የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (19) ምዕራፍ: ሱረቱ ኣሊ-ኢምራን
إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ وَمَا ٱخۡتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Tunay na ang relihiyong tinatanggap sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Ito ay ang pagpapaakay kay Allāh lamang sa pamamagitan ng pagtalima at pagsuko sa Kanya sa pamamagitan ng pagkaalipin [sa Kanya] at pananampalataya sa mga sugo sa kalahatan hanggang sa pangwakas sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na winakasan ni Allāh sa pamamagitan niya ang mga pasugo, kaya hindi tinatanggap ang iba pa sa Batas niya. Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano sa relihiyon nila at nagkahati-hati sa mga pangkatin at mga lapian maliban nang matapos na nailatag sa kanila ang katwiran sa pamamagitan ng dumating sa kanila na kaalaman, dahil sa inggit at dahil sa sigasig sa kamunduhan. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• من أعظم ما يُكفِّر الذنوب ويقي عذاب النار الإيمان بالله تعالى واتباع ما جاء به الرسول صلى الله عليه وسلم.
Kabilang sa pinakasukdulan sa nagtatakip-sala sa mga pagkakasala at nangangalaga laban sa pagdurusa sa Impiyerno ang pananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagsunod sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• أعظم شهادة وحقيقة هي ألوهية الله تعالى ولهذا شهد الله بها لنفسه، وشهد بها ملائكته، وشهد بها أولو العلم ممن خلق.
Ang pinakasukdulan na pagsasaksi at katotohanan ay ang pagkadiyos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Dahil dito, sumasaksi si Allāh dito para sa sarili Niya, sumaksi rito ang mga anghel Niya, at sumaksi rito ang mga may kaalaman kabilang sa mga nilikha.

• البغي والحسد من أعظم أسباب النزاع والصرف عن الحق.
Ang paglabag at ang inggit ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga kadahilanan ng alitan at pagbaling palayo sa katotohanan.

 
የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (19) ምዕራፍ: ሱረቱ ኣሊ-ኢምራን
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ፡ ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት