Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አዝ ዙመር   አንቀጽ:
وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Lilitaw sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila na shirk at mga pagsuway, at lilibot sa kanila ang pagdurusa, na sila dati, kapag ipinangamba sa kanila ito sa Mundo, ay kumukutya rito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلۡنَٰهُ نِعۡمَةٗ مِّنَّا قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمِۭۚ بَلۡ هِيَ فِتۡنَةٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kapag may tumama sa taong tagatangging sumampalataya na isang karamdaman o isang karukhaan at gaya nito ay dumadalangin siya sa Amin para pawiin Namin sa kanya ang tumama sa kanya mula roon. Pagkatapos kapag nagbigay Kami sa kanya ng isang biyaya gaya ng kalusugan o yaman ay nagsasabi siya: "Nagbigay lamang sa akin si Allāh niyon dahil sa kaalaman Niya na ako ay nagiging karapat-dapat doon." Ang tumpak ay na iyon ay isang pagsusulit at pagpapain, subalit ang karamihan sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakaaalam niyon kaya nalilinlang sila dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
قَدۡ قَالَهَا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Nagsabi nga ng sabing ito ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa nauna sa kanila, ngunit walang naidulot sa kanila na anuman ang dati nilang nakakamit na mga yaman at katayuan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْۚ وَٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ هَٰٓؤُلَآءِ سَيُصِيبُهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ
Kaya tumama sa kanila ang ganti sa mga masagwa sa nakamit nila gaya ng shirk at mga pagsuway. Ang mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway kabilang sa mga nakasaksing ito ay tatamaan ng ganti sa mga masagwa sa nakamit nila gaya ng mga [taong] lumipas. Hindi sila makalulusot kay Allāh at hindi sila makadadaig sa Kanya.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
أَوَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Nagsabi ba ang mga tagapagtambal na ito ng sinabi nila at hindi sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh? Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapaluwang sa panustos at pagpapasikip dito ay talagang may mga katunayan sa pangangasiwa ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga katunayan. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, sila ay dumaraan sa mga ito samantalang sila sa mga ito ay mga umaayaw.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
۞ قُلۡ يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ أَسۡرَفُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ لَا تَقۡنَطُواْ مِن رَّحۡمَةِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Sabihin mo, O Sugo, [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na lumampas sa hangganan laban sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh at sa kapatawaran Niya sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kabuuan ng mga ito sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob, ang Maawain sa kanila."
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَأَنِيبُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَأَسۡلِمُواْ لَهُۥ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
Bumalik kayo sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at mga gawaing maayos at magpaakay kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos hindi kayo makatatagpo mula sa mga anito ninyo o mga mag-anak ninyo ng mag-aadya sa inyo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pagdurusa.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَٱتَّبِعُوٓاْ أَحۡسَنَ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ بَغۡتَةٗ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ
Sumunod kayo sa Qur'ān na pinakamaganda sa pinababa ng Panginoon ninyo sa Sugo Niya saka gumawa kayo ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakadarama nito para maghanda kayo para rito ng pagbabalik-loob.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
أَن تَقُولَ نَفۡسٞ يَٰحَسۡرَتَىٰ عَلَىٰ مَا فَرَّطتُ فِي جَنۢبِ ٱللَّهِ وَإِن كُنتُ لَمِنَ ٱلسَّٰخِرِينَ
Gawin ninyo iyon sa pangingilag na magsabi ang isang kaluluwa dahil sa tindi ng pagsisisi sa Araw ng Pagbangon: "O pagsisisi nito sa pagpapabaya nito sa nauukol kay Allāh dahil sa dating taglay nito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at dahil sa ito dati ay nanunuya sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima;"
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• النعمة على الكافر استدراج.
Ang biyaya sa tagatangging sumampalataya ay isang pagpapain.

• سعة رحمة الله بخلقه.
Ang lawak ng awa ni Allāh sa nilikha Niya.

• الندم النافع هو ما كان في الدنيا، وتبعته توبة نصوح.
Ang pagsisising napakikinabangan ay ang nasa Mundo, na nasusundan ng isang pagbabalik-loob na tapat.

 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አዝ ዙመር
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት