Check out the new design

《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 * - 译解目录

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

含义的翻译 章: 塔哈   段:
قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتۡكَ ءَايَٰتُنَا فَنَسِيتَهَاۖ وَكَذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمَ تُنسَىٰ
Magsasabi Siya: “Gayon pumunta sa iyo ang mga tanda Namin saka lumimot ka sa mga iyon. Gayon ngayong Araw lilimutin ka.”[7]
[7] Ibig sabihin: iiwan ka ngayong Araw sa pagdurusa.
阿拉伯语经注:
وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَنۡ أَسۡرَفَ وَلَمۡ يُؤۡمِنۢ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦۚ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبۡقَىٰٓ
Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.
阿拉伯语经注:
أَفَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ
Kaya hindi ba nagpatnubay para sa kanila na kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na mga [makasalanang] salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
阿拉伯语经注:
وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامٗا وَأَجَلٞ مُّسَمّٗى
Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at [kung hindi rin dahil sa] isang taning na tinukoy.
阿拉伯语经注:
فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ غُرُوبِهَاۖ وَمِنۡ ءَانَآيِٕ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡ وَأَطۡرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرۡضَىٰ
Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod.
阿拉伯语经注:
وَلَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ زَهۡرَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا لِنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَرِزۡقُ رَبِّكَ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰ
Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos [na gantimpala sa Kabilang-buhay] ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili.
阿拉伯语经注:
وَأۡمُرۡ أَهۡلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصۡطَبِرۡ عَلَيۡهَاۖ لَا نَسۡـَٔلُكَ رِزۡقٗاۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكَۗ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلتَّقۡوَىٰ
Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng isang panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [pinapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag magkasala.
阿拉伯语经注:
وَقَالُواْ لَوۡلَا يَأۡتِينَا بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّهِۦٓۚ أَوَلَمۡ تَأۡتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Nagsabi sila: “Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?”
阿拉伯语经注:
وَلَوۡ أَنَّآ أَهۡلَكۡنَٰهُم بِعَذَابٖ مِّن قَبۡلِهِۦ لَقَالُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ مِن قَبۡلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخۡزَىٰ
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: “Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa maaba kami at mapahiya kami?”
阿拉伯语经注:
قُلۡ كُلّٞ مُّتَرَبِّصٞ فَتَرَبَّصُواْۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ أَصۡحَٰبُ ٱلصِّرَٰطِ ٱلسَّوِيِّ وَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Sabihin mo: “Bawat [isa] ay nag-aantabay [sa [pangyayarihin ni Allāh]; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan.”
阿拉伯语经注:
 
含义的翻译 章: 塔哈
章节目录 页码
 
《古兰经》译解 - 菲律宾(他加禄语)翻译 - 拉瓦德翻译中心。 - 译解目录

由拉瓦德翻译中心团队与拉布瓦 الدعوة协会和伊斯兰内容服务协会合作翻译。

关闭