Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አዕላ   አንቀጽ:
وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
at lumalayo sa pangaral at umiiwas dito ang tagatangging sumampalataya dahil siya ay pinakamatindi sa mga tao sa pagkalumbay sa Kabilang-buhay dahil sa pagpasok niya sa Apoy,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
na papasok sa Apoy na pinakamalaki ng Kabilang-buhay upang magdusa sa init niyon at magpakasakit doon magpakailanman.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Pagkatapos pamamalagiin siya sa Apoy kung saan hindi siya mamamatay roon para makapagpahinga sa pinagdurusahan niya na pagdurusa at hindi mabubuhay sa isang kaaya-ayang buhay na marangal.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Nagtamo nga ng hinihiling ang sinumang nagpakadalisay mula sa pagtatambal at mga pagsuway
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
at bumanggit sa Panginoon niya sa pamamagitan ng isinabatas Niya na mga uri ng pagbanggit at pag-alaala (dhikr) at nagsagawa ng dasal ayon sa katangiang hinihiling para sa pagsasagawa nito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Bagkus nag-uuna kayo ng buhay na pangmundo at nagmamagaling kayo nito higit sa Kabilang-buhay sa kabila ng isang sukdulang pagkakaibahan sa pagitan ng dalawang ito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang narito na mga tinatamasa at mga minamasarap, at higit na namamalagi dahil ang anumang naroon na kaginhawahan ay hindi napuputol magpakailanman.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Tunay na ang nabanggit Naming ito sa inyo na mga utos at mga ulat ay talagang nasa mga kalatas na pinababa bago pa ng Qur'an,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
Ang mga ito ay ang mga kalatas na pinababa kina Abraham at Moises – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• أهمية تطهير النفس من الخبائث الظاهرة والباطنة.
Ang kahalagahan ng pagdadalisay sa sarili mula sa mga karimarimarim na panlabas at panloob.

• الاستدلال بالمخلوقات على وجود الخالق وعظمته.
Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nilikha sa kairalan ng Tagalikha at kadakilaan Niya.

• مهمة الداعية الدعوة، لا حمل الناس على الهداية؛ لأن الهداية بيد الله.
Ang misyon ng tagapag-anyaya tungo sa Islām ay ang pag-aanyaya, hindi ang pagdala sa mga tao sa kapatnubayan dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh.

 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አዕላ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት