للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: هود   آية:
قَالَتۡ يَٰوَيۡلَتَىٰٓ ءَأَلِدُ وَأَنَا۠ عَجُوزٞ وَهَٰذَا بَعۡلِي شَيۡخًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عَجِيبٞ
Nagsabi ito: “O pambihira! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko, isang matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay kataka-taka!”
التفاسير العربية:
قَالُوٓاْ أَتَعۡجَبِينَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۖ رَحۡمَتُ ٱللَّهِ وَبَرَكَٰتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِۚ إِنَّهُۥ حَمِيدٞ مَّجِيدٞ
Nagsabi sila:[12] “Nagtataka ka ba sa pasya ni Allāh? Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal.”
[12] Ibig sabihin: ang mga anghel.
التفاسير العربية:
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنۡ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلرَّوۡعُ وَجَآءَتۡهُ ٱلۡبُشۡرَىٰ يُجَٰدِلُنَا فِي قَوۡمِ لُوطٍ
Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang balitang nakagagalak, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot.
التفاسير العربية:
إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّٰهٞ مُّنِيبٞ
Tunay na si Abraham ay talagang matimpiin, palataghoy, nagsisising tagapanumbalik.
التفاسير العربية:
يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَآۖ إِنَّهُۥ قَدۡ جَآءَ أَمۡرُ رَبِّكَۖ وَإِنَّهُمۡ ءَاتِيهِمۡ عَذَابٌ غَيۡرُ مَرۡدُودٖ
[Sinabi:] “O Abraham, umayaw ka rito! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo. Tunay na sila ay pupuntahan ng isang pagdurusang hindi mapipigilan.”
التفاسير العربية:
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗا وَقَالَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَصِيبٞ
Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, [na nasa ayon ng mga binata,] sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: “Ito ay isang araw na nakaririndi.”
التفاسير العربية:
وَجَآءَهُۥ قَوۡمُهُۥ يُهۡرَعُونَ إِلَيۡهِ وَمِن قَبۡلُ كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِي هُنَّ أَطۡهَرُ لَكُمۡۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ فِي ضَيۡفِيٓۖ أَلَيۡسَ مِنكُمۡ رَجُلٞ رَّشِيدٞ
Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko [para mapangasawa ninyo]; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?”
التفاسير العربية:
قَالُواْ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا لَنَا فِي بَنَاتِكَ مِنۡ حَقّٖ وَإِنَّكَ لَتَعۡلَمُ مَا نُرِيدُ
Nagsabi sila: “Talaga ngang nalaman mo na wala kaming anumang pangangailangan sa mga babaing anak mo, at tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin.”
التفاسير العربية:
قَالَ لَوۡ أَنَّ لِي بِكُمۡ قُوَّةً أَوۡ ءَاوِيٓ إِلَىٰ رُكۡنٖ شَدِيدٖ
Nagsabi siya: “Kung sana mayroon akong lakas laban sa inyo o makapagpapakanlong ako sa isang masasandalang matindi.”
التفاسير العربية:
قَالُواْ يَٰلُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَن يَصِلُوٓاْ إِلَيۡكَۖ فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٌ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَۖ إِنَّهُۥ مُصِيبُهَا مَآ أَصَابَهُمۡۚ إِنَّ مَوۡعِدَهُمُ ٱلصُّبۡحُۚ أَلَيۡسَ ٱلصُّبۡحُ بِقَرِيبٖ
Nagsabi sila: “O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila [sa kapahamakan] ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?”
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: هود
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - فهرس التراجم

ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع جمعية الدعوة بالربوة وجمعية خدمة المحتوى الإسلامي باللغات وموقع IslamHouse.com.

إغلاق