Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: ኑህ   አንቀጽ:

Nūh

ከመዕራፉ ዓላማዎች:
بيان منهج الدعوة للدعاة، من خلال قصة نوح.
Ang paglilinaw sa metodolohiya ng pag-aanyaya para sa mga tagapag-anyaya sa pamamagitan ng kasaysayan ni Noe.

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Tunay na Kami ay nagpadala kay Noe sa mga kababayan niya, na nag-aanyaya sa kanila para magpangamba sa mga kababayan niya bago pa man may pumunta sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa gawain nila na pagtatambal kay Allāh."
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Nagsabi si Noe sa mga kababayan niya: "O mga kababayan, tunay na ako para sa inyo ay isang tagapagbabalang malinaw ang pagbabala laban sa isang pagdurusang naghihintay sa inyo kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh:
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ
Ang hinihiling ng pagbabala ko para sa inyo na magsabi ako sa inyo: "Sumamba kayo kay Allāh lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa ipinag-uutos ko sa inyo;
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Tunay na kayo, kung gagawa kayo niyon, ay magpapatawad si Allāh sa inyo mula sa mga pagkakasala ninyo na hindi nauugnay sa mga karapatan ng mga tao, at magpapahaba Siya sa yugto ng kalipunan ninyo sa buhay hanggang sa isang panahon na natakdaan sa kaalaman ni Allāh. Lalaganap kayo sa lupa hanggat nagpakatatag kayo roon. Tunay na ang kamatayan, kapag dumating, ay hindi inaantala. Kung sakaling kayo ay nakaaalam ay talaga sanang nagdali-dali kayo sa pagsampalataya kay Allāh at pagbabalik-loob mula sa taglay ninyo na pagtatambal at pagkaligaw."
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا
Nagsabi si Noe: "O Panginoon, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa pagsamba sa Iyo at paniniwala sa kaisahan Mo sa gabi at maghapon nang tuluy-tuloy,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا
ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko sa kanila kundi pagkainis at paglayo sa ipinaaanyaya ko.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila tungo sa may kadahilanan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala nila gaya ng pagsamba sa Iyo lamang, pagtalima sa iyo, at pagtalima sa Sugo Mo ay nagbabara sila ng mga tainga nila sa pamamagitan ng mga daliri nila upang humadlang sila sa mga ito sa pagdinig sa paanyaya Ko at nagtatakip sila sa mga mukha nila ng mga kasuutan nila upang hindi sila makakita sa akin. Nagpapatuloy sila sa taglay nila na shirk. Nagpakamalaki sila sa pag-ayaw sa pagtanggap sa inaanyaya Ko sa kanila at sa pagpapasailalim dito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارٗا
Pagkatapos tunay na ako, O Panginoon, ay nag-anyaya sa kanila nang hayagan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا
Pagkatapos tunay na ako ay nag-angat sa kanila ng tinig ko sa pag-aanyaya, nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat na kubli, at nag-anyaya sa kanila sa tinig na mababa, habang nagsasarisari sa kanila ng istilo ng pag-anyaya ko.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا
Nagsabi ako sa kanila: 'O mga kababayan, humiling kayo ng kapatawaran mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya – tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay laging Palapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya –
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• خطر الغفلة عن الآخرة.
Ang panganib ng pagkalingat tungkol sa Kabilang-buhay.

• عبادة الله وتقواه سبب لغفران الذنوب.
Ang pagsamba kay Allāh at ang pangingilag magkasala sa Kanya ay isang kadahilanan para sa pagpapatawad sa mga pagkakasala.

• الاستمرار في الدعوة وتنويع أساليبها حق واجب على الدعاة.
Ang pagpapatuloy sa pag-aanyaya tungo sa Islām at ang pagsasarisari sa mga istilo nito ay isang tungkuling kinakailangan sa mga tagapag-anyaya tungo sa Islām.

 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: ኑህ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት