للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: هود   آية:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِعَشۡرِ سُوَرٖ مِّثۡلِهِۦ مُفۡتَرَيَٰتٖ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya maglahad kayo ng sampung kabanata [ng Qur’ān] kabilang sa tulad nito na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh [para tumulong sa inyo] kung kayo ay mga tapat.”
التفاسير العربية:
فَإِلَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أُنزِلَ بِعِلۡمِ ٱللَّهِ وَأَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَهَلۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na pinababa lamang [ang Qur’ān na] ito nang may kaalaman ni Allāh at na walang Diyos kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga tagapagpasakop?[4]
[4] O Musalim sa wikang Arabe.
التفاسير العربية:
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتَهَا نُوَفِّ إِلَيۡهِمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فِيهَا وَهُمۡ فِيهَا لَا يُبۡخَسُونَ
Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan.
التفاسير العربية:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَيۡسَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ إِلَّا ٱلنَّارُۖ وَحَبِطَ مَا صَنَعُواْ فِيهَا وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila rito [sa Mundo] at walang-saysay ang dati nilang ginagawa.
التفاسير العربية:
أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ وَيَتۡلُوهُ شَاهِدٞ مِّنۡهُ وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةًۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ مِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ فَٱلنَّارُ مَوۡعِدُهُۥۚ فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُۚ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumusunod dito ang isang tagasaksi mula sa Kanya at, bago pa nito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at bilang awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito [sa Qur’ān] kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan dito [sa Qur’ān]. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
التفاسير العربية:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ يُعۡرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمۡ وَيَقُولُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَىٰ رَبِّهِمۡۚ أَلَا لَعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: “Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila.” Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
na mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad dito ng isang kabaluktutan habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: هود
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - فهرس التراجم

ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع جمعية الدعوة بالربوة وجمعية خدمة المحتوى الإسلامي باللغات.

إغلاق