Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 * - 译解目录

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

含义的翻译 章: 拜格勒   段:
ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ ٱلرِّبَوٰاْ لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ ٱلَّذِي يَتَخَبَّطُهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ مِنَ ٱلۡمَسِّۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡبَيۡعُ مِثۡلُ ٱلرِّبَوٰاْۗ وَأَحَلَّ ٱللَّهُ ٱلۡبَيۡعَ وَحَرَّمَ ٱلرِّبَوٰاْۚ فَمَن جَآءَهُۥ مَوۡعِظَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ فَٱنتَهَىٰ فَلَهُۥ مَا سَلَفَ وَأَمۡرُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِۖ وَمَنۡ عَادَ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Ang mga kumakain ng patubo ay hindi bumabangon malibang kung paanong bumangon ang pinatuliro ng demonyo dahil sa kabaliwan. Iyon ay dahil sila ay nagsabi na ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang. Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya at tumigil siya, sa kanya na ang nagdaan [na nakuha niya] at ang nauukol sa kanya ay kay Allāh. Ang sinumang nanumbalik, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
阿拉伯语经注:
يَمۡحَقُ ٱللَّهُ ٱلرِّبَوٰاْ وَيُرۡبِي ٱلصَّدَقَٰتِۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ
Pumupuksa si Allāh sa patubo at nagpapalago Siya sa [gantimpala sa] mga kawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya na makasalanan.
阿拉伯语经注:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagpanatili ng pagdarasal, at nagbigay ng zakāh ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
阿拉伯语经注:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَذَرُواْ مَا بَقِيَ مِنَ ٱلرِّبَوٰٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at itigil ninyo ang [pagsingil] anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya.
阿拉伯语经注:
فَإِن لَّمۡ تَفۡعَلُواْ فَأۡذَنُواْ بِحَرۡبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۖ وَإِن تُبۡتُمۡ فَلَكُمۡ رُءُوسُ أَمۡوَٰلِكُمۡ لَا تَظۡلِمُونَ وَلَا تُظۡلَمُونَ
Ngunit kung hindi ninyo ginawa [ang utos sa inyo], tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo[70] ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan[71] at hindi kayo lalabagin sa katarungan. [72]
[70] at tumigil sa pagkuha ng patubo
[71] sa pamamagitan ng pagdagdag ng patubo sa pautang ninyo
[72] sa pamamagitan ng pagbawas sa pagbayad sa pautang ninyo
阿拉伯语经注:
وَإِن كَانَ ذُو عُسۡرَةٖ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيۡسَرَةٖۚ وَأَن تَصَدَّقُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Kung naging may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan [niya]; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.
阿拉伯语经注:
وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا تُرۡجَعُونَ فِيهِ إِلَى ٱللَّهِۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Mangilag kayo sa Araw na pababalikin kayo roon tungo kay Allāh. Pagkatapos lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
阿拉伯语经注:
 
含义的翻译 章: 拜格勒
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 - 译解目录

由拉瓦德翻译中心团队与拉布瓦 الدعوة协会和伊斯兰内容服务协会合作翻译。

关闭