ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: النساء
آية:
 

النساء

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالٗا كَثِيرٗا وَنِسَآءٗۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبٗا
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.
التفاسير العربية:
وَءَاتُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰٓ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَتَبَدَّلُواْ ٱلۡخَبِيثَ بِٱلطَّيِّبِۖ وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَهُمۡ إِلَىٰٓ أَمۡوَٰلِكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ حُوبٗا كَبِيرٗا
Ibigay ninyo sa mga ulila ang mga yaman nila. Huwag ninyong ipalit ang karima-rimarim ng kaaya-aya. Huwag ninyong kainin ang mga yaman nila kasama sa mga yaman ninyo. Tunay na ito ay laging isang kasalanang malaki.
التفاسير العربية:
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تُقۡسِطُواْ فِي ٱلۡيَتَٰمَىٰ فَٱنكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ مَثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا تَعۡدِلُواْ فَوَٰحِدَةً أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَعُولُواْ
Kung nangamba kayo na hindi kayo magpakamakatarungan sa mga babaing ulila ay mag-asawa kayo ng naging kaaya-aya para sa inyo na mga babae: dalawahan o tatluhan o apatan. Ngunit kung nangamba kayo na hindi kayo maging makatarungan ay [mag-asawa ng] isa o anumang minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Iyon ay pinakamalapit na hindi kayo mang-api.
التفاسير العربية:
وَءَاتُواْ ٱلنِّسَآءَ صَدُقَٰتِهِنَّ نِحۡلَةٗۚ فَإِن طِبۡنَ لَكُمۡ عَن شَيۡءٖ مِّنۡهُ نَفۡسٗا فَكُلُوهُ هَنِيٓـٔٗا مَّرِيٓـٔٗا
Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo. Ngunit kung nagparaya sila para sa inyo ng anuman mula rito nang kusang-loob ay tanggapin ninyo ito nang kaiga-igayang kasiya-siya.
التفاسير العربية:
وَلَا تُؤۡتُواْ ٱلسُّفَهَآءَ أَمۡوَٰلَكُمُ ٱلَّتِي جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ قِيَٰمٗا وَٱرۡزُقُوهُمۡ فِيهَا وَٱكۡسُوهُمۡ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Huwag kayong magbigay sa mga hunghang ng mga yaman ninyo na ginawa ni Allāh para sa inyo bilang pantaguyod. Tumustos kayo sa kanila sa mga ito, magpadamit kayo sa kanila, at magsabi kayo sa kanila ng isang pagsabing nakabubuti.
التفاسير العربية:
وَٱبۡتَلُواْ ٱلۡيَتَٰمَىٰ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغُواْ ٱلنِّكَاحَ فَإِنۡ ءَانَسۡتُم مِّنۡهُمۡ رُشۡدٗا فَٱدۡفَعُوٓاْ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡۖ وَلَا تَأۡكُلُوهَآ إِسۡرَافٗا وَبِدَارًا أَن يَكۡبَرُواْۚ وَمَن كَانَ غَنِيّٗا فَلۡيَسۡتَعۡفِفۡۖ وَمَن كَانَ فَقِيرٗا فَلۡيَأۡكُلۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِذَا دَفَعۡتُمۡ إِلَيۡهِمۡ أَمۡوَٰلَهُمۡ فَأَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
Subukin ninyo ang mga ulila hanggang sa nang umabot sila sa pag-aasawa. Kaya kung nakapansin kayo mula sa kanila ng katinuan ay ibigay ninyo sa kanila ang mga yaman nila. Huwag kayong gumamit ng mga ito sa pagpapalabis at pagdadali-dali na baka lumaki sila. Ang sinumang naging mayaman ay magpigil [sa pagpapabayad] at ang sinumang naging maralita ay kumuha ayon sa makatwiran. Kaya kapag nag-abot kayo sa kanila ng mga yaman nila ay magpasaksi kayo sa kanila. Sumapat si Allāh bilang Mapagtuos.
التفاسير العربية:

لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَ مِمَّا قَلَّ مِنۡهُ أَوۡ كَثُرَۚ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin.
التفاسير العربية:
وَإِذَا حَضَرَ ٱلۡقِسۡمَةَ أُوْلُواْ ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينُ فَٱرۡزُقُوهُم مِّنۡهُ وَقُولُواْ لَهُمۡ قَوۡلٗا مَّعۡرُوفٗا
Kapag dumalo sa paghahati ang mga kaanak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti.
التفاسير العربية:
وَلۡيَخۡشَ ٱلَّذِينَ لَوۡ تَرَكُواْ مِنۡ خَلۡفِهِمۡ ذُرِّيَّةٗ ضِعَٰفًا خَافُواْ عَلَيۡهِمۡ فَلۡيَتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡيَقُولُواْ قَوۡلٗا سَدِيدًا
Matakot ang mga kung sakaling nag-iwan sila sa pagyao nila ng mga supling na mahina ay mangangamba sila para sa mga ito. Kaya mangilag silang magkasala kay Allāh at magsabi sila ng sinasabing tama.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَأۡكُلُونَ أَمۡوَٰلَ ٱلۡيَتَٰمَىٰ ظُلۡمًا إِنَّمَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ نَارٗاۖ وَسَيَصۡلَوۡنَ سَعِيرٗا
Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng paglabag sa katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at papasok sila sa isang liyab.
التفاسير العربية:
يُوصِيكُمُ ٱللَّهُ فِيٓ أَوۡلَٰدِكُمۡۖ لِلذَّكَرِ مِثۡلُ حَظِّ ٱلۡأُنثَيَيۡنِۚ فَإِن كُنَّ نِسَآءٗ فَوۡقَ ٱثۡنَتَيۡنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَۖ وَإِن كَانَتۡ وَٰحِدَةٗ فَلَهَا ٱلنِّصۡفُۚ وَلِأَبَوَيۡهِ لِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِن كَانَ لَهُۥ وَلَدٞۚ فَإِن لَّمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلَدٞ وَوَرِثَهُۥٓ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ ٱلثُّلُثُۚ فَإِن كَانَ لَهُۥٓ إِخۡوَةٞ فَلِأُمِّهِ ٱلسُّدُسُۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِي بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍۗ ءَابَآؤُكُمۡ وَأَبۡنَآؤُكُمۡ لَا تَدۡرُونَ أَيُّهُمۡ أَقۡرَبُ لَكُمۡ نَفۡعٗاۚ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Naghahabilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:

۞وَلَكُمۡ نِصۡفُ مَا تَرَكَ أَزۡوَٰجُكُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّهُنَّ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَهُنَّ وَلَدٞ فَلَكُمُ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡنَۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصِينَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۚ وَلَهُنَّ ٱلرُّبُعُ مِمَّا تَرَكۡتُمۡ إِن لَّمۡ يَكُن لَّكُمۡ وَلَدٞۚ فَإِن كَانَ لَكُمۡ وَلَدٞ فَلَهُنَّ ٱلثُّمُنُ مِمَّا تَرَكۡتُمۚ مِّنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ تُوصُونَ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٖۗ وَإِن كَانَ رَجُلٞ يُورَثُ كَلَٰلَةً أَوِ ٱمۡرَأَةٞ وَلَهُۥٓ أَخٌ أَوۡ أُخۡتٞ فَلِكُلِّ وَٰحِدٖ مِّنۡهُمَا ٱلسُّدُسُۚ فَإِن كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِن ذَٰلِكَ فَهُمۡ شُرَكَآءُ فِي ٱلثُّلُثِۚ مِنۢ بَعۡدِ وَصِيَّةٖ يُوصَىٰ بِهَآ أَوۡ دَيۡنٍ غَيۡرَ مُضَآرّٖۚ وَصِيَّةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٞ
Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung hindi sila nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon sila ng anak ay ukol sa inyo ang ikaapat mula sa naiwan nila noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin nila o ng [pambayad sa] isang utang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo kung hindi kayo nagkaroon ng anak ngunit kung nagkaroon kayo ng anak ay ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin ninyo o ng [pambayad sa] isang utang. Kung ang isang lalaki o isang babaing nagpapamana ay walang anak ni magulang at mayroon siyang isang kapatid na lalaki o isang kapatid na babae, ukol sa bawat isa sa dalawa ang ikaanim; ngunit kung sila ay higit kaysa roon, sila ay magkakahati sa ikatlo noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin o ng [pambayad sa] isang utang, nang hindi nakapipinsala. Bilang habilin mula kay Allāh, at si Allāh ay Maalam, Matimpiin.
التفاسير العربية:
تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
التفاسير العربية:
وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدٗا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili rito at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.
التفاسير العربية:

وَٱلَّـٰتِي يَأۡتِينَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مِن نِّسَآئِكُمۡ فَٱسۡتَشۡهِدُواْ عَلَيۡهِنَّ أَرۡبَعَةٗ مِّنكُمۡۖ فَإِن شَهِدُواْ فَأَمۡسِكُوهُنَّ فِي ٱلۡبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّىٰهُنَّ ٱلۡمَوۡتُ أَوۡ يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلٗا
Ang mga gumagawa ng mahalay kabilang sa kababaihan ninyo ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon ay panatilihin ninyo sila sa mga bahay hanggang sa magpapanaw sa kanila ang kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang landas.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذَانِ يَأۡتِيَٰنِهَا مِنكُمۡ فَـَٔاذُوهُمَاۖ فَإِن تَابَا وَأَصۡلَحَا فَأَعۡرِضُواْ عَنۡهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ تَوَّابٗا رَّحِيمًا
Ang dalawang gumagawa nitong [mahalay] kabilang sa inyo ay saktan ninyo silang dalawa. Kung nagbalik-loob silang dalawa at nagsaayos silang dalawa ay iwan ninyo silang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
التفاسير العربية:
إِنَّمَا ٱلتَّوۡبَةُ عَلَى ٱللَّهِ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِن قَرِيبٖ فَأُوْلَـٰٓئِكَ يَتُوبُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ay nasa kay Allāh lamang ukol sa mga nakagagawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos ay nagbabalik-loob kaagad, kaya sa mga iyon tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَلَيۡسَتِ ٱلتَّوۡبَةُ لِلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ حَتَّىٰٓ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ إِنِّي تُبۡتُ ٱلۡـَٰٔنَ وَلَا ٱلَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمۡ كُفَّارٌۚ أُوْلَـٰٓئِكَ أَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
Ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ay hindi ukol sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa, na hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay magsasabi siya: "Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon," at hindi ukol sa mga namamatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya. Ang mga iyon ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَرِثُواْ ٱلنِّسَآءَ كَرۡهٗاۖ وَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ لِتَذۡهَبُواْ بِبَعۡضِ مَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ فَإِن كَرِهۡتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰٓ أَن تَكۡرَهُواْ شَيۡـٔٗا وَيَجۡعَلَ ٱللَّهُ فِيهِ خَيۡرٗا كَثِيرٗا
O mga sumampalataya, hindi ipinahihintulot para sa inyo na magmana kayo ng mga babae nang sapilitan ni humadlang kayo sa kanila [sa pag-aasawa] upang makakuha kayo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila, maliban na gumawa sila ng isang mahalay na nagliliwanag. Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.
التفاسير العربية:

وَإِنۡ أَرَدتُّمُ ٱسۡتِبۡدَالَ زَوۡجٖ مَّكَانَ زَوۡجٖ وَءَاتَيۡتُمۡ إِحۡدَىٰهُنَّ قِنطَارٗا فَلَا تَأۡخُذُواْ مِنۡهُ شَيۡـًٔاۚ أَتَأۡخُذُونَهُۥ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Kung nagnais kayo ng pagpapalit ng isang maybahay kapalit ng [ibang] maybahay at nagbigay kayo sa isa sa kanila ng isang bunton [ng regalo] ay huwag kayong kumuha mula rito ng anuman. Kukuha ba kayo nito bilang paninirang-puri at kasalanang malinaw?
التفاسير العربية:
وَكَيۡفَ تَأۡخُذُونَهُۥ وَقَدۡ أَفۡضَىٰ بَعۡضُكُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٖ وَأَخَذۡنَ مِنكُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Papaano kayong kukuha nito samantalang nagtalik na ang isa’t isa sa inyo at tumanggap sila mula sa inyo ng isang kasunduang mahigpit?
التفاسير العربية:
وَلَا تَنكِحُواْ مَا نَكَحَ ءَابَآؤُكُم مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۚ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَمَقۡتٗا وَسَآءَ سَبِيلًا
Huwag kayong mag-asawa ng mga babaing napangasawa ng mga ama ninyo, maliban sa nagdaan na. Tunay na iyon ay laging mahalay, kapuot-puot, at sumagwa bilang landas.
التفاسير العربية:
حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمۡ أُمَّهَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُمۡ وَعَمَّـٰتُكُمۡ وَخَٰلَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُ ٱلۡأَخِ وَبَنَاتُ ٱلۡأُخۡتِ وَأُمَّهَٰتُكُمُ ٱلَّـٰتِيٓ أَرۡضَعۡنَكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُم مِّنَ ٱلرَّضَٰعَةِ وَأُمَّهَٰتُ نِسَآئِكُمۡ وَرَبَـٰٓئِبُكُمُ ٱلَّـٰتِي فِي حُجُورِكُم مِّن نِّسَآئِكُمُ ٱلَّـٰتِي دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَإِن لَّمۡ تَكُونُواْ دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ وَحَلَـٰٓئِلُ أَبۡنَآئِكُمُ ٱلَّذِينَ مِنۡ أَصۡلَٰبِكُمۡ وَأَن تَجۡمَعُواْ بَيۡنَ ٱلۡأُخۡتَيۡنِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ipinagbawal sa inyo [na mapangasawa] ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking kapatid ninyo, ang mga babaing anak ng babaing kapatid ninyo, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo, ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng mga maybahay ninyo, ang mga babaing anak na panguman ninyong nasa ilalim ng pangangalaga ninyo mula sa mga maybahay ninyong nakipagtalik kayo sa kanila, subalit kung hindi kayo nakipagtalik sa kanila ay walang maisisisi sa iyo, ang mga maybahay ng mga lalaking anak ninyo mula sa mga gulugod ninyo, at na pagsabayin ninyo ang dalawang magkapatid na babae, maliban sa nagdaan na. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
Kung ang pagpapasuso ay kulang sa limang beses, hindi magkakabisa ang pagbabawal sa pag-aasawa (Ibnu Kathīr, Tomo 2, Numero 416).
التفاسير العربية:

۞وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
[Ipinagbawal din] ang mga nakapag-asawa kabilang sa mga babae maliban sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo, bilang pagtatakda ni Allāh para sa inyo. Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon, [sa kundisyon] na maghangad kayo kapalit ng [bigay-kaya mula sa] mga yaman ninyo bilang mga nanananggalang sa pangangalunya hindi mga nangangalunya. Ang nagpakaligaya kayo kabilang sa kanila ay magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila bilang tungkuling regalo. Walang maisisisi sa inyo kaugnay sa nagkaluguran kayo noong matapos ng [pagtatakda ng] tungkuling regalo. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo ng kaparaanan na mag-asawa ng mga malayang babaing mananampalataya ay [mag-asawa] mula sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo kabilang sa mga babaing alipin ninyong mga mananampalataya. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa pananampalataya ninyo. Kayo ay kabilang sa isa’t isa. Kaya mag-asawa kayo sa kanila – ayon sa pahintulot ng mga amo nila at magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila ayon sa makatwiran – na mga pinasasanggalang sa pangangalunya na hindi mga nangangalunya ni mga gumagawa ng mga kalaguyo. Ngunit kapag pinasanggalang sila [sa pag-aasawa] at kung gumawa sila ng isang mahalay ay kailangan sa kanila ang kalahati ng kailangan sa mga babaing malaya mula sa pagdurusa. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa kalunya kabilang sa inyo. Ang magtiis kayo ay higit na mabuti para sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمۡ وَيَهۡدِيَكُمۡ سُنَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَيَتُوبَ عَلَيۡكُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Nagnanais si Allāh na maglinaw para sa inyo, magpatnubay sa inyo ng mga kalakaran ng mga kabilang sa nauna sa inyo, at tumanggap ng pagbabalik-loob mula sa inyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:

وَٱللَّهُ يُرِيدُ أَن يَتُوبَ عَلَيۡكُمۡ وَيُرِيدُ ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلشَّهَوَٰتِ أَن تَمِيلُواْ مَيۡلًا عَظِيمٗا
Si Allāh ay nagnanais na tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo at nagnanais ang mga sumusunod sa mga pagnanasa na lumihis kayo nang isang pagkalihis na sukdulan.
التفاسير العربية:
يُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُخَفِّفَ عَنكُمۡۚ وَخُلِقَ ٱلۡإِنسَٰنُ ضَعِيفٗا
Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً عَن تَرَاضٖ مِّنكُمۡۚ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا
O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo ayon sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain.
التفاسير العربية:
وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ عُدۡوَٰنٗا وَظُلۡمٗا فَسَوۡفَ نُصۡلِيهِ نَارٗاۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرًا
Ang sinumang gumagawa niyon dala ng pangangaway at paglabag sa katarungan ay magsasalang Kami sa kanya sa Apoy. Laging iyon kay Allāh ay madali.
التفاسير العربية:
إِن تَجۡتَنِبُواْ كَبَآئِرَ مَا تُنۡهَوۡنَ عَنۡهُ نُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَنُدۡخِلۡكُم مُّدۡخَلٗا كَرِيمٗا
Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapapasok Kami sa inyo sa isang pasukang marangal.
التفاسير العربية:
وَلَا تَتَمَنَّوۡاْ مَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بِهِۦ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ لِّلرِّجَالِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبُواْۖ وَلِلنِّسَآءِ نَصِيبٞ مِّمَّا ٱكۡتَسَبۡنَۚ وَسۡـَٔلُواْ ٱللَّهَ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Huwag kayong magmithi ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba. Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila. Humingi kayo kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
التفاسير العربية:
وَلِكُلّٖ جَعَلۡنَا مَوَٰلِيَ مِمَّا تَرَكَ ٱلۡوَٰلِدَانِ وَٱلۡأَقۡرَبُونَۚ وَٱلَّذِينَ عَقَدَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡ فَـَٔاتُوهُمۡ نَصِيبَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Ukol sa bawat isa ay gumawa Kami ng mga tagapagmana mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Ang mga pinatungkulan ng mga panunumpa ninyo ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
التفاسير العربية:

ٱلرِّجَالُ قَوَّـٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّـٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّـٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae dahil itinangi ni Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil ginugol nila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagaingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay mangaral kayao sa kanila, iwan ninyo sila sa mga higaan [kung nagpupumilit], at paluin ninyo sila [kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki.
التفاسير العربية:
وَإِنۡ خِفۡتُمۡ شِقَاقَ بَيۡنِهِمَا فَٱبۡعَثُواْ حَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهِۦ وَحَكَمٗا مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن يُرِيدَآ إِصۡلَٰحٗا يُوَفِّقِ ٱللَّهُ بَيۡنَهُمَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرٗا
Kung nangamba kayo sa isang hidwaan sa pagitan nilang dalawa ay magpadala kayo ng isang tagahatol mula sa mag-anak ng lalaki at isang tagahatol mula sa mag-anak ng babae. Kung magnanais silang dalawa ng isang pagsasaayos ay magpapatugma si Allāh sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Nakababatid.
التفاسير العربية:
۞وَٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗا وَبِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡجَارِ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡجَارِ ٱلۡجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلۡجَنۢبِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخۡتَالٗا فَخُورًا
Sumamba kayo kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, sa mga may kalapitan na kaanak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may kalapitan na kaanak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang hambog na mayabang.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِ وَيَكۡتُمُونَ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۗ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
[Sila] ang mga nagmamaramot, nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot, at nagtatago ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
التفاسير العربية:

وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا
[Sila] ang mga gumugugol ng mga yaman nila bilang pagpapakita sa mga tao at hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang ang demonyo para sa kanya ay naging isang kapisan, sumagwa ito bilang kapisan.
التفاسير العربية:
وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا
Ano [ang pinsala] sa kanila kung sakaling sumampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw at gumugol sila mula sa itinustos sa kanila ni Allāh? Laging si Allāh sa kanila ay Maalam.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat.
التفاسير العربية:
فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا
Kaya papaano kapag nagdala Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at nagdala Kami sa iyo sa mga ito bilang saksi?
التفاسير العربية:
يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا
Sa Araw na iyon ay magmimithi ang mga tumangging sumampalataya at sumuway sa Sugo na kung sana itatabon sa kanila ang lupa. Hindi sila makapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا
O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka humaplos kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
Ang paghaplos sa mukha at mga kamay ng mga kamay na ipinagpag sa malinis na lupa ay tinatawag na tayammum. Ito ay pamalit sa wuḍu' kapag hindi maaaring gumamit ng tubig.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ
Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Bumibili sila ng kaligawan at nagnanais sila na maligaw kayo ng landas.
التفاسير العربية:

وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيّٗا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرٗا
Si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga kaaway ninyo. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adya.
التفاسير العربية:
مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَيَقُولُونَ سَمِعۡنَا وَعَصَيۡنَا وَٱسۡمَعۡ غَيۡرَ مُسۡمَعٖ وَرَٰعِنَا لَيَّۢا بِأَلۡسِنَتِهِمۡ وَطَعۡنٗا فِي ٱلدِّينِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ قَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَا وَٱسۡمَعۡ وَٱنظُرۡنَا لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَقۡوَمَ وَلَٰكِن لَّعَنَهُمُ ٱللَّهُ بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Mayroon sa mga nagpakahudyo na naglilihis sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito at nagsasabi: “Nakinig kami at sumuway kami,” “Makinig ka ng hindi pinaririnig,” at “Rā`inā” bilang pagpilipit sa mga dila nila at paninirang-puri sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi: “Nakinig kami at tumalima kami,” “Makinig ka,” at “Tumingin ka sa amin,” talaga sanang iyon ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matuwid, subalit isinumpa sila ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
Ang sinabi nilang "Rā`inā" ay maaaring mangahulugang mag-unawaan tayo ngunit nangangahulugan ng panlalait sa wikang Hebreo nila.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ ءَامِنُواْ بِمَا نَزَّلۡنَا مُصَدِّقٗا لِّمَا مَعَكُم مِّن قَبۡلِ أَن نَّطۡمِسَ وُجُوهٗا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰٓ أَدۡبَارِهَآ أَوۡ نَلۡعَنَهُمۡ كَمَا لَعَنَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلسَّبۡتِۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولًا
O mga binigyan ng Kasulatan, sumampalataya kayo sa ibinaba Namin na nagpapatotoo sa taglay ninyo bago pa Kami bumura ng mga mukha at magpabaling sa mga ito sa mga likuran ng mga ito, o sumumpa Kami sa kanila gaya ng pagsumpa Namin sa mga lumabag sa Sabath. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنفُسَهُمۚ بَلِ ٱللَّهُ يُزَكِّي مَن يَشَآءُ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ka ba tumingin sa mga nagmamalinis ng mga sarili nila? Bagkus si Allāh ay naglilinis ng sinumang loloobin Niya. Hindi sila lalabagin sa katarungan nang gahibla.
التفاسير العربية:
ٱنظُرۡ كَيۡفَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَكَفَىٰ بِهِۦٓ إِثۡمٗا مُّبِينًا
Tumingin ka kung papaano silang gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan. Nakasapat iyon bilang kasalanang malinaw.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡجِبۡتِ وَٱلطَّـٰغُوتِ وَيَقُولُونَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ هَـٰٓؤُلَآءِ أَهۡدَىٰ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ سَبِيلًا
Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Sumasampalataya sila sa diyus-diyusan at mapagmalabis at nagsasabi sila sa mga tumangging sumampalataya na ang mga ito ay higit na napatnubayan kaysa sa mga sumampalataya ayon sa landas.
التفاسير العربية:

أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُۖ وَمَن يَلۡعَنِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ نَصِيرًا
Ang mga iyon ay isinumpa ni Allāh. Ang sinumang isusumpa ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang mapag-adya.
التفاسير العربية:
أَمۡ لَهُمۡ نَصِيبٞ مِّنَ ٱلۡمُلۡكِ فَإِذٗا لَّا يُؤۡتُونَ ٱلنَّاسَ نَقِيرًا
O mayroon ba silang isang bahagi mula sa paghahari? Kaya samakatuwid, hindi sila magbibigay sa mga tao ng isang kapiranggot.
التفاسير العربية:
أَمۡ يَحۡسُدُونَ ٱلنَّاسَ عَلَىٰ مَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦۖ فَقَدۡ ءَاتَيۡنَآ ءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَءَاتَيۡنَٰهُم مُّلۡكًا عَظِيمٗا
O naiinggit ba sila sa mga tao dahil sa ibinigay ni Allāh sa mga ito mula sa kabutihang-loob Niya? Nagbigay nga Kami sa angkan ni Abraham ng Kasulatan at Karunungan, at nagbigay Kami sa mga ito ng isang paghaharing dakila.
التفاسير العربية:
فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن صَدَّ عَنۡهُۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا
Mayroon sa kanila ang sumasampalataya sa kanya at mayroon sa kanila ang tumutol sa kanya. Nakasapat ang Impiyerno bilang lagablab.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا سَوۡفَ نُصۡلِيهِمۡ نَارٗا كُلَّمَا نَضِجَتۡ جُلُودُهُم بَدَّلۡنَٰهُمۡ جُلُودًا غَيۡرَهَا لِيَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمٗا
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magsasalang Kami sa kanila sa Apoy. Sa tuwing naluto ang mga balat nila magpapalit Kami sa kanila ng mga balat na iba sa mga ito upang lumasap sila ng pagdurusa.Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan, Marunong.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ لَّهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَنُدۡخِلُهُمۡ ظِلّٗا ظَلِيلًا
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Magkakaroon sila sa mga ito ng mga asawang dinalisay, at magpapapasok Kami sa kanila sa lilim na malilim.
التفاسير العربية:
۞إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُكُمۡ أَن تُؤَدُّواْ ٱلۡأَمَٰنَٰتِ إِلَىٰٓ أَهۡلِهَا وَإِذَا حَكَمۡتُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ أَن تَحۡكُمُواْ بِٱلۡعَدۡلِۚ إِنَّ ٱللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُم بِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito at kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allāh ay laging Madinigin, Nakakikita.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may kapamahalaan sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda pagpapahantong.
التفاسير العربية:

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يَزۡعُمُونَ أَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ يُرِيدُونَ أَن يَتَحَاكَمُوٓاْ إِلَى ٱلطَّـٰغُوتِ وَقَدۡ أُمِرُوٓاْ أَن يَكۡفُرُواْ بِهِۦۖ وَيُرِيدُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَن يُضِلَّهُمۡ ضَلَٰلَۢا بَعِيدٗا
Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa noong bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol sa mapagmalabis samantalang inutusan nga sila na tumangging sumampalataya rito. Nagnanais ang demonyo na magpaligaw sa kanila sa isang pagkaligaw na malayo.
التفاسير العربية:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ رَأَيۡتَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يَصُدُّونَ عَنكَ صُدُودٗا
Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo sa pinababa ni Allāh at sa Sugo,” makakikita ka sa mga mapagpaimbabaw na tumututol sa iyo ng isang pagtutol.
التفاسير العربية:
فَكَيۡفَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ ثُمَّ جَآءُوكَ يَحۡلِفُونَ بِٱللَّهِ إِنۡ أَرَدۡنَآ إِلَّآ إِحۡسَٰنٗا وَتَوۡفِيقًا
Kaya papaano kapag may tumama sa kanila na isang kapahamakan dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, pagkatapos ay dumating sila sa iyo na nanunumpa kay Allāh: “Hindi kami nagnais maliban ng isang paggawa ng maganda at pagtutugma.”
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُ ٱللَّهُ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَعِظۡهُمۡ وَقُل لَّهُمۡ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَوۡلَۢا بَلِيغٗا
Ang mga iyon ay ang mga nakaaalam si Allāh ng nasa mga puso nila kaya umayaw ka sa kanila, mangaral ka sa kanila, at magsabi ka sa kanila sa mga sarili nila ng isang sinasabing nanunuot.
التفاسير العربية:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا لِيُطَاعَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ إِذ ظَّلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ جَآءُوكَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡتَغۡفَرَ لَهُمُ ٱلرَّسُولُ لَوَجَدُواْ ٱللَّهَ تَوَّابٗا رَّحِيمٗا
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi upang talimain ito ayon sa pahintulot ni Allāh. Kung sakaling sila, noong lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila, ay dumating sa iyo saka humingi ng tawad kay Allāh at humingi ng tawad para sa kanila ang Sugo, talaga sanang nakatagpo sila na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
التفاسير العربية:
فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤۡمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ لَا يَجِدُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَرَجٗا مِّمَّا قَضَيۡتَ وَيُسَلِّمُواْ تَسۡلِيمٗا
Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang pinagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].
التفاسير العربية:

وَلَوۡ أَنَّا كَتَبۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَنِ ٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ أَوِ ٱخۡرُجُواْ مِن دِيَٰرِكُم مَّا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٞ مِّنۡهُمۡۖ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ فَعَلُواْ مَا يُوعَظُونَ بِهِۦ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَشَدَّ تَثۡبِيتٗا
Kung sakaling Kami ay nagtakda sa kanila na: “Patayin ninyo ang mga sarili ninyo o lumisan kayo sa mga tahanan ninyo” ay hindi sana sila gumawa nito maliban sa kaunti sa kanila. Kung sakaling sila ay nagsagawa ng ipinangangaral sa kanila, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matindi sa pagpapatatag
التفاسير العربية:
وَإِذٗا لَّأٓتَيۡنَٰهُم مِّن لَّدُنَّآ أَجۡرًا عَظِيمٗا
at samakatuwid talaga sanang nagbigay Kami sa kanila mula sa nasa Amin na isang pabuyang dakila,
التفاسير العربية:
وَلَهَدَيۡنَٰهُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا
at talaga sanang nagpatnubay Kami sa kanila sa isang landasing tuwid.
التفاسير العربية:
وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ مَعَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلصِّدِّيقِينَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَٱلصَّـٰلِحِينَۚ وَحَسُنَ أُوْلَـٰٓئِكَ رَفِيقٗا
Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo, ang mga iyon ay kasama ng mga biniyayaan ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Gumanda ang mga iyon bilang kasabayan.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ ٱلۡفَضۡلُ مِنَ ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ عَلِيمٗا
Ang kabutihang-loob na iyon ay mula kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Maalam.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ خُذُواْ حِذۡرَكُمۡ فَٱنفِرُواْ ثُبَاتٍ أَوِ ٱنفِرُواْ جَمِيعٗا
O mga sumampalataya, humawak kayo sa pag-iingat ninyo saka humayo kayo nang pulu-pulutong o humayo kayo nang sama-sama.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ مِنكُمۡ لَمَن لَّيُبَطِّئَنَّ فَإِنۡ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَالَ قَدۡ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيَّ إِذۡ لَمۡ أَكُن مَّعَهُمۡ شَهِيدٗا
Tunay na kabilang sa inyo ay talagang ang magpapabagal nga. Kaya kung may tumama sa inyo na isang kapahamakan ay magsasabi siya: “Nagbiyaya nga si Allāh sa akin yayamang hindi ako naging kasama sa kanila bilang saksi.”
التفاسير العربية:
وَلَئِنۡ أَصَٰبَكُمۡ فَضۡلٞ مِّنَ ٱللَّهِ لَيَقُولَنَّ كَأَن لَّمۡ تَكُنۢ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُۥ مَوَدَّةٞ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ مَعَهُمۡ فَأَفُوزَ فَوۡزًا عَظِيمٗا
Talagang kung may tumama sa inyo na kabutihang-loob mula kay Allāh ay talagang magsasabi nga siya, na para bang walang nangyari sa pagitan ninyo at niya na isang pagmamahal: “O kung sana ako ay naging kasama sa kanila para magtamo ako ng isang pagkatamong sukdulan.”
التفاسير العربية:
۞فَلۡيُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يَشۡرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَن يُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيُقۡتَلۡ أَوۡ يَغۡلِبۡ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh ang mga nagbili ng buhay na pangmundo kapalit ng pangkabilang-buhay. Ang sinumang makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at mapapatay ito o mananaig ito ay magbibigay rito ng isang pabuyang sukdulan.
التفاسير العربية:

وَمَا لَكُمۡ لَا تُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلظَّالِمِ أَهۡلُهَا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا وَٱجۡعَل لَّنَا مِن لَّدُنكَ نَصِيرًا
Ano ang [pumipigil] sa inyo? Hindi kayo nakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allāh at ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata, na nagsasabi: “Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa pamayanang ito, na tagalabag sa katarungan ang mga naninirihan dito, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang katangkilik, at magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang mapag-adya.”
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱلطَّـٰغُوتِ فَقَٰتِلُوٓاْ أَوۡلِيَآءَ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّ كَيۡدَ ٱلشَّيۡطَٰنِ كَانَ ضَعِيفًا
Ang mga sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at ang mga tumangging sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ng mapagmalabis. Kaya makipaglaban kayo sa mga katangkilik ng demonyo. Tunay na ang pakana ng demonyo ay laging mahina.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ قِيلَ لَهُمۡ كُفُّوٓاْ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقِتَالُ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ يَخۡشَوۡنَ ٱلنَّاسَ كَخَشۡيَةِ ٱللَّهِ أَوۡ أَشَدَّ خَشۡيَةٗۚ وَقَالُواْ رَبَّنَا لِمَ كَتَبۡتَ عَلَيۡنَا ٱلۡقِتَالَ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖۗ قُلۡ مَتَٰعُ ٱلدُّنۡيَا قَلِيلٞ وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّمَنِ ٱتَّقَىٰ وَلَا تُظۡلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ka ba nakaalam sa mga sinabihan: “Magpigil kayo ng mga kamay ninyo, magpanatili kayo ng pagdarasal, at magbigay kayo ng zakāh,” ngunit noong itinakda sa kanila ang pakikipaglaban biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na natatakot sa mga tao gaya ng pagkatakot kay Allāh o higit na matindi sa pagkatakot? Nagsabi sila: “Panginoon Namin, bakit Ka nagtakda sa amin ng pakikipaglaban? Bakit naman hindi Ka nagpaliban sa amin sa maikling taning?” Sabihin mo: “Ang tinatamasa sa Mundo ay kakaunti at ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa sinumang nangilag magkasala. Hindi kayo lalabagin sa katarungan nang gahibla.”
التفاسير العربية:
أَيۡنَمَا تَكُونُواْ يُدۡرِككُّمُ ٱلۡمَوۡتُ وَلَوۡ كُنتُمۡ فِي بُرُوجٖ مُّشَيَّدَةٖۗ وَإِن تُصِبۡهُمۡ حَسَنَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةٞ يَقُولُواْ هَٰذِهِۦ مِنۡ عِندِكَۚ قُلۡ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ فَمَالِ هَـٰٓؤُلَآءِ ٱلۡقَوۡمِ لَا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ حَدِيثٗا
Maging saanman kayo, aabot sa inyo ang kamatayan kahit pa man kayo ay nasa mga toreng pinatatag. Kung may tumama sa kanila na isang maganda ay nagsasabi sila: “Ito ay mula sa ganang kay Allāh.” Kung may tumama sa kanila na isang masagwa ay nagsasabi sila: “Ito ay mula sa ganang iyo.” Sabihin mo: “Lahat ay mula sa ganang kay Allāh.” Kaya ano ang mayroon sa mga taong ito na hindi halos sila nakauunawa ng isang pag-uusap?
التفاسير العربية:
مَّآ أَصَابَكَ مِنۡ حَسَنَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ وَمَآ أَصَابَكَ مِن سَيِّئَةٖ فَمِن نَّفۡسِكَۚ وَأَرۡسَلۡنَٰكَ لِلنَّاسِ رَسُولٗاۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا
Ang anumang tumama sa iyo na maganda ay mula kay Allāh at ang anumang tumama sa iyo na masagwa ay mula sa sarili mo. Nagsugo sa iyo sa mga tao bilang sugo. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.
التفاسير العربية:

مَّن يُطِعِ ٱلرَّسُولَ فَقَدۡ أَطَاعَ ٱللَّهَۖ وَمَن تَوَلَّىٰ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗا
Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh. Ang sinumang tumalikod, hindi nagsugo sa iyo bilang tagapag-ingat sa kanila.
التفاسير العربية:
وَيَقُولُونَ طَاعَةٞ فَإِذَا بَرَزُواْ مِنۡ عِندِكَ بَيَّتَ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ غَيۡرَ ٱلَّذِي تَقُولُۖ وَٱللَّهُ يَكۡتُبُ مَا يُبَيِّتُونَۖ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا
Nagsasabi sila ng pagtalima ngunit kapag nakaalis sila mula sa piling mo ay may nagpapanukala sa gabi na isang pangkatin kabilang sa kanila ng iba pa sa sinasabi mo. Si Allāh ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala nila sa gabi kaya umayaw ka sa kanila at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.
التفاسير العربية:
أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَۚ وَلَوۡ كَانَ مِنۡ عِندِ غَيۡرِ ٱللَّهِ لَوَجَدُواْ فِيهِ ٱخۡتِلَٰفٗا كَثِيرٗا
Kaya hindi ba sila nagnilay-nilay sa Qur’ān? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh, talaga sanang nakatagpo sila rito ng pagkakaiba-ibang marami.
التفاسير العربية:
وَإِذَا جَآءَهُمۡ أَمۡرٞ مِّنَ ٱلۡأَمۡنِ أَوِ ٱلۡخَوۡفِ أَذَاعُواْ بِهِۦۖ وَلَوۡ رَدُّوهُ إِلَى ٱلرَّسُولِ وَإِلَىٰٓ أُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنۡهُمۡ لَعَلِمَهُ ٱلَّذِينَ يَسۡتَنۢبِطُونَهُۥ مِنۡهُمۡۗ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَٱتَّبَعۡتُمُ ٱلشَّيۡطَٰنَ إِلَّا قَلِيلٗا
Kapag may dumating sa kanilang isang usapin ng katiwasayan o pangangamba ay nagpapatalastas sila nito. Kung sakaling sumangguni sila nito sa Sugo at sa mga may kapamahalaan kabilang sa kanila ay talaga sanang nakaalam dito ang mga naghihinuha nito kabilang sa kanila. Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang sumunod kayo sa demonyo, maliban sa kakaunti.
التفاسير العربية:
فَقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفۡسَكَۚ وَحَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَكُفَّ بَأۡسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَٱللَّهُ أَشَدُّ بَأۡسٗا وَأَشَدُّ تَنكِيلٗا
Kaya makipaglaban ka sa landas ni Allāh; wala kang inaatangan kundi ang sarili mo. Udyukan mo ang mga mananampalataya, harinawang si Allāh ay sumupil sa lakas ng mga tumangging sumampalataya. Si Allāh ay higit na matindi sa lakas at higit na matindi sa pagpaparusang ipinanghahalimbawa.
التفاسير العربية:
مَّن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةً حَسَنَةٗ يَكُن لَّهُۥ نَصِيبٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةٗ سَيِّئَةٗ يَكُن لَّهُۥ كِفۡلٞ مِّنۡهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقِيتٗا
Ang sinumang mamamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula roon. Ang sinumang mamamagitan ng isang masagwang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula roon. Laging si Allāh, sa bawat bagay, ay Tagakandili.
التفاسير العربية:
وَإِذَا حُيِّيتُم بِتَحِيَّةٖ فَحَيُّواْ بِأَحۡسَنَ مِنۡهَآ أَوۡ رُدُّوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَسِيبًا
Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati kayo ng higit na maganda kaysa roon o gantihan ninyo iyon. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay laging Tagapagtuos.
التفاسير العربية:

ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِۗ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ حَدِيثٗا
Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay talagang magtitipon nga sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan hinggil dito. Sino pa ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa pakikipag-usap?
التفاسير العربية:
۞فَمَا لَكُمۡ فِي ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِئَتَيۡنِ وَٱللَّهُ أَرۡكَسَهُم بِمَا كَسَبُوٓاْۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَهۡدُواْ مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا
Kaya ano ang mayroon kayo hinggil sa mga nagpapanggap na sumasampalataya para maging dalawang pangkat, gayong si Allāh ay nagpanumbalik na sa kanila [sa kawalang-pananampalataya] dahil sa nakamit nila? Ninanais ba ninyong patnubayan ang pinaligaw ni Allāh? Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas.
التفاسير العربية:
وَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ كَمَا كَفَرُواْ فَتَكُونُونَ سَوَآءٗۖ فَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ أَوۡلِيَآءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡۖ وَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرًا
Minithi nilang sana ay tumanggi kayong sumampalataya gaya ng pagtanggi nilang sumampalataya upang kayo ay maging magkatulad. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik hanggang sa lumilikas sila tungo sa landas ni Allāh. Kaya kung tumalikod sila ay kunin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan, at huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik ni isang tagaadya.
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٌ أَوۡ جَآءُوكُمۡ حَصِرَتۡ صُدُورُهُمۡ أَن يُقَٰتِلُوكُمۡ أَوۡ يُقَٰتِلُواْ قَوۡمَهُمۡۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَسَلَّطَهُمۡ عَلَيۡكُمۡ فَلَقَٰتَلُوكُمۡۚ فَإِنِ ٱعۡتَزَلُوكُمۡ فَلَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ وَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ فَمَا جَعَلَ ٱللَّهُ لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سَبِيلٗا
Maliban sa mga umaabot sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, o sa mga pumunta sa inyo habang nanikip ang mga dibdib nila na makipaglaban sila sa inyo o makipaglaban sila sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talagang pinanaig Niya sana sila sa inyo at kinalaban nila sana kayo. Kaya kung lumayo sila sa inyo na hindi sila nakipaglaban sa inyo at nag-alok sa inyo ng kapayapaan, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan.
التفاسير العربية:
سَتَجِدُونَ ءَاخَرِينَ يُرِيدُونَ أَن يَأۡمَنُوكُمۡ وَيَأۡمَنُواْ قَوۡمَهُمۡ كُلَّ مَا رُدُّوٓاْ إِلَى ٱلۡفِتۡنَةِ أُرۡكِسُواْ فِيهَاۚ فَإِن لَّمۡ يَعۡتَزِلُوكُمۡ وَيُلۡقُوٓاْ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَمَ وَيَكُفُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡۚ وَأُوْلَـٰٓئِكُمۡ جَعَلۡنَا لَكُمۡ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا
Makatatagpo kayo ng mga ibang nagnanais na magpatiwasay sa inyo at magpatiwasay sa mga kalipi nila. Sa tuwing ibinabalik sila sa ligalig ay napanunumbalik sila roon. Kaya kung hindi sila humiwalay sa inyo ni nag-aalok sa inyo ng kapayapaan ni sumupil sa mga kamay nila laban sa inyo ay kunin ninyo sila at patayin ninyo sila saanman ninyo sila masumpungan. Ang mga ito, gumawa Kami para sa inyo laban sa kanila ng isang malinaw na patunay.
التفاسير العربية:

وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٍ أَن يَقۡتُلَ مُؤۡمِنًا إِلَّا خَطَـٔٗاۚ وَمَن قَتَلَ مُؤۡمِنًا خَطَـٔٗا فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖ وَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَصَّدَّقُواْۚ فَإِن كَانَ مِن قَوۡمٍ عَدُوّٖ لَّكُمۡ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ وَإِن كَانَ مِن قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞ فَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ وَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ تَوۡبَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang pambayad-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang pambayad-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang pambayad-sala ay] pagbabayad-pinsalang iaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo, [ang pambayad-sala ay] pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَمَن يَقۡتُلۡ مُؤۡمِنٗا مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآؤُهُۥ جَهَنَّمُ خَٰلِدٗا فِيهَا وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَلَعَنَهُۥ وَأَعَدَّ لَهُۥ عَذَابًا عَظِيمٗا
Ang sinumang papatay sa isang mánanampalatayâ nang sinasadya, ang ganti sa kanya ay Impiyerno bilang isang mananatili roon. Magagalit si Allāh rito, susumpain Niya ito, at maghahanda Siya para rito ng isang mabigat na pagdurusa.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَتَبَيَّنُواْ وَلَا تَقُولُواْ لِمَنۡ أَلۡقَىٰٓ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَٰمَ لَسۡتَ مُؤۡمِنٗا تَبۡتَغُونَ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٞۚ كَذَٰلِكَ كُنتُم مِّن قَبۡلُ فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَتَبَيَّنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
O mga sumampalataya, kapag naglalakbay kayo sa landas ni Allāh ay magpakalinaw kayo at huwag kayong magsabi sa kaninumang nagbibigay sa inyo ng pagbabati: "Hindi ka isang mananampalataya," habang naghahangad kayo ng panandaliang mapapala sa makamundong buhay gayong nasa kay Allāh ay maraming mahihita. Gayun kayo dati noon ngunit nagmabuting-loob si Allāh sa inyo, kaya magpakalinaw kayo. Tunay na si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay laging Nakababatid.
التفاسير العربية:

لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡقَٰعِدُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ غَيۡرُ أُوْلِي ٱلضَّرَرِ وَٱلۡمُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۚ فَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ دَرَجَةٗۚ وَكُلّٗا وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَفَضَّلَ ٱللَّهُ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ عَلَى ٱلۡقَٰعِدِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Hindi nagkakapantay ang mga nagpapaiwan kabilang sa mga mananampalatayang walang mga taglay na kapansanan at ang mga nakikibaka sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Itinangi ni Allāh ang mga nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga nagpapaiwan ayon sa antas. Bawat isa ay pinangakuan ni Allāh ng Pinakamaganda. Itinangi ni Allāh ang mga nakikibaka kaysa sa mga nakaupo ayon sa mabigat na gantimpala:
التفاسير العربية:
دَرَجَٰتٖ مِّنۡهُ وَمَغۡفِرَةٗ وَرَحۡمَةٗۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا
mga antas mula sa Kanya, kapatawaran, at awa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡ قَالُواْ فِيمَ كُنتُمۡۖ قَالُواْ كُنَّا مُسۡتَضۡعَفِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ قَالُوٓاْ أَلَمۡ تَكُنۡ أَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٗ فَتُهَاجِرُواْ فِيهَاۚ فَأُوْلَـٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا
Tunay na ang mga kinuha ng mga anghel habang mga lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila ay magsasabi [ang mga anghel]: "Nasa ano kayo noon?" Magsasabi sila: "Kami noon ay mga sinisiil sa lupa." Magsasabi sila: "Ang lupa ba ni Allāh ay hindi malawak upang lumikas kayo roon?" Kaya ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno – kay sagwang kahahantungan –
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلرِّجَالِ وَٱلنِّسَآءِ وَٱلۡوِلۡدَٰنِ لَا يَسۡتَطِيعُونَ حِيلَةٗ وَلَا يَهۡتَدُونَ سَبِيلٗا
maliban sa mga sinisiil kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata, na hindi nakakakaya ng isang kaparaanan at hindi napapatnubayan sa landas
التفاسير العربية:
فَأُوْلَـٰٓئِكَ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَعۡفُوَ عَنۡهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَفُوًّا غَفُورٗا
sapagkat ang mga iyon, harinawa si Allāh ay magpapaumanhin sa kanila. Laging si Allāh ay Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
التفاسير العربية:
۞وَمَن يُهَاجِرۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يَجِدۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُرَٰغَمٗا كَثِيرٗا وَسَعَةٗۚ وَمَن يَخۡرُجۡ مِنۢ بَيۡتِهِۦ مُهَاجِرًا إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ يُدۡرِكۡهُ ٱلۡمَوۡتُ فَقَدۡ وَقَعَ أَجۡرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang sinumang lilikas sa landas ni Allāh ay makatatagpo siya sa lupa ng maraming malilipatan at kasaganaan. Ang sinumang lalabas mula sa bahay niya nang lumilikas tungo kay Allāh at sa Sugo Nito, pagkatapos aabutan siya ng kamatayan, ay napagtibay na ang kabayaran sa kanya kay Allāh. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
وَإِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَقۡصُرُواْ مِنَ ٱلصَّلَوٰةِ إِنۡ خِفۡتُمۡ أَن يَفۡتِنَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْۚ إِنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ كَانُواْ لَكُمۡ عَدُوّٗا مُّبِينٗا
Kapag naglakbay kayo sa lupa ay hindi sa inyo maisisi na magpaikli kayo ng dasal kung nangamba kayo na ligaligin kayo ng mga tumangging sumampalataya. Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya laging para sa inyo ay malinaw na kaaway.
التفاسير العربية:

وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ وَلۡيَأۡخُذُوٓاْ أَسۡلِحَتَهُمۡۖ فَإِذَا سَجَدُواْ فَلۡيَكُونُواْ مِن وَرَآئِكُمۡ وَلۡتَأۡتِ طَآئِفَةٌ أُخۡرَىٰ لَمۡ يُصَلُّواْ فَلۡيُصَلُّواْ مَعَكَ وَلۡيَأۡخُذُواْ حِذۡرَهُمۡ وَأَسۡلِحَتَهُمۡۗ وَدَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ تَغۡفُلُونَ عَنۡ أَسۡلِحَتِكُمۡ وَأَمۡتِعَتِكُمۡ فَيَمِيلُونَ عَلَيۡكُم مَّيۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن كَانَ بِكُمۡ أَذٗى مِّن مَّطَرٍ أَوۡ كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَن تَضَعُوٓاْ أَسۡلِحَتَكُمۡۖ وَخُذُواْ حِذۡرَكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Kapag ikaw ay nasa kanila at namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkat kabilang sa kanila kasama mo at dalhin nila ang mga sandata nila. Kapag nagpatirapa na sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, at pumunta ang iba pang pangkat na hindi nakapagdasal, magdasal sila kasama mo, at dalhin nila ang pag-iingat nila at ang mga sandata nila. Nagmithi ang mga tumangging sumampalataya na kung sana malilingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo at sasalakayin nila kayo nang iisang pagsalakay. Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na ilapag ninyo ang mga sandata ninyo ngunit dalhin ninyo ang pag-iingat ninyo. Tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tumatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manlalait.
التفاسير العربية:
فَإِذَا قَضَيۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمۡۚ فَإِذَا ٱطۡمَأۡنَنتُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا
Kapag natapos ninyo ang pagdarasal ay banggitin ninyo si Allāh nang nakatayo, o nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kapag napanatag kayo ay panatiliin ninyo ang pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, para sa mga mananampalataya, ay laging isang tungkuling tinakdaan ng panahon.
التفاسير العربية:
وَلَا تَهِنُواْ فِي ٱبۡتِغَآءِ ٱلۡقَوۡمِۖ إِن تَكُونُواْ تَأۡلَمُونَ فَإِنَّهُمۡ يَأۡلَمُونَ كَمَا تَأۡلَمُونَۖ وَتَرۡجُونَ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا يَرۡجُونَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Huwag kayong panghinaan sa pagtugis sa mga tao [na kaaway na]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong kayo ay nasasaktan, Naasahan ninyo mula kay Allāh ang hindi nila naasahan. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِتَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِمَآ أَرَىٰكَ ٱللَّهُۚ وَلَا تَكُن لِّلۡخَآئِنِينَ خَصِيمٗا
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo ng Aklat kalakip ang katotohanan upang makahatol ka sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng ipinakita sa iyo ni Allāh. Huwag ka, para sa mga nagtataksil, maging isang tagapagsanggalang.
التفاسير العربية:

وَٱسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Humingi ka ng tawad kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
وَلَا تُجَٰدِلۡ عَنِ ٱلَّذِينَ يَخۡتَانُونَ أَنفُسَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ خَوَّانًا أَثِيمٗا
Huwag kang makipagtalo para sa mga nagtataksil sa mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang mapagtaksil na makasalanan.
التفاسير العربية:
يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱلنَّاسِ وَلَا يَسۡتَخۡفُونَ مِنَ ٱللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمۡ إِذۡ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرۡضَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطًا
Nakapagtatago sila mula sa mga tao ngunit hindi sila nakapagtatago mula kay Allāh at Siya ay kasama nila noong nagpapanukala sila sa magdamag ng anumang hindi Niya kinalulugdan na pananalita. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Nakasasaklaw.
التفاسير العربية:
هَـٰٓأَنتُمۡ هَـٰٓؤُلَآءِ جَٰدَلۡتُمۡ عَنۡهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَمَن يُجَٰدِلُ ٱللَّهَ عَنۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَم مَّن يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ وَكِيلٗا
Kayo itong nakipagtalo para sa kanila sa buhay na makamundo, ngunit sino ang makikipagtalo kay Allāh para sa kanila sa Araw ng Pagbangon, o sino ang para sa kanila ay magiging isang pinananaligan?
التفاسير العربية:
وَمَن يَعۡمَلۡ سُوٓءًا أَوۡ يَظۡلِمۡ نَفۡسَهُۥ ثُمَّ يَسۡتَغۡفِرِ ٱللَّهَ يَجِدِ ٱللَّهَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan o lumalabag sa katarungan sa sarili niya, pagkatapos ay humihingi ng kapatawaran kay Allāh, matatagpuan niyang si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
وَمَن يَكۡسِبۡ إِثۡمٗا فَإِنَّمَا يَكۡسِبُهُۥ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang kasalanan ay nagkakamit lamang siya nito laban sa sarili niya. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَمَن يَكۡسِبۡ خَطِيٓـَٔةً أَوۡ إِثۡمٗا ثُمَّ يَرۡمِ بِهِۦ بَرِيٓـٔٗا فَقَدِ ٱحۡتَمَلَ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Ang sinumang nagkakamit ng isang pagkakamali o isang kasalanan, pagkatapos ay ibinato niya ito sa isang inosente, pumasan nga siya ng isang kabulaanan at isang kasalanang malinaw.
التفاسير العربية:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ وَرَحۡمَتُهُۥ لَهَمَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ أَن يُضِلُّوكَ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡۖ وَمَا يَضُرُّونَكَ مِن شَيۡءٖۚ وَأَنزَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَكَ مَا لَمۡ تَكُن تَعۡلَمُۚ وَكَانَ فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكَ عَظِيمٗا
Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa iyo at sa awa Niya, talagang nilayon sana ng isang pangkat kabilang sa kanila na iligaw ka nila ngunit wala silang inililigaw kundi ang mga sarili nila at wala silang napipinsala sa iyo na anuman. Ibinaba ni Allāh sa iyo ang Aklat at ang Karunungan at itinuro Niya sa iyo ang hindi mo noon nalalaman. Laging ang kagandahang-loob ni Allāh sa iyo ay sukdulan.
التفاسير العربية:

۞لَّا خَيۡرَ فِي كَثِيرٖ مِّن نَّجۡوَىٰهُمۡ إِلَّا مَنۡ أَمَرَ بِصَدَقَةٍ أَوۡ مَعۡرُوفٍ أَوۡ إِصۡلَٰحِۭ بَيۡنَ ٱلنَّاسِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا
Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng kawanggawa o nakabubuti o pagpapakasundo sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad ng lugod ni Allāh ay bibigyan siya ng kabayarang mabigat.
التفاسير العربية:
وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا
Ang sinumang nakikipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanya ang patnubay at sumusunod sa iba pa sa landas ng mga mananampalataya, itutuon Namin siya sa tinuunan niya at ipapasok Namin siya sa Impiyerno – kay sagwang kahahantungan!
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya ngunit nagpapatawad Siya sa anumang mababa roon sa kaninumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay naligaw nga ng isang pagkaligaw na malayo.
التفاسير العربية:
إِن يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ إِنَٰثٗا وَإِن يَدۡعُونَ إِلَّا شَيۡطَٰنٗا مَّرِيدٗا
Wala silang dinadalangin bukod pa sa Kanya kundi mga babae [na diyus-diyusan] at wala silang dinadalanginan kundi isang demonyong mapaghimagsik,
التفاسير العربية:
لَّعَنَهُ ٱللَّهُۘ وَقَالَ لَأَتَّخِذَنَّ مِنۡ عِبَادِكَ نَصِيبٗا مَّفۡرُوضٗا
na isinumpa ni Allāh at nagsabi ito: "Talagang kukuha nga ako mula sa mga lingkod Mo ng isang bahaging itinakda,
التفاسير العربية:
وَلَأُضِلَّنَّهُمۡ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمۡ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُبَتِّكُنَّ ءَاذَانَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ وَلَأٓمُرَنَّهُمۡ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلۡقَ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَّخِذِ ٱلشَّيۡطَٰنَ وَلِيّٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِ فَقَدۡ خَسِرَ خُسۡرَانٗا مُّبِينٗا
talagang magliligaw nga ako sa kanila, talagang magpapamithi nga ako ng kabulaanan sa kanila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya magpuputol nga sila ng mga tainga ng mga hayupan, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya magpapalit nga sila sa pagkakalikha ni Allāh." Ang sinumang gumawa sa demonyo bilang isang katangkilik bukod pa kay Allāh ay nalugi nga siya nang isang pagkaluging malinaw.
التفاسير العربية:
يَعِدُهُمۡ وَيُمَنِّيهِمۡۖ وَمَا يَعِدُهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ إِلَّا غُرُورًا
Nangangako siya sa kanila at nagpapamithi siya ng kabulaanan sa kanila. Walang ipinangangako sa kanila ang demonyo kundi kahibangan
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُ وَلَا يَجِدُونَ عَنۡهَا مَحِيصٗا
Ang mga iyon, ang kanlungan nila ay Impiyerno at wala silang matatagpuan palayo roon na isang matatakasan.
التفاسير العربية:

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ سَنُدۡخِلُهُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ قِيلٗا
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ay papapasukin Namin sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito magpakailanman bilang pangako ni Allāh na isang katotohanan. Sino kaya ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa sinasabi?
التفاسير العربية:
لَّيۡسَ بِأَمَانِيِّكُمۡ وَلَآ أَمَانِيِّ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِۗ مَن يَعۡمَلۡ سُوٓءٗا يُجۡزَ بِهِۦ وَلَا يَجِدۡ لَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Ito ay hindi mga mithiin ninyo at hindi mga mithiin ng mga May Kasulatan. Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan ay gagantihan siya dahil dito at hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang tagaadya.
التفاسير العربية:
وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ مِن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَـٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ نَقِيرٗا
Ang sinumang gumagawa ng mga matuwid, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi gagawan ng paglabag sa katarungan ni katiting.
التفاسير العربية:
وَمَنۡ أَحۡسَنُ دِينٗا مِّمَّنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ وَٱتَّبَعَ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۗ وَٱتَّخَذَ ٱللَّهُ إِبۡرَٰهِيمَ خَلِيلٗا
Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa kanya na nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay nagmamagandang-loob at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang isang makatotoo. Ginawa ni Allāh si Abraham bilang isang matalik na kaibigan.
التفاسير العربية:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطٗا
Kay Allāh,ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa,At si Allāh, sa lahat ng bagay ay nakakasaklaw
التفاسير العربية:
وَيَسۡتَفۡتُونَكَ فِي ٱلنِّسَآءِۖ قُلِ ٱللَّهُ يُفۡتِيكُمۡ فِيهِنَّ وَمَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ فِي يَتَٰمَى ٱلنِّسَآءِ ٱلَّـٰتِي لَا تُؤۡتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرۡغَبُونَ أَن تَنكِحُوهُنَّ وَٱلۡمُسۡتَضۡعَفِينَ مِنَ ٱلۡوِلۡدَٰنِ وَأَن تَقُومُواْ لِلۡيَتَٰمَىٰ بِٱلۡقِسۡطِۚ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِهِۦ عَلِيمٗا
Nagpapatagubilin sila sa iyo hinggil sa mga babae. Sabihin mo: "Si Allāh ay nagtatagubilin sa inyo hinggil sa kanila, sa binibigkas sa inyo sa Aklat hinggil sa mga ulila sa mga babae na hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang itinakda para sa kanila at minimithi naman ninyo na mapangasawa ninyo sila, at sa mga sinisiil kabilang sa mga bata, at na magtaguyod kayo para sa mga ulila sa pagkamakatarungan." Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh ay laging Maalam dito.
التفاسير العربية:

وَإِنِ ٱمۡرَأَةٌ خَافَتۡ مِنۢ بَعۡلِهَا نُشُوزًا أَوۡ إِعۡرَاضٗا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يُصۡلِحَا بَيۡنَهُمَا صُلۡحٗاۚ وَٱلصُّلۡحُ خَيۡرٞۗ وَأُحۡضِرَتِ ٱلۡأَنفُسُ ٱلشُّحَّۚ وَإِن تُحۡسِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Kung ang isang babae ay nangamba mula sa asawa niya ng kasutilan o pag-ayaw, walang maisisisi sa kanilang dalawa na magsagawa sa pagitan nilang dalawa ng isang pagkakasundo. Ang pagkakasundo ay higit na mabuti. Nadala ang mga kaluluwa sa kasakiman. Kung nagmamagandang-loob kayo at nangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay laging nakababatid.
التفاسير العربية:
وَلَن تَسۡتَطِيعُوٓاْ أَن تَعۡدِلُواْ بَيۡنَ ٱلنِّسَآءِ وَلَوۡ حَرَصۡتُمۡۖ فَلَا تَمِيلُواْ كُلَّ ٱلۡمَيۡلِ فَتَذَرُوهَا كَٱلۡمُعَلَّقَةِۚ وَإِن تُصۡلِحُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Hindi ninyo makakayang magmakatarungan sa mga maybahay kahit pa nagsigasig kayo, kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling [sa isa] at hayaan ninyo ang iba gaya ng nakabitin [sa alanganin]. Kung magpapakatuwid kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh ay laging mapagpatawad, maawain.
التفاسير العربية:
وَإِن يَتَفَرَّقَا يُغۡنِ ٱللَّهُ كُلّٗا مِّن سَعَتِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ وَٰسِعًا حَكِيمٗا
Kung magkakahiwalay sila, magpapasapat si Allāh sa bawat [isa] mula sa lawak Niya. Laging si Allāh ay malawak, marunong.
التفاسير العربية:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ وَصَّيۡنَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَإِيَّاكُمۡ أَنِ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدٗا
Kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Talaga nga nagbilin Kami sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa kayo at sa inyo, na mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh ay walang-pangangailangan, kapuri-puri.
التفاسير العربية:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا
Kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Tungo kay Allāh ibabalik ang mga usapin.
التفاسير العربية:
إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ أَيُّهَا ٱلنَّاسُ وَيَأۡتِ بِـَٔاخَرِينَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرٗا
Kung loloobin Niya, aalisin Niya kayo, o mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa. Laging si Allāh sa gayon ay may-kakayahan.
التفاسير العربية:
مَّن كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ ثَوَابُ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا
Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo ay nasa kay Allāh ang gantimpala sa Mundo at Kabilang-buhay. Laging si Allāh ay madinigin, nakakikita.
التفاسير العربية:

۞يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّـٰمِينَ بِٱلۡقِسۡطِ شُهَدَآءَ لِلَّهِ وَلَوۡ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَوِ ٱلۡوَٰلِدَيۡنِ وَٱلۡأَقۡرَبِينَۚ إِن يَكُنۡ غَنِيًّا أَوۡ فَقِيرٗا فَٱللَّهُ أَوۡلَىٰ بِهِمَاۖ فَلَا تَتَّبِعُواْ ٱلۡهَوَىٰٓ أَن تَعۡدِلُواْۚ وَإِن تَلۡوُۥٓاْ أَوۡ تُعۡرِضُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
O mga sumampalataya, maging mga mapagtaguyod kayo ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o sa mga magulang at sa mga napakalapit na kaanak. Kung ito ay naging mayaman man o maralita, si Allāh ay higit na tumatangkilik sa kanilang dalawa. Kaya huwag ninyong sundin ang pithaya, baka lumihis kayo.sa katarungan,At kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay laging nakababatid.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِن قَبۡلُۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱللَّهِ وَمَلَـٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا
O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na pinabababa Niya sa Sugo Niya, at sa kasulatang ibinaba Niya noong una. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga nang pagkaligaw na malayo.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّمۡ يَكُنِ ٱللَّهُ لِيَغۡفِرَ لَهُمۡ وَلَا لِيَهۡدِيَهُمۡ سَبِيلَۢا
Tunay na ang mga sumampalataya, pagkatapos ay tumangging sumampalataya, pagkatapos ay sumampalataya, pagkatapos ay tumangging sumampalataya, pagkatapos ay nadagdagan ng kawalang-pananampalataya, hindi mangyayaring si Allāh ay ukol magpatawad sa kanila at hindi ukol magpatnubay sa kanila sa landas.
التفاسير العربية:
بَشِّرِ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ بِأَنَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا
Magbalita ka ng nakalulugod sa mga nagpapanggap na sumampalataya na ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يَتَّخِذُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَيَبۡتَغُونَ عِندَهُمُ ٱلۡعِزَّةَ فَإِنَّ ٱلۡعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعٗا
Ang mga gumagawa sa mga tumatangging sumampalataya bilang mga katangkilik sa halip ng mga mananampalataya ay hinahangad ba nila sa ganang mga iyon ang kapangyarihan, gayong tunay na ang kapangyarihan ay ukol kay Allāh sa kalahatan?
التفاسير العربية:
وَقَدۡ نَزَّلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أَنۡ إِذَا سَمِعۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ يُكۡفَرُ بِهَا وَيُسۡتَهۡزَأُ بِهَا فَلَا تَقۡعُدُواْ مَعَهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦٓ إِنَّكُمۡ إِذٗا مِّثۡلُهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ جَامِعُ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡكَٰفِرِينَ فِي جَهَنَّمَ جَمِيعًا
Pinababa nga Niya sa inyo sa Aklat na kapag narinig ninyo ang mga tanda ni Allāh ay tinatanggihang sampalatayanan ang mga ito at kinukutya ang mga ito, kaya huwag kayong umupong kasama nila hanggang sa tumalakay sila ng usapang iba roon. Tunay na kayo, samakatuwid, ay tulad nila. Tunay na si Allāh ay magtitipon sa mga nagpapanggap na sumampalataya at mga tumatangging sumampalataya sa Impiyerno nang sama-sama.
التفاسير العربية:

ٱلَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمۡ فَإِن كَانَ لَكُمۡ فَتۡحٞ مِّنَ ٱللَّهِ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡ وَإِن كَانَ لِلۡكَٰفِرِينَ نَصِيبٞ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَسۡتَحۡوِذۡ عَلَيۡكُمۡ وَنَمۡنَعۡكُم مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَلَن يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لِلۡكَٰفِرِينَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ سَبِيلًا
Ang mga [nagpapanggap sa pananampalataya na] nag-aantabay sa inyo, na kung nagkaroon kayo ng isang pagwagi mula kay Allāh ay magsasabi sila: "Hindi ba kami ay naging kasama ninyo?" at kung nagkaroon ang mga tumatangging sumampalataya ng isang bahagi [o tagumpay] ay magsasabi sila: "Hindi ba kami ay tumulong sa inyo at nagsanggalang sa inyo laban sa mga mananampalataya?" Si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Hindi gagawa si Allāh para sa mga tumatangging sumampalataya ng isang daan.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَهُوَ خَٰدِعُهُمۡ وَإِذَا قَامُوٓاْ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ قَامُواْ كُسَالَىٰ يُرَآءُونَ ٱلنَّاسَ وَلَا يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ إِلَّا قَلِيلٗا
Tunay na ang mga nagpapanggap na sumampalataya ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal, tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-tao sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang,
التفاسير العربية:
مُّذَبۡذَبِينَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ لَآ إِلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِ وَلَآ إِلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا
na mga umuurung-sulong sa pagitan niyon: hindi patungo sa mga ito at hindi patungo sa mga iyon. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينًا
O mga sumampalataya, huwag ninyong gawin ang mga tumatangging sumampalataya bilang mga katangkilik sa halip ng mga mananampalataya. Nanaisin ba ninyong gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang patunay na malinaw?
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِي ٱلدَّرۡكِ ٱلۡأَسۡفَلِ مِنَ ٱلنَّارِ وَلَن تَجِدَ لَهُمۡ نَصِيرًا
Tunay na ang mga nagpapanggap na sumampalataya ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy, at hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang tagaadya,
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَٱعۡتَصَمُواْ بِٱللَّهِ وَأَخۡلَصُواْ دِينَهُمۡ لِلَّهِ فَأُوْلَـٰٓئِكَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَسَوۡفَ يُؤۡتِ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا
maliban sa mga nagbalik-loob, nagpakatuwid, kumapit kay Allāh, at nagpakawagas sa pagtalima nila kay Allāh, sapagkat ang mga iyon ay kasama na ng mga mananampalataya. Bibigyan ni Allāh ang mga mananampalataya ng isang kabayarang sukdulan.
التفاسير العربية:
مَّا يَفۡعَلُ ٱللَّهُ بِعَذَابِكُمۡ إِن شَكَرۡتُمۡ وَءَامَنتُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمٗا
Ano ang gagawin ni Allāh sa pagdurusa ninyo kung nagpasalamat kayo at sumampalataya kayo? Laging si Allāh ay nagpapasalamat, maalam.
التفاسير العربية:

۞لَّا يُحِبُّ ٱللَّهُ ٱلۡجَهۡرَ بِٱلسُّوٓءِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ إِلَّا مَن ظُلِمَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا
Hindi iniibig ni Allāh ang paghahayag ng kasagwaan sa pagsasabi, maliban sa sinumang nilabag sa katarungan. Laging si Allāh ay madinigin, maalam.
التفاسير العربية:
إِن تُبۡدُواْ خَيۡرًا أَوۡ تُخۡفُوهُ أَوۡ تَعۡفُواْ عَن سُوٓءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوّٗا قَدِيرًا
Kung maglalantad kayo ng kabutihan o magkukubli kayo nito o magpapaumahin kayo ng kasagwaan, tunay na si Allāh ay laging mapagpaumanhin, may-kakayahan.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيُرِيدُونَ أَن يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ ٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيَقُولُونَ نُؤۡمِنُ بِبَعۡضٖ وَنَكۡفُرُ بِبَعۡضٖ وَيُرِيدُونَ أَن يَتَّخِذُواْ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, nagnanais na magtangi-tangi sa pagitan ni Allāh at ng mga sugo Niya, nagsasabi: "Sumasampalataya kami sa ilan at tumatanggi kaming sumampalataya sa iba pa," at nagnanais na gumawa sa pagitan niyon ng isang landas,
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ حَقّٗاۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
ang mga iyon sa katotohanan ay ang mga tumatangging sumampalataya. Naglaan Kami para sa mga tumatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manlalait.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَلَمۡ يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ أُوْلَـٰٓئِكَ سَوۡفَ يُؤۡتِيهِمۡ أُجُورَهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng mga kabayaran nila. Laging si Allāh ay mapagpatawad, maawain.
التفاسير العربية:
يَسۡـَٔلُكَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن تُنَزِّلَ عَلَيۡهِمۡ كِتَٰبٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ فَقَدۡ سَأَلُواْ مُوسَىٰٓ أَكۡبَرَ مِن ذَٰلِكَ فَقَالُوٓاْ أَرِنَا ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ بِظُلۡمِهِمۡۚ ثُمَّ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَعَفَوۡنَا عَن ذَٰلِكَۚ وَءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا
Humihiling sa iyo ang mga May Kasulatan na magpababa ka sa kanila ng isang aklat mula sa langit, ngunit humiling na sila kay Moises ng higit na malaki kaysa roon sapagkat nagsabi sila: "Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan," ngunit tumama sa kanila ang lintik dahil sa paglabag nila sa katarungan. Pagkatapos ay ginawa nila [bilang diyos] ang bulô matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay, ngunit nagpaumanhin Kami niyon. Nagbigay Kami kay Moises ng isang kapamahalaang malinaw.
التفاسير العربية:
وَرَفَعۡنَا فَوۡقَهُمُ ٱلطُّورَ بِمِيثَٰقِهِمۡ وَقُلۡنَا لَهُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُلۡنَا لَهُمۡ لَا تَعۡدُواْ فِي ٱلسَّبۡتِ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Inangat Namin sa ibabaw nila ang bundok dahil sa kasunduan sa kanila. Nagsabi Kami sa kanila: "Pasukin ninyo ang pinto na mga nakayukod." Nagsabi Kami sa kanila: "Huwag kayong lumabag sa Sabado." Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang kasunduang mahigpit.
التفاسير العربية:

فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ وَكُفۡرِهِم بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَقَتۡلِهِمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَقَوۡلِهِمۡ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَلۡ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَيۡهَا بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
[Isinumpa sila] dahil sa pagsira nila sa kasunduan nila; kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh; pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan; at pagsabi nila: "Ang mga puso namin ay binalot," bagkus nagpinid si Allāh sa mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kakaunti.
التفاسير العربية:
وَبِكُفۡرِهِمۡ وَقَوۡلِهِمۡ عَلَىٰ مَرۡيَمَ بُهۡتَٰنًا عَظِيمٗا
[Isinumpa sila] dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagsabi nila laban kay Maria ng isang paninirang-puring sukdulan
التفاسير العربية:
وَقَوۡلِهِمۡ إِنَّا قَتَلۡنَا ٱلۡمَسِيحَ عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ رَسُولَ ٱللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَٰكِن شُبِّهَ لَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُۚ مَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍ إِلَّا ٱتِّبَاعَ ٱلظَّنِّۚ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينَۢا
at pagsabi nila: "Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Hesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh." Hindi nila siya napatay at hindi nila siya naibitin sa krus subalit may inihawig sa kanya para sa kanila. Ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa isang pagdududa sa kanya. Wala silang anumang kaalaman hinggil sa kanya maliban sa pagsunod sa akala. Hindi nila siya napatay nang tiyakan.
التفاسير العربية:
بَل رَّفَعَهُ ٱللَّهُ إِلَيۡهِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
Bagkus iniangat siya ni Allāh sa Kanya. Laging si Allāh ay makapangyarihan, marunong.
التفاسير العربية:
وَإِن مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا لَيُؤۡمِنَنَّ بِهِۦ قَبۡلَ مَوۡتِهِۦۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا
Walang kabilang sa mga May Kasulatan malibang talagang sasampalataya nga sa kanya bago ng kamatayan niya. Sa Araw ng Pagbangon, at siya sa kanila ay magiging isang saksi.
التفاسير العربية:
فَبِظُلۡمٖ مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ طَيِّبَٰتٍ أُحِلَّتۡ لَهُمۡ وَبِصَدِّهِمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ كَثِيرٗا
Kaya dahil sa isang paglabag sa katarungan mula sa mga nagpakahudyo, may ipinagbawal Kami sa kanila na mga kaaya-ayang ipinahintulot Namin [dati] sa kanila, at dahil sa pagbalakid nila sa landas ni Allāh nang madalas,
التفاسير العربية:
وَأَخۡذِهِمُ ٱلرِّبَوٰاْ وَقَدۡ نُهُواْ عَنۡهُ وَأَكۡلِهِمۡ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
At pagtanggap nila ng patubo, gayong ipinagbawal na ito sa kanila, at pakikinabang nila sa mga yaman ng mga tao sa kawalang-saysay. Naglaan Kami para sa mga tumatangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang masakit na pagdurusa.
التفاسير العربية:
لَّـٰكِنِ ٱلرَّـٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ مِنۡهُمۡ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَۚ وَٱلۡمُقِيمِينَ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَٱلۡمُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أُوْلَـٰٓئِكَ سَنُؤۡتِيهِمۡ أَجۡرًا عَظِيمًا
Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang ibinaba sa iyo at anumang ibinaba bago sa iyo. Ang mga nagpapanatili sa pagdarasal, ang mga nagbibigay ng zakāh, at ang mga sumasamapalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan Namin ng isang kabayarang sukdulan.
التفاسير العربية:

۞إِنَّآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ كَمَآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ نُوحٖ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَٰرُونَ وَسُلَيۡمَٰنَۚ وَءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ زَبُورٗا
Tunay na Kami ay nagsiwalat sa iyo kung paanong Kami ay nagsiwalat kay Noe at sa mga propetang sumunod sa kanya; Kami ay nagsiwalat kina Abraham, Ismael, Isaac, at Jacob, sa mga lipi, kina Hesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon; at nagbigay kay David ng Salmo
التفاسير العربية:
وَرُسُلٗا قَدۡ قَصَصۡنَٰهُمۡ عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُ وَرُسُلٗا لَّمۡ نَقۡصُصۡهُمۡ عَلَيۡكَۚ وَكَلَّمَ ٱللَّهُ مُوسَىٰ تَكۡلِيمٗا
At may mga sugong isinalaysay na Namin sa iyo bago pa man at may mga sugong hindi Namin isinalaysay sa iyo. Kinausap ni Allāh si Moises sa isang pakikipag-usap.
التفاسير العربية:
رُّسُلٗا مُّبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى ٱللَّهِ حُجَّةُۢ بَعۡدَ ٱلرُّسُلِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
[Nagsugo ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo. Laging si Allāh ay makapangyarihan, marunong.
التفاسير العربية:
لَّـٰكِنِ ٱللَّهُ يَشۡهَدُ بِمَآ أَنزَلَ إِلَيۡكَۖ أَنزَلَهُۥ بِعِلۡمِهِۦۖ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ يَشۡهَدُونَۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدًا
Subalit si Allāh ay sumasaksi sa ibinaba sa iyo. Ibinaba Niya ito kalakip ng kaalaman Niya habang ang mga anghel ay sumasaksi. Nakasapat si Allāh bilang isang saksi.