (29) 章: 艾尔拉夫
قُلۡ أَمَرَ رَبِّي بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَقِيمُواْ وُجُوهَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۚ كَمَا بَدَأَكُمۡ تَعُودُونَ
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Allāh ay nag-utos ng katarungan at hindi nag-utos ng kalaswaan at nakasasama, at nag-utos na magpakawagas kayo para sa Kanya sa pagsamba sa pangkalahatan, higit sa lahat sa mga masjid at na dumalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima. Kung paanong lumikha Siya sa inyo mula sa kawalan sa kauna-unahang pagkakataon, magpapanumbalik Siya sa inyo bilang mga buhay sa ikalawang pagkakataon sapagkat ang Nakakakaya sa pagpapasimula sa paglikha sa inyo ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa inyo at pagbuhay sa inyo."
阿拉伯语经注:
这业中每段经文的优越:
• من أَشْبَهَ آدم بالاعتراف وسؤال المغفرة والندم والإقلاع - إذا صدرت منه الذنوب - اجتباه ربه وهداه. ومن أَشْبَهَ إبليس - إذا صدر منه الذنب بالإصرار والعناد - فإنه لا يزداد من الله إلا بُعْدًا.
Ang sinumang nakawangis ni Adan sa pag-amin, paghingi ng kapatawaran, pagsisisi, at pagwawaksi [sa kasalanan] kapag namutawi mula sa kanya ang mga pagkakasala, pipiliin siya ng Panginoon niya at papatnubayan. Ang sinumang nakawangis ni Satanas kapag namutawi sa kanya ang pagkakasala sa pamamagitan ng pagpupumilit at pagmamatigas, tunay na siya ay hindi nadaragdagan mula kay Allāh maliban ng pagkalayo.

• اللباس نوعان: ظاهري يستر العورةَ، وباطني وهو التقوى الذي يستمر مع العبد، وهو جمال القلب والروح.
Ang kasuutan ay dalawang uri: panlabas na nagtatakip sa kahubaran at panloob – ang pangingilag sa pagkakasala na nagpapatuloy kasama ng tao – ang kagandahan ng puso at kaluluwa.

• كثير من أعوان الشيطان يدعون إلى نزع اللباس الظاهري؛ لتنكشف العورات، فيهون على الناس فعل المنكرات وارتكاب الفواحش.
Marami sa mga tagatulong ng demonyo ay nag-aanyaya sa pag-aalis ng kasuutang panlabas upang malantad ang mga kahubaran kaya mapadadali sa mga tao ang paggawa ng mga nakasasama at ang paggawa ng mga malaswa.

• أن الهداية بفضل الله ومَنِّه، وأن الضلالة بخذلانه للعبد إذا تولَّى -بجهله وظلمه- الشيطانَ، وتسبَّب لنفسه بالضلال.
Na ang kapatnubayan ay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ni Allāh at kagandahang-loob Niya, at na ang kaligawan ay sa pamamagitan ng pagtatwa Niya sa tao kapag tumangkilik ito, dahil sa kamangmangan nito at kawalang-katarungan nito, sa demonyo at nagdahilan para sa sarili niya ng pagkaligaw.

 
含义的翻译 段: (29) 章: 艾尔拉夫
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。 - 译解目录

菲律宾(他加禄语)版古兰经简明注释,古兰经注释中心发行。

关闭