ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الصافات
آية:
 

الصافات

وَٱلصَّـٰٓفَّـٰتِ صَفّٗا
Sumpa man sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay,
التفاسير العربية:
فَٱلزَّـٰجِرَٰتِ زَجۡرٗا
at saka sa mga tagapagtaboy sa pagtataboy,
التفاسير العربية:
فَٱلتَّـٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا
at saka sa mga bumibigkas ng paalaala,
التفاسير العربية:
إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٞ
tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa:
التفاسير العربية:
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ
ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang Panginoon ng mga silangan.
التفاسير العربية:
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ
Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak; ang mga tala,
التفاسير العربية:
وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ
at bilang isang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik.
التفاسير العربية:
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ
Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid
التفاسير العربية:
دُحُورٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ وَاصِبٌ
sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ
maliban sa sinumang humahablot ng hablot, at sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot.
التفاسير العربية:
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ
Kaya sumangguni ka sa kanila: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit.
التفاسير العربية:
بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ
Bagkus nagtaka ka habang nanunuya sila.
التفاسير العربية:
وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ
Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala.
التفاسير العربية:
وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةٗ يَسۡتَسۡخِرُونَ
Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila.
التفاسير العربية:
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Nagsasabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.
التفاسير العربية:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Nagsabi sila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin?"
التفاسير العربية:
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
at ang mga ninuno naming sinauna?"
التفاسير العربية:
قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ
Sabihin mo: "Oo; at kayo ay mga aabahin."
التفاسير العربية:
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ
Ito ay nag-iisang bulyaw lamang, at biglang sila ay magmamasid.
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Paggantimpala."
التفاسير العربية:
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo noon dito ay nagpapasinungaling.
التفاسير العربية:
۞ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ
[Sasabihin]: "Ipunin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba
التفاسير العربية:
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ
bukod pa kay Allāh, at saka patnubayan ninyo sila sa landasin ng Impiyerno,
التفاسير العربية:
وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ
at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga tatanungin."
التفاسير العربية:

مَا لَكُمۡ لَا تَنَاصَرُونَ
[Sasabihin]: "Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo nag-aadyaan?"
التفاسير العربية:
بَلۡ هُمُ ٱلۡيَوۡمَ مُسۡتَسۡلِمُونَ
Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga sumusuko.
التفاسير العربية:
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan.
التفاسير العربية:
قَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَأۡتُونَنَا عَنِ ٱلۡيَمِينِ
Magsasabi sila: "Tunay na kayo noon ay pumupunta sa amin buhat sa kanan."
التفاسير العربية:
قَالُواْ بَل لَّمۡ تَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ
Magsasabi sila: "Bagkus hindi kayo noon mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭۖ بَلۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا طَٰغِينَ
Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo noon ay mga taong nagpapakalabis-labis.
التفاسير العربية:
فَحَقَّ عَلَيۡنَا قَوۡلُ رَبِّنَآۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ
Kaya nagindapat sa atin ang hatol ng Panginoon natin; tunay na tayo ay talagang mga lalasap [ng pagdurusa].
التفاسير العربية:
فَأَغۡوَيۡنَٰكُمۡ إِنَّا كُنَّا غَٰوِينَ
Kaya nagpalisya kami sa inyo; tunay na kami noon ay mga nalilisya."
التفاسير العربية:
فَإِنَّهُمۡ يَوۡمَئِذٖ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Kaya tunay na sila sa Araw na iyon ay nasa pagdurusa, na mga nakikilahok.
التفاسير العربية:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ
Tunay na Kami ay gagawa ng gayon sa mga tagasalansang.
التفاسير العربية:
إِنَّهُمۡ كَانُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسۡتَكۡبِرُونَ
Tunay na sila noon, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki sila
التفاسير العربية:
وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٖ مَّجۡنُونِۭ
at nagsasabi: "Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw?"
التفاسير العربية:
بَلۡ جَآءَ بِٱلۡحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Bagkus nagdala siya ng katotohanan at nagpatotoo sa mga isinugo.
التفاسير العربية:
إِنَّكُمۡ لَذَآئِقُواْ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَلِيمِ
Tunay na kayo ay talagang mga lalasap ng pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
وَمَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Hindi kayo gagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa,
التفاسير العربية:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ رِزۡقٞ مَّعۡلُومٞ
Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang panustos na nalalaman:
التفاسير العربية:
فَوَٰكِهُ وَهُم مُّكۡرَمُونَ
mga bungang-kahoy habang sila ay mga pinararangalan
التفاسير العربية:
فِي جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ
sa mga hardin ng ginhawa
التفاسير العربية:
عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
sa mga trono na mga magkakaharap.
التفاسير العربية:
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِكَأۡسٖ مِّن مَّعِينِۭ
Magpapaligid sa kanila ng kopa mula sa isang [bukal na] umaagos:
التفاسير العربية:
بَيۡضَآءَ لَذَّةٖ لِّلشَّـٰرِبِينَ
na maputi, na kasarapan para sa mga iinom.
التفاسير العربية:
لَا فِيهَا غَوۡلٞ وَلَا هُمۡ عَنۡهَا يُنزَفُونَ
Wala ritong kalanguan at hindi sila buhat dito palalasingin.
التفاسير العربية:
وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ عِينٞ
Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, may mga magandang mata,
التفاسير العربية:
كَأَنَّهُنَّ بَيۡضٞ مَّكۡنُونٞ
na para bang sila ay mga itlog na kinikimkim.
التفاسير العربية:
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Kaya lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
التفاسير العربية:
قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٞ
Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako noon ay may isang kapisan
التفاسير العربية:

يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ
na nagsasabi: Tunay na ikaw ba ay talagang kabilang sa mga tagapatotoo?
التفاسير العربية:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ
Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga tutumbasan?"
التفاسير العربية:
قَالَ هَلۡ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ
Magsasabi ito: "Kayo ba ay mga titingin?"
التفاسير العربية:
فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
Kaya titingin ito at makikita nito iyon sa kalagitnaan ng Impiyerno.
التفاسير العربية:
قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ
Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, kamuntik ka talagang magpahamak sa akin.
التفاسير العربية:
وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon ko, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin [sa pagdurusa].
التفاسير العربية:
أَفَمَا نَحۡنُ بِمَيِّتِينَ
Kaya ba hindi tayo mga namatay,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
maliban pa sa pagkamatay nating una? Hindi tayo mga pagdurusahin."
التفاسير العربية:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Tunay na ito ay talagang ang pagkatamong sukdulan.
التفاسير العربية:
لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ
Para sa tulad nito ay gumawa ang mga tagagawa.
التفاسير العربية:
أَذَٰلِكَ خَيۡرٞ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ
Iyon ba ay higit na mabuti bilang tuluyan o ang puno ng zaqqūm?
التفاسير العربية:
إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةٗ لِّلظَّـٰلِمِينَ
Tunay na Kami ay gumawa roon bilang isang pagsubok para sa mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
إِنَّهَا شَجَرَةٞ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ
Tunay na ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa ugat ng Impiyerno.
التفاسير العربية:
طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ
Ang bunga nito ay para bang ang mga iyon ay mga ulo ng demonyo.
التفاسير العربية:
فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
Tunay na sila ay talagang mga kakain mula rito at mga pupuno mula rito ng mga tiyan.
التفاسير العربية:
ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبٗا مِّنۡ حَمِيمٖ
Pagkatapos tunay na ukol sa kanila higit doon ay talagang isang halo ng kumukulong tubig.
التفاسير العربية:
ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos tunay na ang panunumbalikan nila ay talagang sa Impiyerno.
التفاسير العربية:
إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ
Tunay na sila ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw.
التفاسير العربية:
فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ
Kaya sila sa mga bakas ng mga iyon ay nag-aapura.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna nila ng mga tagababala.
التفاسير العربية:
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Kaya magmasid ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan,
التفاسير العربية:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٞ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ
Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, at talagang kay inam ang Tagatugon.
التفاسير العربية:
وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.
التفاسير العربية:

وَجَعَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلۡبَاقِينَ
Gumawa Kami sa mga supling niya na sila ay ang mga natitira.
التفاسير العربية:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga nahuli [ng magandang pagbanggit].
التفاسير العربية:
سَلَٰمٌ عَلَىٰ نُوحٖ فِي ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kapayapaan ay kay Noe sa mga nilalang.
التفاسير العربية:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos ay lumunod Kami sa mga iba.
التفاسير العربية:
۞وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبۡرَٰهِيمَ
Tunay na kabilang sa kakampi niya ay talagang si Abraham
التفاسير العربية:
إِذۡ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلۡبٖ سَلِيمٍ
noong dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis,
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَاذَا تَعۡبُدُونَ
noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo?
التفاسير العربية:
أَئِفۡكًا ءَالِهَةٗ دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ
Pinabulaanang mga diyos bukod pa kay Allāh ay ninanais ninyo?
التفاسير العربية:
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya ano ang palagay ninyo sa Panginoon ng mga nilalang?"
التفاسير العربية:
فَنَظَرَ نَظۡرَةٗ فِي ٱلنُّجُومِ
Kaya tumingin siya nang isang tingin sa mga bituin,
التفاسير العربية:
فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٞ
at saka nagsabi: "Tunay na ako ay maysakit."
التفاسير العربية:
فَتَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ مُدۡبِرِينَ
Kaya tumalikod sila palayo sa kanya habang mga lumilisan.
التفاسير العربية:
فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمۡ فَقَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya tumalilis siya sa mga diyos nila at nagsabi: "Hindi ba kayo kumakain?
التفاسير العربية:
مَا لَكُمۡ لَا تَنطِقُونَ
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo bumibigkas?"
التفاسير العربية:
فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ
Tumalilis siya laban sa kanila ng isang hampas sa pamamagitan ng kanang kamay.
التفاسير العربية:
فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ
Kaya lumapit [ang mga mananamba] patungo sa kanya, na kumakaripas.
التفاسير العربية:
قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ
Nagsabi siya: "Sumasamba ba kayo sa nilililok ninyo
التفاسير العربية:
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ
samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?"
التفاسير العربية:
قَالُواْ ٱبۡنُواْ لَهُۥ بُنۡيَٰنٗا فَأَلۡقُوهُ فِي ٱلۡجَحِيمِ
Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, at itapon ninyo siya sa Impiyerno."
التفاسير العربية:
فَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَسۡفَلِينَ
Nagnais sila sa kanya ng isang pakana, ngunit gumawa Kami sa kanila bilang mga pinakamababa.
التفاسير العربية:
وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهۡدِينِ
Nagsabi siya: "Tunay na ako ay pupunta sa Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin.
التفاسير العربية:
رَبِّ هَبۡ لِي مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Panginoon ko, magkaloob ka para sa akin ng [anak] kabilang sa mga maayos."
التفاسير العربية:
فَبَشَّرۡنَٰهُ بِغُلَٰمٍ حَلِيمٖ
Kaya nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang batang matimpiin.
التفاسير العربية:
فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ ٱلسَّعۡيَ قَالَ يَٰبُنَيَّ إِنِّيٓ أَرَىٰ فِي ٱلۡمَنَامِ أَنِّيٓ أَذۡبَحُكَ فَٱنظُرۡ مَاذَا تَرَىٰۚ قَالَ يَـٰٓأَبَتِ ٱفۡعَلۡ مَا تُؤۡمَرُۖ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّـٰبِرِينَ
Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang naiisip mo." Nagsabi ito: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga nagtitiis."
التفاسير العربية:

فَلَمَّآ أَسۡلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلۡجَبِينِ
Kaya noong nagpasailalim silang dalawa at nagpahimlay siya rito sa gilid ng noon,
التفاسير العربية:
وَنَٰدَيۡنَٰهُ أَن يَـٰٓإِبۡرَٰهِيمُ
nanawagan Kami sa kanya: "O Abraham,
التفاسير العربية:
قَدۡ صَدَّقۡتَ ٱلرُّءۡيَآۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
nagpatotoo ka nga sa panaginip. Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda."
التفاسير العربية:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡبَلَـٰٓؤُاْ ٱلۡمُبِينُ
Tunay na ito ay talagang ang pagsusulit na malinaw.
التفاسير العربية:
وَفَدَيۡنَٰهُ بِذِبۡحٍ عَظِيمٖ
Tumubos Kami rito ng isang alay na dakila.
التفاسير العربية:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
التفاسير العربية:
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ
Kapayapaan ay kay Abraham.
التفاسير العربية:
كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَبَشَّرۡنَٰهُ بِإِسۡحَٰقَ نَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil kay Isaac bilang isang propeta kabilang sa mga maayos.
التفاسير العربية:
وَبَٰرَكۡنَا عَلَيۡهِ وَعَلَىٰٓ إِسۡحَٰقَۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحۡسِنٞ وَظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ مُبِينٞ
Pinagpala Namin siya at si Isaac. Kabilang sa mga supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda at malinaw na tagalabag sa katarungan sa sarili nito.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Talagang nagmagandang-loob Kami kina Moises at Aaron.
التفاسير العربية:
وَنَجَّيۡنَٰهُمَا وَقَوۡمَهُمَا مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Nagligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa mula sa dalamhating sukdulan.
التفاسير العربية:
وَنَصَرۡنَٰهُمۡ فَكَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Nag-adya Kami sa kanila kaya naging sila ang mga tagadaig.
التفاسير العربية:
وَءَاتَيۡنَٰهُمَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلۡمُسۡتَبِينَ
Nagbigay Kami sa kanilang dalawa ng Kasulatang naglilinaw
التفاسير العربية:
وَهَدَيۡنَٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid.
التفاسير العربية:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِمَا فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nag-iwan Kami para sa kanilang dalawa [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
التفاسير العربية:
سَلَٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Kapayapaan ay kina Moises at Aaron.
التفاسير العربية:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:
إِنَّهُمَا مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na silang dalawa ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ إِلۡيَاسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo,
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
التفاسير العربية:
أَتَدۡعُونَ بَعۡلٗا وَتَذَرُونَ أَحۡسَنَ ٱلۡخَٰلِقِينَ
Dumadalangin ba kayo kay Baal at nagtatatwa kayo sa pinakamagaling sa mga tagalikha,
التفاسير العربية:
ٱللَّهَ رَبَّكُمۡ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
kay Allāh na Panginoon ninyo at Panginoon ng mga ninuno ninyo na mga sinauna?"
التفاسير العربية:

فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa],
التفاسير العربية:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
التفاسير العربية:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli.
التفاسير العربية:
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِلۡ يَاسِينَ
Kapayapaan ay kay Elias.
التفاسير العربية:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ لُوطٗا لَّمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga isinugo,
التفاسير العربية:
إِذۡ نَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
noong nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang lahatan,
التفاسير العربية:
إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.
التفاسير العربية:
ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos ay winasak Namin ang mga iba pa.
التفاسير العربية:
وَإِنَّكُمۡ لَتَمُرُّونَ عَلَيۡهِم مُّصۡبِحِينَ
Tunay na kayo ay talagang nagdaraan sa kanila sa umaga
التفاسير العربية:
وَبِٱلَّيۡلِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
at sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na si Jonas ay talagang kabilang sa mga isinugo,
التفاسير العربية:
إِذۡ أَبَقَ إِلَى ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
noong tumakas siya patungo sa daong na nilulanan.
التفاسير العربية:
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُدۡحَضِينَ
Nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo.
التفاسير العربية:
فَٱلۡتَقَمَهُ ٱلۡحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya nilamon siya ng isda habang siya ay sinisisi.
التفاسير العربية:
فَلَوۡلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُسَبِّحِينَ
Kaya kung hindi dahil na nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagluwalhati,
التفاسير العربية:
لَلَبِثَ فِي بَطۡنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
talaga sanang namalagi siya sa tiyan niyon hanggang sa Araw na bubuhaying muli sila.
التفاسير العربية:
۞فَنَبَذۡنَٰهُ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٞ
Ngunit itinapon Namin siya sa hungkag na lupa habang siya ay maysakit.
التفاسير العربية:
وَأَنۢبَتۡنَا عَلَيۡهِ شَجَرَةٗ مِّن يَقۡطِينٖ
Nagpatubo Kami sa ibabaw niya ng isang puno ng malakalabasa.
التفاسير العربية:
وَأَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ مِاْئَةِ أَلۡفٍ أَوۡ يَزِيدُونَ
Nagsugo Kami sa kanya sa isang daang libo o nadaragdagan sila.
التفاسير العربية:
فَـَٔامَنُواْ فَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٖ
Sumampalataya sila kaya nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon.
التفاسير العربية:
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَلِرَبِّكَ ٱلۡبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلۡبَنُونَ
Kaya sumangguni ka sa kanila: "Ukol ba sa Panginoon mo ay ang mga anak na babae at ukol sa kanila ay ang mga anak na lalaki?"
التفاسير العربية:
أَمۡ خَلَقۡنَا ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ إِنَٰثٗا وَهُمۡ شَٰهِدُونَ
O lumikha ba Kami sa mga anghel bilang mga babae habang sila ay mga sumasaksi?
التفاسير العربية:
أَلَآ إِنَّهُم مِّنۡ إِفۡكِهِمۡ لَيَقُولُونَ
Pakaalamin, tunay na sila dala ng kabulaanan nila ay talagang nagsasabi:
التفاسير العربية:
وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
"Nagkaanak si Allāh." Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
التفاسير العربية:
أَصۡطَفَى ٱلۡبَنَاتِ عَلَى ٱلۡبَنِينَ
Humirang ba Siya ng mga anak na babae higit sa mga anak na lalaki?
التفاسير العربية:

مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
التفاسير العربية:
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
التفاسير العربية:
أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٞ مُّبِينٞ
O mayroon ba kayong isang kapamahalaang malinaw?
التفاسير العربية:
فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung nangyaring kayo ay mga tapat.
التفاسير العربية:
وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبٗاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Naglagay sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang kaangkanan. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa].
التفاسير العربية:
سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila,
التفاسير العربية:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
التفاسير العربية:
فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ
Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo,
التفاسير العربية:
مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ
hindi kayo palayo sa Kanya na mga makatutukso,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ
maliban sa sinumang papasok sa Impiyerno.
التفاسير العربية:
وَمَامِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٞ مَّعۡلُومٞ
[Magsasabi ang mga anghel]: "Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman.
التفاسير العربية:
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ
Tunay na kami ay talagang kami ang mga nakahanay.
التفاسير العربية:
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ
Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagaluwalhati."
التفاسير العربية:
وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ
Tunay na sila noon ay talagang nagsasabi:
التفاسير العربية:
لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
"Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna,
التفاسير العربية:
لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
talaga sanang kami ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh."
التفاسير العربية:
فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo:
التفاسير العربية:
إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ
tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya,
التفاسير العربية:
وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig.
التفاسير العربية:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
التفاسير العربية:
وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sa kanila sapagkat makikita nila.
التفاسير العربية:
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?
التفاسير العربية:
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Ngunit kapag bumaba ito sa saklaw nila, sumagwa ang umaga ng mga binalaan!
التفاسير العربية:
وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
التفاسير العربية:
وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sapagkat makikita nila.
التفاسير العربية:
سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila.
التفاسير العربية:
وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Kapayapaan sa mga isinugo.
التفاسير العربية:
وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الصافات
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.