ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الضحى
آية:
 

سورة الضحى - Ad-Duhā

من مقاصد السورة:
بيان عناية الله بنبيه في أول أمره وآخره.
Ang pagbanggit sa pangangalaga ni Allāh sa Propeta Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagmamagandang-loob sa kanya sa pamamagitan ng biyaya ng pagkakasi at pamamalagi nito sa kanya bilang pagpapalubag-loob sa kanya at bilang pagpapaalaala sa mga mananampalataya ng pagpapasalamat.

وَٱلضُّحَىٰ
Sumumpa si Allāh sa unang bahagi ng maghapon.
التفاسير العربية:
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
Sumumpa Siya sa gabi kapag dumilim ito at tumigil ang mga tao roon sa pagkilos.
التفاسير العربية:
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
hindi nag-iwan sa iyo, O Sugo, ang Panginoon mo at hindi Siya namuhi sa iyo gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal noong natigil ang pagkakasi.
التفاسير العربية:
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
Talagang ang tahanang pangkabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Mundo dahil sa taglay niyon na kaginhawahang mamamalagi, na hindi mapuputol.
التفاسير العربية:
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo ng gantimpalang masagana para sa iyo at para sa kalipunan mo upang malugod ka sa ibinigay Niya sa iyo at ibinigay Niya sa kalipunan mo.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Talaga ngang nakatagpo Siya sa iyo na isang bata na namatayan ka na ng ama mo kaya gumawa Siya para sa iyo ng isang kanlungan kung saan dumamay sa iyo ang lolo mong si `Abdulmuṭṭalib, pagkatapos ang tiyuhin mong si Abū Ṭālib.
التفاسير العربية:
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na hindi nakababatid kung ano ang aklat ni ang pananampalataya kaya nagturo Siya sa iyo mula roon na hindi mo dati nalalaman.
التفاسير العربية:
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
Nakatagpo Siya sa iyo na isang maralita kaya nagpasapat Siya sa iyo.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Kaya huwag kang magpasagwa sa pakikitungo sa sinumang nawalan ng ama niya sa pagkabata at huwag kang mang-aba sa kanya.
التفاسير العربية:
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
Huwag kang mang-udlot sa nanghihinging nangangailangan.
التفاسير العربية:
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
Magpasalamat ka sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at magsaysay ka hinggil dito.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه لا تدانيها منزلة.
Ang kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya ay hindi napapantayan ng isang kalagayan.

• شكر النعم حقّ لله على عبده.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay tungkulin para kay Allāh ng lingkod Niya.

• وجوب الرحمة بالمستضعفين واللين لهم.
Ang pagkakailangan ng pagkaawa sa mga sinisiil at ang kabanayaran sa kanila.


 
ترجمة معاني سورة: الضحى
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق