Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ሙደሲር   አንቀጽ:
فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila sa Araw ng Pagbangon ang pagpapagitna ng mga tagapamagitan kabilang sa mga anghel, mga propeta, at mga maayos dahil bahagi ng kundisyon ng pamamagitan ay ang pagkalugod ng pinamamagitanan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Aling bagay ang gumawa sa mga tagapagtambal na ito bilang mga tagaayaw sa Qur'ān?
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Para bang sila sa pag-ayaw nila at pagkailang nila roon ay mga asnong ligaw na matindi ang pagkailang,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
na nailang mula sa isang leyon dala ng pangamba dito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Bagkus nagnais ang bawat isa kabilang sa mga tagapagtambal na ito na umagahin na sa tabi ng ulo niya ay may isang kasulatan na nakaladlad na nagpapabatid sa kanya na si Muḥammad ay isang Sugo mula kay Allāh. Ang kadahilanan niyon ay hindi ang kakauntian ng mga patotoo o ang kahinaan ng mga katwiran; iyon lamang ay ang pagmamatigas at ang pagmamalaki.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Ang usapin ay hindi ganoon! Bagkus ang kadahilanan sa pagmamalabis nila sa pagkaligaw nila ay na sila ay hindi sumasampalataya sa pagkakaroon ng pagdurusa sa Kabilang-buhay kaya nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Pansinin! Tunay na ang Qur’ān na ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Kaya ang sinumang lumuob na bumigkas ng Qur'ān at mapangaralan dahil dito ay mag-aalaala siya nito at mapangangaralan siya rito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ
Hindi sila napangangaralan maliban na loobin ni Allāh na mapangaralan sila. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang karapat-dapat para pangilagan sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at ang karapat-dapat para sa pagpapatawad ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila sa Kanya.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• مشيئة العبد مُقَيَّدة بمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay nalilimitahan ng kalooban ni Allāh.

• حرص رسول الله صلى الله عليه وسلم على حفظ ما يوحى إليه من القرآن، وتكفّل الله له بجمعه في صدره وحفظه كاملًا فلا ينسى منه شيئًا.
Ang sigasig ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagsaulo sa ikinakasi sa kanya mula sa Qur'ān. Naggarantiya si Allāh para sa kanya ng pagtitipon nito sa dibdib niya at pagsasaulo nito nang buo kaya walang nalilimutan mula rito na anuman.

 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ሙደሲር
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት