ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: آل عمران
آية:
 

آل عمران

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُ
Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buhay, ang Mapagpanatili.
التفاسير العربية:
نَزَّلَ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَأَنزَلَ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ
Nagpababa Siya sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapatotoo para sa nauna rito, nagpababa Siya ng Torah at Ebanghelyo
التفاسير العربية:
مِن قَبۡلُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَأَنزَلَ ٱلۡفُرۡقَانَۗ إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
na noong una ay isang patnubay para sa mga tao, at nagpababa Siya ng Pamantayan. Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَخۡفَىٰ عَلَيۡهِ شَيۡءٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Tunay na si Allāh ay walang naikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِي يُصَوِّرُكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡحَامِ كَيۡفَ يَشَآءُۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Siya ay ang nagbibigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan kung papaanong niloloob Niya. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۡهُ ءَايَٰتٞ مُّحۡكَمَٰتٌ هُنَّ أُمُّ ٱلۡكِتَٰبِ وَأُخَرُ مُتَشَٰبِهَٰتٞۖ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمۡ زَيۡغٞ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَٰبَهَ مِنۡهُ ٱبۡتِغَآءَ ٱلۡفِتۡنَةِ وَٱبۡتِغَآءَ تَأۡوِيلِهِۦۖ وَمَا يَعۡلَمُ تَأۡوِيلَهُۥٓ إِلَّا ٱللَّهُۗ وَٱلرَّـٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ يَقُولُونَ ءَامَنَّا بِهِۦ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ رَبِّنَاۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; bahagi nito ay mga talatang tahas – ang mga ito ay ang batayan ng Aklat – at mga ibang talinghaga. Tungkol sa yaong sa mga puso nila ay may paglihis, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagpapakahulugan dito. Walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.
التفاسير العربية:
رَبَّنَا لَا تُزِغۡ قُلُوبَنَا بَعۡدَ إِذۡ هَدَيۡتَنَا وَهَبۡ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةًۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡوَهَّابُ
"Panginoon namin, huwag Kang magpalisya sa mga puso namin matapos noong nagpatnubay Ka sa amin at magkaloob Ka sa amin ng awa mula sa panig Mo; tunay na Ikaw ay ang Mapagkaloob.
التفاسير العربية:
رَبَّنَآ إِنَّكَ جَامِعُ ٱلنَّاسِ لِيَوۡمٖ لَّا رَيۡبَ فِيهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay ang Tagatipon sa mga tao sa isang araw na hindi mapag-aalinlanganan." Tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa naipangako.
التفاسير العربية:

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمۡ وَقُودُ ٱلنَّارِ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay hindi magpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga panggatong sa Apoy.
التفاسير العربية:
كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga kabilang sa nauna sa kanila, nagpasinungaling sila sa mga tanda kaya dinaklot sila ni Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Si Allāh ay matindi ang pagpaparusa.
التفاسير العربية:
قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ سَتُغۡلَبُونَ وَتُحۡشَرُونَ إِلَىٰ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya: "Gagapihin kayo at kakalapin kayo papunta sa Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!"
التفاسير العربية:
قَدۡ كَانَ لَكُمۡ ءَايَةٞ فِي فِئَتَيۡنِ ٱلۡتَقَتَاۖ فِئَةٞ تُقَٰتِلُ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَأُخۡرَىٰ كَافِرَةٞ يَرَوۡنَهُم مِّثۡلَيۡهِمۡ رَأۡيَ ٱلۡعَيۡنِۚ وَٱللَّهُ يُؤَيِّدُ بِنَصۡرِهِۦ مَن يَشَآءُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ
Nagkaroon nga kayo ng isang tanda sa dalawang pangkat na nagkita: may isang pangkat na nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at may isa pang tagatangging sumampalataya. Nakakikita sila sa mga iyon na dalawang tulad nila ayon sa pagkakita ng mata. Si Allāh ay nag-aalalay sa pamamagitan ng pag-aadya Niya sa sinumang niloloob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin.
التفاسير العربية:
زُيِّنَ لِلنَّاسِ حُبُّ ٱلشَّهَوَٰتِ مِنَ ٱلنِّسَآءِ وَٱلۡبَنِينَ وَٱلۡقَنَٰطِيرِ ٱلۡمُقَنطَرَةِ مِنَ ٱلذَّهَبِ وَٱلۡفِضَّةِ وَٱلۡخَيۡلِ ٱلۡمُسَوَّمَةِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ وَٱلۡحَرۡثِۗ ذَٰلِكَ مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلۡمَـَٔابِ
Ipinaakit para sa mga tao ang pagkaibig sa mga ninanasa gaya ng mga babae, mga anak, bunton-bunton na nakabuntong ginto at pilak, mga kabayong tinatakan, mga hayupan, at sakahan. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo samantalang si Allāh ay taglay Niya ang magandang uwian.
التفاسير العربية:
۞قُلۡ أَؤُنَبِّئُكُم بِخَيۡرٖ مِّن ذَٰلِكُمۡۖ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّـٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَأَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞ وَرِضۡوَٰنٞ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Sabihin mo: "Magbabalita ba ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa roon? Ukol sa mga nangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ay mga harding dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, mga asawang dinalisay, at isang pagkalugod mula kay Allāh. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod."
التفاسير العربية:

ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَآ إِنَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
Ang mga nagsasabi: "Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at mangalaga Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy."
التفاسير العربية:
ٱلصَّـٰبِرِينَ وَٱلصَّـٰدِقِينَ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡمُنفِقِينَ وَٱلۡمُسۡتَغۡفِرِينَ بِٱلۡأَسۡحَارِ
[Sila] ang mga matiisin, ang mga tapat, ang mga masunurin, ang mga gumugugol, at ang mga humihingi ng tawad sa mga huling bahagi ng gabi.
التفاسير العربية:
شَهِدَ ٱللَّهُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَأُوْلُواْ ٱلۡعِلۡمِ قَآئِمَۢا بِٱلۡقِسۡطِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ وَمَا ٱخۡتَلَفَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām. Hindi nagkaiba-iba ang mga binigyan ng kasulatan kundi noong matapos dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
التفاسير العربية:
فَإِنۡ حَآجُّوكَ فَقُلۡ أَسۡلَمۡتُ وَجۡهِيَ لِلَّهِ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِۗ وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡأُمِّيِّـۧنَ ءَأَسۡلَمۡتُمۡۚ فَإِنۡ أَسۡلَمُواْ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Kaya kung nangatwiran sila sa iyo ay sabihin mo: "Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin." Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato: "Nagpasakop ba kayo?" Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَيَقۡتُلُونَ ٱلَّذِينَ يَأۡمُرُونَ بِٱلۡقِسۡطِ مِنَ ٱلنَّاسِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan, at pumapatay sa mga nag-uutos sa pagkamakatarungan kabilang sa mga tao ay magbalita ka sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Ang mga iyon ay ang mga nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya.
التفاسير العربية:

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ كِتَٰبِ ٱللَّهِ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ وَهُم مُّعۡرِضُونَ
Hindi ka ba nakakita sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Inanyayahan sila sa Kasulatan ni Allāh upang humatol Siya sa pagitan nila, pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila habang sila ay mga umaayaw.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖۖ وَغَرَّهُمۡ فِي دِينِهِم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Iyon ay dahil sila ay nagsabi: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na nabibilang." Luminlang sa kanila sa relihiyon nila ang dati nilang ginagawa-gawa.
التفاسير العربية:
فَكَيۡفَ إِذَا جَمَعۡنَٰهُمۡ لِيَوۡمٖ لَّا رَيۡبَ فِيهِ وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Kaya papaano kapag nagtipon Kami sa kanila para sa Araw na walang pag-aalinlangan hinggil doon, at tinumbasan ang lahat ng kaluluwa sa anumang nakamit nito habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan?
التفاسير العربية:
قُلِ ٱللَّهُمَّ مَٰلِكَ ٱلۡمُلۡكِ تُؤۡتِي ٱلۡمُلۡكَ مَن تَشَآءُ وَتَنزِعُ ٱلۡمُلۡكَ مِمَّن تَشَآءُ وَتُعِزُّ مَن تَشَآءُ وَتُذِلُّ مَن تَشَآءُۖ بِيَدِكَ ٱلۡخَيۡرُۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Sabihin mo: "O Allāh, Tagapagmay-ari ng paghahari, nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo, nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinumang niloloob Mo, nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo, at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Nasa kamay Mo ang kabutihan. Tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.
التفاسير العربية:
تُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَتُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۖ وَتُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَتُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّۖ وَتَرۡزُقُ مَن تَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Nagpapalagos Ka ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Ka ng maghapon sa gabi. Nagpapalabas Ka ng buhay mula sa patay at nagpapalabas Ka ng patay mula sa buhay. Nagtutustos Ka sa sinumang niloloob Mo nang walang pagtutuos."
التفاسير العربية:
لَّا يَتَّخِذِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَلَيۡسَ مِنَ ٱللَّهِ فِي شَيۡءٍ إِلَّآ أَن تَتَّقُواْ مِنۡهُمۡ تُقَىٰةٗۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ
Huwag gumawa ang mga mananampalataya sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay hindi siya kaugnay kay Allāh sa anuman, maliban na mangilag kayo sa kanila sa isang pinangingilagan. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya. Tungo kay Allāh ang kahahantungan.
التفاسير العربية:
قُلۡ إِن تُخۡفُواْ مَا فِي صُدُورِكُمۡ أَوۡ تُبۡدُوهُ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Sabihin mo: "Kung magkukubli kayo ng anumang nasa mga dibdib ninyo o maglalantad kayo niyon, makaaalam niyon si Allāh. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
التفاسير العربية:

يَوۡمَ تَجِدُ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ مِنۡ خَيۡرٖ مُّحۡضَرٗا وَمَا عَمِلَتۡ مِن سُوٓءٖ تَوَدُّ لَوۡ أَنَّ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَهُۥٓ أَمَدَۢا بَعِيدٗاۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَٱللَّهُ رَءُوفُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Sa Araw na makatatagpo ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa niya na kabutihan na padadaluhin at anumang ginawa niya na kasagwaan, magmimithi siya na kung sana sa pagitan niya at niyon ay may isang agwat na malayo. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya. Si Allāh ay Mahabagin sa mga lingkod."
التفاسير العربية:
قُلۡ إِن كُنتُمۡ تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحۡبِبۡكُمُ ٱللَّهُ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Sabihin mo: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."
التفاسير العربية:
قُلۡ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَۖ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Sabihin mo: "Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo," ngunit kung tumalikod sila, tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
۞إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰٓ ءَادَمَ وَنُوحٗا وَءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ وَءَالَ عِمۡرَٰنَ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang -
التفاسير العربية:
ذُرِّيَّةَۢ بَعۡضُهَا مِنۢ بَعۡضٖۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
mga supling na ang ilan sa kanila ay mula sa ilan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ عِمۡرَٰنَ رَبِّ إِنِّي نَذَرۡتُ لَكَ مَا فِي بَطۡنِي مُحَرَّرٗا فَتَقَبَّلۡ مِنِّيٓۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
[Banggitin] noong nagsabi ang maybahay ni `Imrān: "Panginoon ko, tunay na ako ay nagpanata para sa Iyo ng nasa sinapupunan ko bilang nakalaan, kaya tanggapin Mo mula sa akin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam."
التفاسير العربية:
فَلَمَّا وَضَعَتۡهَا قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي وَضَعۡتُهَآ أُنثَىٰ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا وَضَعَتۡ وَلَيۡسَ ٱلذَّكَرُ كَٱلۡأُنثَىٰۖ وَإِنِّي سَمَّيۡتُهَا مَرۡيَمَ وَإِنِّيٓ أُعِيذُهَا بِكَ وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ
Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na nakaaalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at mga supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa."
التفاسير العربية:
فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٖ وَأَنۢبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنٗا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّاۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيۡهَا زَكَرِيَّا ٱلۡمِحۡرَابَ وَجَدَ عِندَهَا رِزۡقٗاۖ قَالَ يَٰمَرۡيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَاۖ قَالَتۡ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٍ
Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinataguyod Niya ito kay Zacaria. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacaria sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos. Nagsabi Siya: "O Maria, paanong mayroon ka nito?" Nagsabi ito: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos."
التفاسير العربية:

هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُۥۖ قَالَ رَبِّ هَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةٗ طَيِّبَةًۖ إِنَّكَ سَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ
Doon dumalangin si Zacaria sa Panginoon niya. Nagsabi siya: "Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang supling na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin."
التفاسير العربية:
فَنَادَتۡهُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَهُوَ قَآئِمٞ يُصَلِّي فِي ٱلۡمِحۡرَابِ أَنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحۡيَىٰ مُصَدِّقَۢا بِكَلِمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَسَيِّدٗا وَحَصُورٗا وَنَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: "Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos."
التفاسير العربية:
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَقَدۡ بَلَغَنِيَ ٱلۡكِبَرُ وَٱمۡرَأَتِي عَاقِرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكَ ٱللَّهُ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang umabot na sa akin ang katandaan at ang maybahay ko naman ay baog?" Nagsabi Siya: "Gayon si Allāh, gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya."
التفاسير العربية:
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمۡزٗاۗ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ كَثِيرٗا وَسَبِّحۡ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, gumawa Ka para sa akin ng isang tanda." Nagsabi Siya: "Ang tanda mo ay na hindi ka makipag-usap sa mga tao nang tatlong araw malibang sa senyas. Mag-alaala ka sa Panginoon mo nang madalas at magluwalhati sa hapon at umaga."
التفاسير العربية:
وَإِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰكِ وَطَهَّرَكِ وَٱصۡطَفَىٰكِ عَلَىٰ نِسَآءِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: "O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang.
التفاسير العربية:
يَٰمَرۡيَمُ ٱقۡنُتِي لِرَبِّكِ وَٱسۡجُدِي وَٱرۡكَعِي مَعَ ٱلرَّـٰكِعِينَ
O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۚ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يُلۡقُونَ أَقۡلَٰمَهُمۡ أَيُّهُمۡ يَكۡفُلُ مَرۡيَمَ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Iyon ay kabilang sa mga balita ng Lingid; nagkakasi Kami nito sa iyo. Wala ka noon sa piling nila noong nagpapalabunutan sila sa mga panulat nila kung alin sa kanila ang mag-aaruga kay Maria at wala ka noon sa piling nila noong nag-aalitan sila.
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَتِ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ يَٰمَرۡيَمُ إِنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٖ مِّنۡهُ ٱسۡمُهُ ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ وَجِيهٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh].
التفاسير العربية:

وَيُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗا وَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Magsasalita siya sa mga tao habang nasa duyan pa at nasa kasapatang-gulang na, at [magiging] kabilang sa mga maayos."
التفاسير العربية:
قَالَتۡ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي وَلَدٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞۖ قَالَ كَذَٰلِكِ ٱللَّهُ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Nagsabi siya: "O Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakasaling sa akin na isang lalaki?" Nagsabi ito: "Gayon si Allāh, lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari at mangyayari.
التفاسير العربية:
وَيُعَلِّمُهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ
Magtuturo Siya rito ng Kasulatan, karunungan, Torah, at Ebanghelyo.
التفاسير العربية:
وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ أَنِّي قَدۡ جِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ أَنِّيٓ أَخۡلُقُ لَكُم مِّنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ فَأَنفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ وَأُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۖ وَأُنَبِّئُكُم بِمَا تَأۡكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
[Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: 'Na ako ay nagdala nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda ukol sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَمُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَلِأُحِلَّ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي حُرِّمَ عَلَيۡكُمۡۚ وَجِئۡتُكُم بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
[Dumating ako] bilang tagapatotoo sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Nagdala ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid.'"
التفاسير العربية:
۞فَلَمَّآ أَحَسَّ عِيسَىٰ مِنۡهُمُ ٱلۡكُفۡرَ قَالَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ
Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Sino ang mga tagaadya ko tungo kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, at sumaksi ka na kami ay mga tagapasakop [kay Allāh].
التفاسير العربية:

رَبَّنَآ ءَامَنَّا بِمَآ أَنزَلۡتَ وَٱتَّبَعۡنَا ٱلرَّسُولَ فَٱكۡتُبۡنَا مَعَ ٱلشَّـٰهِدِينَ
Panginoon namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo at sumunod kami sa sugo kaya isulat Mo kami kasama sa mga tagasaksi."
التفاسير العربية:
وَمَكَرُواْ وَمَكَرَ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ
Nanlansi sila at nanlansi si Allāh, ngunit Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagalansi.
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَىٰٓ إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَجَاعِلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوكَ فَوۡقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
[Banggitin] noong nagsabi si Allāh: "O Jesus, tunay na Ako ay hahango sa iyo, mag-aangat sa iyo tungo sa Akin, magdadalisay sa iyo laban sa mga tumangging sumampalataya, at gagawa sa mga sumunod sa iyo na higit sa mga tumangging sumampalataya hanggang sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos ay sa Akin ang panunumbalikan ninyo, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَأُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Ngunit tungkol sa mga tumangging sumampalataya, pagdurusahin Ko sila ng isang pagdurusang matindi sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya."
التفاسير العربية:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, lulubusin Niya sa kanila ang mga pabuya sa kanila. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ نَتۡلُوهُ عَلَيۡكَ مِنَ ٱلۡأٓيَٰتِ وَٱلذِّكۡرِ ٱلۡحَكِيمِ
Iyon ay binibigkas Namin sa iyo mula sa mga tanda at mga paalaalang marunong.
التفاسير العربية:
إِنَّ مَثَلَ عِيسَىٰ عِندَ ٱللَّهِ كَمَثَلِ ءَادَمَۖ خَلَقَهُۥ مِن تُرَابٖ ثُمَّ قَالَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos ay nagsabi Siya rito: "Mangyari," at nangyari ito.
التفاسير العربية:
ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ
Ang katotohanan ay mula sa Panginoon mo kaya huwag kang maging kabilang sa mga nag-aalangan.
التفاسير العربية:
فَمَنۡ حَآجَّكَ فِيهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ فَقُلۡ تَعَالَوۡاْ نَدۡعُ أَبۡنَآءَنَا وَأَبۡنَآءَكُمۡ وَنِسَآءَنَا وَنِسَآءَكُمۡ وَأَنفُسَنَا وَأَنفُسَكُمۡ ثُمَّ نَبۡتَهِلۡ فَنَجۡعَل لَّعۡنَتَ ٱللَّهِ عَلَى ٱلۡكَٰذِبِينَ
Kaya ang sinumang nangatwiran sa iyo hinggil sa kanya mula ng matapos na may dumating sa iyo na kaalaman ay magsabi ka: "Halikayo, tumawag tayo sa mga anak namin at mga anak ninyo, mga kababaihan namin at mga kababaihan ninyo, at mga sarili namin at mga sarili ninyo. Pagkatapos ay magsumamo tayo at maglagay tayo ng sumpa ni Allāh sa mga sinungaling."
التفاسير العربية:

إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡقَصَصُ ٱلۡحَقُّۚ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Tunay na ito ay talagang ang kasaysayang totoo. Walang anumang diyos kundi si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ
Kaya kung tumalikod sila, tunay na si Allāh ay Maalam sa mga tagapagtiwali.
التفاسير العربية:
قُلۡ يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ كَلِمَةٖ سَوَآءِۭ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ أَلَّا نَعۡبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشۡرِكَ بِهِۦ شَيۡـٔٗا وَلَا يَتَّخِذَ بَعۡضُنَا بَعۡضًا أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُولُواْ ٱشۡهَدُواْ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ
Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تُحَآجُّونَ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمَآ أُنزِلَتِ ٱلتَّوۡرَىٰةُ وَٱلۡإِنجِيلُ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham samantalang hindi pinababa ang Torah at ang Ebanghelyo malibang noong matapos niya? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
التفاسير العربية:
هَـٰٓأَنتُمۡ هَـٰٓؤُلَآءِ حَٰجَجۡتُمۡ فِيمَا لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ فَلِمَ تُحَآجُّونَ فِيمَا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Kayo itong nakikipagkatwiran hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman kaya bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil sa wala kayo ritong kaalaman? Si Allāh ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam.
التفاسير العربية:
مَا كَانَ إِبۡرَٰهِيمُ يَهُودِيّٗا وَلَا نَصۡرَانِيّٗا وَلَٰكِن كَانَ حَنِيفٗا مُّسۡلِمٗا وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Hindi nangyaring si Abraham ay isang Hudyo ni isang Kristiyano, subalit siya noon ay isang makatotoong Muslim at hindi siya naging kabilang sa mga tagatambal [kay Allāh].
التفاسير العربية:
إِنَّ أَوۡلَى ٱلنَّاسِ بِإِبۡرَٰهِيمَ لَلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُ وَهَٰذَا ٱلنَّبِيُّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۗ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay talagang ang mga sumunod sa kanya, ang Propetang ito, at ang mga sumampalataya. Si Allāh ay ang Katangkilik ng mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَدَّت طَّآئِفَةٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَوۡ يُضِلُّونَكُمۡ وَمَا يُضِلُّونَ إِلَّآ أَنفُسَهُمۡ وَمَا يَشۡعُرُونَ
Naibigan ng isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan na kung sana ay nagpapaligaw sila sa inyo, ngunit hindi sila nagpapaligaw kundi sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ
O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi.
التفاسير العربية:

يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَلۡبِسُونَ ٱلۡحَقَّ بِٱلۡبَٰطِلِ وَتَكۡتُمُونَ ٱلۡحَقَّ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
O mga May Kasulatan, bakit kayo naglalahok sa katotohanan ng kabulaanan at nagtatago kayo ng katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam?
التفاسير العربية:
وَقَالَت طَّآئِفَةٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ ءَامِنُواْ بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَجۡهَ ٱلنَّهَارِ وَٱكۡفُرُوٓاْ ءَاخِرَهُۥ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan: "Sumampalataya kayo sa pinababa sa mga sumampalataya sa simula ng maghapon at tumanggi kayong sumampalataya sa katapusan niyon, nang sa gayon sila ay manunumbalik [sa dati].
التفاسير العربية:
وَلَا تُؤۡمِنُوٓاْ إِلَّا لِمَن تَبِعَ دِينَكُمۡ قُلۡ إِنَّ ٱلۡهُدَىٰ هُدَى ٱللَّهِ أَن يُؤۡتَىٰٓ أَحَدٞ مِّثۡلَ مَآ أُوتِيتُمۡ أَوۡ يُحَآجُّوكُمۡ عِندَ رَبِّكُمۡۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡفَضۡلَ بِيَدِ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Huwag kayong maniwala maliban sa sinumang sumunod sa relihiyon ninyo." Sabihin mo: "Tunay na ang patnubay ay ang patnubay ni Allāh. [May pangamba ba] na magbigay sa isa ng tulad ng ibinigay sa inyo o makikipagkatwiran sila sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo?" Sabihin mo: "Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam."
التفاسير العربية:
يَخۡتَصُّ بِرَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Nagtatangi Siya sa awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kagandahang-loob na sukdulan.
التفاسير العربية:
۞وَمِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مَنۡ إِن تَأۡمَنۡهُ بِقِنطَارٖ يُؤَدِّهِۦٓ إِلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّنۡ إِن تَأۡمَنۡهُ بِدِينَارٖ لَّا يُؤَدِّهِۦٓ إِلَيۡكَ إِلَّا مَا دُمۡتَ عَلَيۡهِ قَآئِمٗاۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لَيۡسَ عَلَيۡنَا فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ سَبِيلٞ وَيَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Kabilang sa mga May Kasulatan ang kung magtitiwala ka sa kanya ng isang bunton [na salapi] ay magsasauli siya nito sa iyo. Kabilang sa kanila ang kung magtitiwala ka sa kanya ng isang dīnār ay hindi siya magsasauli nito sa iyo malibang hindi ka tumigil sa kanya na naniningil. Iyon ay dahil sila ay nagsabi: "Wala sa aming kasalanan kaugnay sa mga iliterato." Nagsasabi sila hinggil kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam.
التفاسير العربية:
بَلَىٰۚ مَنۡ أَوۡفَىٰ بِعَهۡدِهِۦ وَٱتَّقَىٰ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَّقِينَ
Bagkus ang sinumang tumupad sa tipan niya at nangilag magkasala sapagkat tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَشۡتَرُونَ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ وَأَيۡمَٰنِهِمۡ ثَمَنٗا قَلِيلًا أُوْلَـٰٓئِكَ لَا خَلَٰقَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ وَلَا يَنظُرُ إِلَيۡهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Tunay na ang mga nagpapalit sa tipan kay Allāh at mga sinumpaan nila sa kaunting halaga, ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi makikipag-usap sa kanila si Allāh, hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon, at hindi Siya magdadalisay sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:

وَإِنَّ مِنۡهُمۡ لَفَرِيقٗا يَلۡوُۥنَ أَلۡسِنَتَهُم بِٱلۡكِتَٰبِ لِتَحۡسَبُوهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَمَا هُوَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَمَا هُوَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۖ وَيَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Tunay na kabilang sa kanila ay talagang isang pangkat na pumipilipit ng mga dila nila sa [pagbigkas ng] kasulatan upang mag-akala kayong iyon ay mula sa Kasulatan samantalang iyon ay hindi bahagi ng Kasulatan, na nagsasabing iyon ay mula sa ganang kay Allāh samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh, at na nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam.
التفاسير العربية:
مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُؤۡتِيَهُ ٱللَّهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُواْ عِبَادٗا لِّي مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن كُونُواْ رَبَّـٰنِيِّـۧنَ بِمَا كُنتُمۡ تُعَلِّمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ وَبِمَا كُنتُمۡ تَدۡرُسُونَ
Hindi naging ukol sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng kasulatan, kapamahalaan, at pagkapropeta, pagkatapos ay magsabi ito sa mga tao: "Kayo ay maging mga mananamba para sa akin sa halip kay Allāh," bagkus, "Kayo ay maging mga paham dahil kayo noon ay nagtuturo ng kasulatan at dahil kayo noon ay nag-aaral;"
التفاسير العربية:
وَلَا يَأۡمُرَكُمۡ أَن تَتَّخِذُواْ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ أَرۡبَابًاۚ أَيَأۡمُرُكُم بِٱلۡكُفۡرِ بَعۡدَ إِذۡ أَنتُم مُّسۡلِمُونَ
ni mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Nag-uutos ba ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya matapos noong kayo ay naging mga Muslim?
التفاسير العربية:
وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ لَمَآ ءَاتَيۡتُكُم مِّن كِتَٰبٖ وَحِكۡمَةٖ ثُمَّ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مُّصَدِّقٞ لِّمَا مَعَكُمۡ لَتُؤۡمِنُنَّ بِهِۦ وَلَتَنصُرُنَّهُۥۚ قَالَ ءَأَقۡرَرۡتُمۡ وَأَخَذۡتُمۡ عَلَىٰ ذَٰلِكُمۡ إِصۡرِيۖ قَالُوٓاْ أَقۡرَرۡنَاۚ قَالَ فَٱشۡهَدُواْ وَأَنَا۠ مَعَكُم مِّنَ ٱلشَّـٰهِدِينَ
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: "Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos ay may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapatotoo sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: "Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: "Kumilala kami." Nagsabi Siya: "Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi."
التفاسير العربية:
فَمَن تَوَلَّىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kaya ang sinumang tumalikod matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.
التفاسير العربية:
أَفَغَيۡرَ دِينِ ٱللَّهِ يَبۡغُونَ وَلَهُۥٓ أَسۡلَمَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ طَوۡعٗا وَكَرۡهٗا وَإِلَيۡهِ يُرۡجَعُونَ
Kaya sa iba sa relihiyon ni Allāh ba naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam, at sa Kanya sila panunumbalikin?
التفاسير العربية:

قُلۡ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Sabihin mo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapasakop."
التفاسير العربية:
وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينٗا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.
التفاسير العربية:
كَيۡفَ يَهۡدِي ٱللَّهُ قَوۡمٗا كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ وَشَهِدُوٓاْ أَنَّ ٱلرَّسُولَ حَقّٞ وَجَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Papaanong magpapatnubay si Allāh sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at sumaksi na ang Sugo ay totoo at dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ جَزَآؤُهُمۡ أَنَّ عَلَيۡهِمۡ لَعۡنَةَ ٱللَّهِ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ
Ang mga iyon, ang ganti sa kanila ay na sa kanila ang sumpa ni Allāh, ng mga anghel, at ng mga tao nang sama-sama,
التفاسير العربية:
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ
bilang mga mananatili roon. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay palulugitan,
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
maliban sa mga nagbalik-loob noon matapos niyon at nagpakaayos sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡدَ إِيمَٰنِهِمۡ ثُمَّ ٱزۡدَادُواْ كُفۡرٗا لَّن تُقۡبَلَ تَوۡبَتُهُمۡ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلضَّآلُّونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila, pagkatapos ay nadagdagan sila ng kawalang-pananampalataya, ay hindi tatanggapin ang pagbabalik-loob nila. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡ أَحَدِهِم مِّلۡءُ ٱلۡأَرۡضِ ذَهَبٗا وَلَوِ ٱفۡتَدَىٰ بِهِۦٓۗ أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasukat ng Mundo na ginto at kahit pa man ipantubos niya ito. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya.
التفاسير العربية:

لَن تَنَالُواْ ٱلۡبِرَّ حَتَّىٰ تُنفِقُواْ مِمَّا تُحِبُّونَۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ بِهِۦ عَلِيمٞ
Hindi kayo magtatamo ng pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, tunay na si Allāh rito ay Maalam.
التفاسير العربية:
۞كُلُّ ٱلطَّعَامِ كَانَ حِلّٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسۡرَـٰٓءِيلُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ مِن قَبۡلِ أَن تُنَزَّلَ ٱلتَّوۡرَىٰةُۚ قُلۡ فَأۡتُواْ بِٱلتَّوۡرَىٰةِ فَٱتۡلُوهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Ang lahat ng pagkain noon ay ipinahintulot para sa mga anak ni Israel maliban sa ipinagbawal ni Israel sa sarili nito noong bago ibinaba ang Torah. Sabihin mo: "Maglahad kayo ng Torah saka bumigkas kayo nito kung kayo ay mga tapat."
التفاسير العربية:
فَمَنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Kaya ang sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan mula ng matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
قُلۡ صَدَقَ ٱللَّهُۗ فَٱتَّبِعُواْ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sabihin mo: "Nagtotoo si Allāh kaya sundin ninyo ang kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo at hindi siya noon kabilang sa mga tagatambal [kay Allāh]."
التفاسير العربية:
إِنَّ أَوَّلَ بَيۡتٖ وُضِعَ لِلنَّاسِ لَلَّذِي بِبَكَّةَ مُبَارَكٗا وَهُدٗى لِّلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na ang unang Bahay [sambahan] na itinalaga para sa mga tao ay talagang ang nasa Bakkah bilang pinagpala at patnubay para sa mga nilalang.
التفاسير العربية:
فِيهِ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ مَّقَامُ إِبۡرَٰهِيمَۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنٗاۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلۡبَيۡتِ مَنِ ٱسۡتَطَاعَ إِلَيۡهِ سَبِيلٗاۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Dito ay may mga tandang malinaw [gaya ng] Pinagtayuan ni Abraham. Ang sinumang pumasok dito ay magiging matiwasay. Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga Nilalalang.
التفاسير العربية:
قُلۡ يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh samantalang si Allāh ay Saksi sa anumang ginagawa ninyo."
التفاسير العربية:
قُلۡ يَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ مَنۡ ءَامَنَ تَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَأَنتُمۡ شُهَدَآءُۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, bakit kayo sumasagabal sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya, na naghahangad kayo rito ng kabaluktutan, samantalang kayo ay mga saksi. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo."
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَرُدُّوكُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ كَٰفِرِينَ
O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa isang pangkat kabilang sa mga binigyan ng kasulatan ay magpapanauli sila sa inyo, matapos ng pagsampalataya ninyo, sa pagiging mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:

وَكَيۡفَ تَكۡفُرُونَ وَأَنتُمۡ تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ وَفِيكُمۡ رَسُولُهُۥۗ وَمَن يَعۡتَصِم بِٱللَّهِ فَقَدۡ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Papaano kayong tumatangging sumampalataya samantalang kayo ay binibigkasan ng mga tanda ni Allāh at nasa inyo ang Sugo Niya? Ang sinumang nangungunyapit kay Allāh ay napatnubayan nga sa isang landasing tuwid.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِۦ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim.
التفاسير العربية:
وَٱعۡتَصِمُواْ بِحَبۡلِ ٱللَّهِ جَمِيعٗا وَلَا تَفَرَّقُواْۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ كُنتُمۡ أَعۡدَآءٗ فَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم بِنِعۡمَتِهِۦٓ إِخۡوَٰنٗا وَكُنتُمۡ عَلَىٰ شَفَا حُفۡرَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنۡهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh sa kalahatan at huwag kayong magkahati-hati. Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid. Kayo noon ay nasa isang bingit ng isang hukay ng Apoy ngunit sumagip siya sa inyo mula roon. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.
التفاسير العربية:
وَلۡتَكُن مِّنكُمۡ أُمَّةٞ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلۡخَيۡرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۚ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Magkaroon kabilang sa inyo ng kalipunang nag-aanyaya sa mabuti, nag-uutos sa nakabubuti, at sumasaway sa nakasasama. Ang mga iyon ay ang mga matagumpay.
التفاسير العربية:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ تَفَرَّقُواْ وَٱخۡتَلَفُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَأُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Huwag kayong maging gaya ng mga nagkahati-hati at nagkaiba-iba noong matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.
التفاسير العربية:
يَوۡمَ تَبۡيَضُّ وُجُوهٞ وَتَسۡوَدُّ وُجُوهٞۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡوَدَّتۡ وُجُوهُهُمۡ أَكَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha. Kaya tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila, [tatanungin sila]: "Tumanggi ba kayong sumampalataya matapos ng pagsampalataya ninyo? Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya."
التفاسير العربية:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱبۡيَضَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فَفِي رَحۡمَةِ ٱللَّهِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Tungkol naman sa mamumuti ang mga mukha nila, sa awa ni Allāh sila ay dito mga mananatili.
التفاسير العربية:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۗ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعَٰلَمِينَ
Iyon ay ang mga tanda ni Allāh; binibigkas ang mga ito sa iyo sa katotohanan. Hindi si Allāh nagnanais ng paglabag sa katarungan para sa mga nilalang.
التفاسير العربية:

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Tungo kay Allāh panunumbalikin ang mga usapin.
التفاسير العربية:
كُنتُمۡ خَيۡرَ أُمَّةٍ أُخۡرِجَتۡ لِلنَّاسِ تَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَتَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِۗ وَلَوۡ ءَامَنَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۚ مِّنۡهُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh. Kung sakaling sumampalataya ang mga May Kasulatan, talagang iyon sana ay pinakamabuti para sa kanila. Kabilang sa kanila ang mga mananampalataya at ang higit na marami sa kanila ay ang mga suwail.
التفاسير العربية:
لَن يَضُرُّوكُمۡ إِلَّآ أَذٗىۖ وَإِن يُقَٰتِلُوكُمۡ يُوَلُّوكُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ
Hindi sila makapipinsala sa inyo maliban ng isang pananakit. Kung kakalaban sila sa inyo ay maghaharap sila sa inyo ng mga likod [nila], pagkatapos ay hindi sila iaadya.
التفاسير العربية:
ضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ أَيۡنَ مَا ثُقِفُوٓاْ إِلَّا بِحَبۡلٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَحَبۡلٖ مِّنَ ٱلنَّاسِ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَسۡكَنَةُۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
Itinatak sa kanila ang kaabahan saanman sila nasumpungan malibang nasa isang kasunduan mula kay Allāh at isang kasunduan mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at itinatak sa kanila ang karukhaan. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag.
التفاسير العربية:
۞لَيۡسُواْ سَوَآءٗۗ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ أُمَّةٞ قَآئِمَةٞ يَتۡلُونَ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ وَهُمۡ يَسۡجُدُونَ
Hindi sila magkapantay; kabilang sa mga May Kasulatan ay kalipunang matuwid. Bumibigkas sila ng mga talata ni Allāh sa mga bahagi ng gabi habang sila ay nagpapatirapa.
التفاسير العربية:
يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Sumasampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw, nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila ng nakasasama, at nagmamabilis sila sa mga kabutihan. Ang mga iyon ay kabilang sa mga maayos.
التفاسير العربية:
وَمَا يَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلَن يُكۡفَرُوهُۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ
Ang anumang ginagawa nilang kabutihan ay hindi sila tatanggihan dito. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, walang magagawang anuman para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
التفاسير العربية:
مَثَلُ مَا يُنفِقُونَ فِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَثَلِ رِيحٖ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتۡ حَرۡثَ قَوۡمٖ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَأَهۡلَكَتۡهُۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِنۡ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Ang paghahalintulad sa ginugugol nila sa buhay na pangmundong ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig, na tumama sa sakahan ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila kaya nagpasawi ito roon. Hindi lumabag sa katarungan sa kanila si Allāh, subalit ang mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ بِطَانَةٗ مِّن دُونِكُمۡ لَا يَأۡلُونَكُمۡ خَبَالٗا وَدُّواْ مَا عَنِتُّمۡ قَدۡ بَدَتِ ٱلۡبَغۡضَآءُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَمَا تُخۡفِي صُدُورُهُمۡ أَكۡبَرُۚ قَدۡ بَيَّنَّا لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa bilang mga katapatang-loob sa mga iba pa sa inyo; hindi sila magpapabaya sa inyo sa paninira at nagmithi sila ng paghihirap ninyo. Lumitaw nga ang pagkamuhi mula sa mga bibig nila ngunit ang ikinukubli ng mga dibdib nila ay higit na malaki. Naglinaw nga Kami para sa inyo ng mga tanda, kung kayo ay nakapag-uunawa.
التفاسير العربية:
هَـٰٓأَنتُمۡ أُوْلَآءِ تُحِبُّونَهُمۡ وَلَا يُحِبُّونَكُمۡ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱلۡكِتَٰبِ كُلِّهِۦ وَإِذَا لَقُوكُمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَإِذَا خَلَوۡاْ عَضُّواْ عَلَيۡكُمُ ٱلۡأَنَامِلَ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۚ قُلۡ مُوتُواْ بِغَيۡظِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Heto, kayo itong umiibig sa kanila samantalang hindi sila umiibig sa inyo habang sumasampalataya kayo sa kasulatan sa kabuuan nito. Kapag nakatagpo nila kayo ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami." Kapag nagkasarilinan sila ay kumakagat sila sa mga dulo ng mga daliri dala ng ngitngit sa inyo. Sabihin mo: "Mamatay kayo sa ngitngit ninyo." Tunay na si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
التفاسير العربية:
إِن تَمۡسَسۡكُمۡ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡ وَإِن تُصِبۡكُمۡ سَيِّئَةٞ يَفۡرَحُواْ بِهَاۖ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ لَا يَضُرُّكُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـًٔاۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Kung may sumasaling sa inyo na isang maganda ay magpapasama ng loob sa kanila ito at kung may tumatama sa inyo na isang masagwa ay matutuwa sila dahil dito. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala ay hindi pipinsala sa inyo ang pakana nila ng anuman. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Tagasaklaw.
التفاسير العربية:
وَإِذۡ غَدَوۡتَ مِنۡ أَهۡلِكَ تُبَوِّئُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مَقَٰعِدَ لِلۡقِتَالِۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
[Banggitin] noong umalis ka sa umaga mula sa mag-anak mo, na nagtatalaga sa mga mananampalataya ng mga himpilan para sa labanan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
التفاسير العربية:

إِذۡ هَمَّت طَّآئِفَتَانِ مِنكُمۡ أَن تَفۡشَلَا وَٱللَّهُ وَلِيُّهُمَاۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
[Banggitin] noong may napipintong dalawang pangkat kabilang sa inyo na mapanghinaan ng loob samantalang si Allāh ay Katangkilik ng dalawang ito. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ بِبَدۡرٖ وَأَنتُمۡ أَذِلَّةٞۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa Badr habang kayo ay mga kaaba-aba, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
التفاسير العربية:
إِذۡ تَقُولُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ أَلَن يَكۡفِيَكُمۡ أَن يُمِدَّكُمۡ رَبُّكُم بِثَلَٰثَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ مُنزَلِينَ
[Banggitin] noong nagsasabi ka sa mga sumasampalataya: "Hindi ba sasapat sa inyo na umayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng tatlong libong anghel, na mga ibinababa?
التفاسير العربية:
بَلَىٰٓۚ إِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ وَيَأۡتُوكُم مِّن فَوۡرِهِمۡ هَٰذَا يُمۡدِدۡكُمۡ رَبُّكُم بِخَمۡسَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ مُسَوِّمِينَ
Oo; kung magtitiis kayo, mangingilag kayong magkasala, at darating sila sa inyo dahil sa pag-aagad-agad nilang ito ay aayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng limang libong anghel na mga tinatakan.
التفاسير العربية:
وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ لَكُمۡ وَلِتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُكُم بِهِۦۗ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Hindi gumawa nito si Allāh maliban bilang isang nakagagalak na balita para sa inyo at upang mapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Wala ang pagwawagi malibang mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong,
التفاسير العربية:
لِيَقۡطَعَ طَرَفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡ يَكۡبِتَهُمۡ فَيَنقَلِبُواْ خَآئِبِينَ
upang pumutol Siya ng isang panig mula sa mga tumangging sumampalataya o sumupil sa kanila kaya mauuwi sila bilang mga bigo.
التفاسير العربية:
لَيۡسَ لَكَ مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٌ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡ أَوۡ يُعَذِّبَهُمۡ فَإِنَّهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya na anuman: na tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila o magparusa Siya sa kanila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nagpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُواْ ٱلرِّبَوٰٓاْ أَضۡعَٰفٗا مُّضَٰعَفَةٗۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong kumain ng patubo, na mga ibayong pinag-ibayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
التفاسير العربية:
وَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِيٓ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ
Mangilag kayo sa Apoy na inihanda para sa mga tagatangging sumasampalataya.
التفاسير العربية:
وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
التفاسير العربية:

۞وَسَارِعُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ أُعِدَّتۡ لِلۡمُتَّقِينَ
Magmabilis kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ فِي ٱلسَّرَّآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَٱلۡكَٰظِمِينَ ٱلۡغَيۡظَ وَٱلۡعَافِينَ عَنِ ٱلنَّاسِۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ إِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةً أَوۡ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ ذَكَرُواْ ٱللَّهَ فَٱسۡتَغۡفَرُواْ لِذُنُوبِهِمۡ وَمَن يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ إِلَّا ٱللَّهُ وَلَمۡ يُصِرُّواْ عَلَىٰ مَا فَعَلُواْ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila - at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh - at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam.
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ جَزَآؤُهُم مَّغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَجَنَّـٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Ang mga iyon, ang ganti sa kanila ay isang kapatawaran mula sa Panginoon nila at mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa.
التفاسير العربية:
قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُمۡ سُنَنٞ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
May lumipas na, noong wala pa kayo, na mga kalakaran kaya humayo kayo sa lupain saka magmasid kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapasinungaling.
التفاسير العربية:
هَٰذَا بَيَانٞ لِّلنَّاسِ وَهُدٗى وَمَوۡعِظَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Ito ay isang paglilinaw para sa mga tao, isang patnubay, at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
وَلَا تَهِنُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Huwag kayong panghinaan at huwag kayong malungkot, at kayo ay ang mga pinakamataas kung kayo ay mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
إِن يَمۡسَسۡكُمۡ قَرۡحٞ فَقَدۡ مَسَّ ٱلۡقَوۡمَ قَرۡحٞ مِّثۡلُهُۥۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَيَّامُ نُدَاوِلُهَا بَيۡنَ ٱلنَّاسِ وَلِيَعۡلَمَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَيَتَّخِذَ مِنكُمۡ شُهَدَآءَۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kung may sumaling sa inyo na isang sugat ay may sumaling nga sa mga [ibang] tao na tulad nito. Ang mga araw na iyon, nagpapalipat-lipat Kami sa mga iyon sa pagitan ng mga tao at upang maghayag si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa Siya mula sa inyo ng mga martir - si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan -
التفاسير العربية:

وَلِيُمَحِّصَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَيَمۡحَقَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
at upang sumala si Allāh sa mga sumampalataya at pumuksa sa mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تَدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ وَلَمَّا يَعۡلَمِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ مِنكُمۡ وَيَعۡلَمَ ٱلصَّـٰبِرِينَ
O nag-akala kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa naghayag si Allāh sa mga nakibaka kabilang sa inyo at naghayag mga nagtitiis.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ كُنتُمۡ تَمَنَّوۡنَ ٱلۡمَوۡتَ مِن قَبۡلِ أَن تَلۡقَوۡهُ فَقَدۡ رَأَيۡتُمُوهُ وَأَنتُمۡ تَنظُرُونَ
Talaga ngang kayo noon ay nagmimithi ng kamatayan noon bago kayo makipagharap dito sapagkat nakakita nga kayo rito samantalang kayo ay nakatingin.
التفاسير العربية:
وَمَا مُحَمَّدٌ إِلَّا رَسُولٞ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِ ٱلرُّسُلُۚ أَفَإِيْن مَّاتَ أَوۡ قُتِلَ ٱنقَلَبۡتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡۚ وَمَن يَنقَلِبۡ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِ فَلَن يَضُرَّ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗاۚ وَسَيَجۡزِي ٱللَّهُ ٱلشَّـٰكِرِينَ
Walang iba si Muḥammad kundi isang Sugo, na nakalipas na noong wala pa siya ang mga sugo. Kaya ba kung namatay siya o napatay siya ay babalik kayo sa mga pinagdaanan ninyo? Ang sinumang babalik sa pinagdaanan niya ay hindi siya makapipinsala kay Allāh ng anuman. Gaganti si Allāh sa mga tagapasalamat.
التفاسير العربية:
وَمَا كَانَ لِنَفۡسٍ أَن تَمُوتَ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِ كِتَٰبٗا مُّؤَجَّلٗاۗ وَمَن يُرِدۡ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَا وَمَن يُرِدۡ ثَوَابَ ٱلۡأٓخِرَةِ نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَاۚ وَسَنَجۡزِي ٱلشَّـٰكِرِينَ
Hindi naging ukol sa isang tao na mamatay malibang may pahintulot ni Allāh bilang atas na tinaningan. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo ay magbibigay Kami sa kanya mula rito. Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Kabilang-buhay ay magbibigay Kami sa kanya mula roon. Gaganti Kami sa mga tagapasalamat.
التفاسير العربية:
وَكَأَيِّن مِّن نَّبِيّٖ قَٰتَلَ مَعَهُۥ رِبِّيُّونَ كَثِيرٞ فَمَا وَهَنُواْ لِمَآ أَصَابَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَمَا ضَعُفُواْ وَمَا ٱسۡتَكَانُواْۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلصَّـٰبِرِينَ
Kay rami ng propetang na may nakipaglaban kasama sa kanya na maraming pulutong ngunit hindi sila pinanghinaan ng loob sa tumama sa kanila sa landas ni Allāh, hindi sila nanghina, at hindi sila nangayupapa. Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis.
التفاسير العربية:
وَمَا كَانَ قَوۡلَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَإِسۡرَافَنَا فِيٓ أَمۡرِنَا وَثَبِّتۡ أَقۡدَامَنَا وَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Walang iba ang sabi nila maliban na nagsabi sila: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at pagmamalabis namin sa pumapatungkol sa amin, magpatatag Ka sa mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
التفاسير العربية:
فَـَٔاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا وَحُسۡنَ ثَوَابِ ٱلۡأٓخِرَةِۗ وَٱللَّهُ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo at ng kagandahan ng gantimpala sa Kabilang-buhay. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تُطِيعُواْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَرُدُّوكُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ فَتَنقَلِبُواْ خَٰسِرِينَ
O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa mga tumangging sumampalataya ay magpapabalik sila sa inyo sa mga pinagdaanan ninyo para bumalik kayo bilang mga lugi.
التفاسير العربية:
بَلِ ٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلنَّـٰصِرِينَ
Bagkus si Allāh ay ang Tagatangkilik ninyo at Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagaadya.
التفاسير العربية:
سَنُلۡقِي فِي قُلُوبِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلرُّعۡبَ بِمَآ أَشۡرَكُواْ بِٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗاۖ وَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ وَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلظَّـٰلِمِينَ
Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot dahil nagtambal sila kay Allāh ng anumang hindi Siya nagbaba para rito ng isang katunayan. Ang kanlungan nila ay ang Apoy. Kay saklap ang tuluyan ng mga tagalabag sa katarungan!
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ صَدَقَكُمُ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥٓ إِذۡ تَحُسُّونَهُم بِإِذۡنِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا فَشِلۡتُمۡ وَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَعَصَيۡتُم مِّنۢ بَعۡدِ مَآ أَرَىٰكُم مَّا تُحِبُّونَۚ مِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلدُّنۡيَا وَمِنكُم مَّن يُرِيدُ ٱلۡأٓخِرَةَۚ ثُمَّ صَرَفَكُمۡ عَنۡهُمۡ لِيَبۡتَلِيَكُمۡۖ وَلَقَدۡ عَفَا عَنكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagtotoo sa inyo si Allāh ng pangako Niya noong kumikitil kayo sa kanila ayon sa pahintulot Niya, hanggang sa nang pinanghinaan kayo ng loob, naghidwaan kayo hinggil sa utos, at sumuway kayo noong matapos na ipakita Niya sa inyo ang iniibig ninyo. Mayroon sa inyo na nagnanais ng Mundo at mayroon sa inyo na nagnanais ng Kabilang-buhay. Pagkatapos ay nagpalihis Siya sa inyo palayo sa kanila upang sumubok Siya sa inyo. Talaga ngang nagpaumanhin Siya sa inyo. Si Allāh ay may kabutihang-loob sa mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
۞إِذۡ تُصۡعِدُونَ وَلَا تَلۡوُۥنَ عَلَىٰٓ أَحَدٖ وَٱلرَّسُولُ يَدۡعُوكُمۡ فِيٓ أُخۡرَىٰكُمۡ فَأَثَٰبَكُمۡ غَمَّۢا بِغَمّٖ لِّكَيۡلَا تَحۡزَنُواْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا مَآ أَصَٰبَكُمۡۗ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
[Banggitin] noong umakyat kayo habang hindi kayo lumilingon sa isa samantalang ang Sugo ay nananawagan sa likuran ninyo. Kaya gumantimpala sa inyo si Allāh ng hapis sa hapis upang hindi kayo malungkot sa anumang nakaalpas sa inyo ni sa anumang tumama sa inyo. Si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.
التفاسير العربية:

ثُمَّ أَنزَلَ عَلَيۡكُم مِّنۢ بَعۡدِ ٱلۡغَمِّ أَمَنَةٗ نُّعَاسٗا يَغۡشَىٰ طَآئِفَةٗ مِّنكُمۡۖ وَطَآئِفَةٞ قَدۡ أَهَمَّتۡهُمۡ أَنفُسُهُمۡ يَظُنُّونَ بِٱللَّهِ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ ظَنَّ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِۖ يَقُولُونَ هَل لَّنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ مِن شَيۡءٖۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَمۡرَ كُلَّهُۥ لِلَّهِۗ يُخۡفُونَ فِيٓ أَنفُسِهِم مَّا لَا يُبۡدُونَ لَكَۖ يَقُولُونَ لَوۡ كَانَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٞ مَّا قُتِلۡنَا هَٰهُنَاۗ قُل لَّوۡ كُنتُمۡ فِي بُيُوتِكُمۡ لَبَرَزَ ٱلَّذِينَ كُتِبَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَتۡلُ إِلَىٰ مَضَاجِعِهِمۡۖ وَلِيَبۡتَلِيَ ٱللَّهُ مَا فِي صُدُورِكُمۡ وَلِيُمَحِّصَ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Pagkatapos ay nagpababa Siya sa inyo, matapos ng hapis, ng katiwasayan na isang antok na bumabalot sa isang pangkat kabilang sa inyo samantalang may isang pangkat naman na nagpabalisa nga sa kanila ang mga sarili nila, na nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: "May ukol ba sa atin mula sa usapin na anuman?" Sabihin mo: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh." Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito." Sabihin mo: "Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila." [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ مِنكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ إِنَّمَا ٱسۡتَزَلَّهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِبَعۡضِ مَا كَسَبُواْۖ وَلَقَدۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Tunay na ang mga tumalikod kabilang sa inyo sa araw na nagkita-kita ang dalawang bukluran ay nagpatisod lamang sa kanila ang demonyo dahil sa ilan sa mga kinamit nila. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ إِذَا ضَرَبُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ كَانُواْ غُزّٗى لَّوۡ كَانُواْ عِندَنَا مَا مَاتُواْ وَمَا قُتِلُواْ لِيَجۡعَلَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ حَسۡرَةٗ فِي قُلُوبِهِمۡۗ وَٱللَّهُ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga tumangging sumampalataya at nagsabi sa mga kapatid nila nang naglakbay ang mga ito sa lupain o ang mga ito ay naging mga mandirigma: "Kung sakaling sila ay kapiling naming ay hindi sana sila namatay o napatay," upang gawin ni Allāh iyon bilang panghihinayang sa mga puso nila. Si Allāh ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
التفاسير العربية:
وَلَئِن قُتِلۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوۡ مُتُّمۡ لَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَحۡمَةٌ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Talagang kung napatay kayo sa landas ni Allāh o namatay kayo, talagang may isang kapatawaran mula kay Allāh at isang awa na higit na mabuti kaysa sa iniipon ninyo.
التفاسير العربية:

وَلَئِن مُّتُّمۡ أَوۡ قُتِلۡتُمۡ لَإِلَى ٱللَّهِ تُحۡشَرُونَ
Talagang kung namatay kayo o napatay kayo ay talagang tungo kay Allāh kayo kakalapin.
التفاسير العربية:
فَبِمَا رَحۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ لِنتَ لَهُمۡۖ وَلَوۡ كُنتَ فَظًّا غَلِيظَ ٱلۡقَلۡبِ لَٱنفَضُّواْ مِنۡ حَوۡلِكَۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ وَشَاوِرۡهُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِۖ فَإِذَا عَزَمۡتَ فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَوَكِّلِينَ
Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nabuwag sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.
التفاسير العربية:
إِن يَنصُرۡكُمُ ٱللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمۡۖ وَإِن يَخۡذُلۡكُمۡ فَمَن ذَا ٱلَّذِي يَنصُرُكُم مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Kung mag-aadya sa inyo si Allāh ay walang dadaig sa inyo. Kung magtatatwa Siya sa inyo ay sino itong mag-aadya sa inyo matapos Niya? Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَمَا كَانَ لِنَبِيٍّ أَن يَغُلَّۚ وَمَن يَغۡلُلۡ يَأۡتِ بِمَا غَلَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Hindi naging ukol sa isang propeta na mang-umit. Ang sinumang mang-uumit ay maghahatid siya ng inumit niya sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos ay tutumbasan ang bawat kaluluwa sa anumang kinamit nito habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
أَفَمَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَ ٱللَّهِ كَمَنۢ بَآءَ بِسَخَطٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Kaya ba ang sinumang sumunod sa pagkalugod ni Allāh ay gaya ng sinumang bumalik nang may pagkainis mula kay Allāh? Ang kanlungan niya ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
التفاسير العربية:
هُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
Sila ay ay mga antas sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila.
التفاسير العربية:
لَقَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ بَعَثَ فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga tanda Niya, nagdadalisay sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan, bagamat sila dati noong bago niyon ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.
التفاسير العربية:
أَوَلَمَّآ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَدۡ أَصَبۡتُم مِّثۡلَيۡهَا قُلۡتُمۡ أَنَّىٰ هَٰذَاۖ قُلۡ هُوَ مِنۡ عِندِ أَنفُسِكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Noon bang may tumama sa inyo na isang kasawian gayong nakatama na kayo ng dalawang tulad nito ay nagsabi kayo: "Mula saan ito?" Sabihin mo: "Ito ay mula sa ganang mga sarili ninyo." Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
التفاسير العربية:

وَمَآ أَصَٰبَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang tumama sa inyo sa araw na nagkita-kita ang dalawang bukluran ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang maghayag Siya sa mga mananampalataya
التفاسير العربية:
وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ نَافَقُواْۚ وَقِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ قَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوِ ٱدۡفَعُواْۖ قَالُواْ لَوۡ نَعۡلَمُ قِتَالٗا لَّٱتَّبَعۡنَٰكُمۡۗ هُمۡ لِلۡكُفۡرِ يَوۡمَئِذٍ أَقۡرَبُ مِنۡهُمۡ لِلۡإِيمَٰنِۚ يَقُولُونَ بِأَفۡوَٰهِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يَكۡتُمُونَ
at upang maghayag Siya sa mga nagpaimbabaw. Sinabi sa kanila: "Halikayo, makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh o magtanggol kayo." Nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman naming may labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo." Sila para sa kawalang-pananampalataya sa araw na iyon ay higit na malapit kaysa sa kanila para sa pananampalataya. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga bibig nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang itinatago nila.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ قَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ وَقَعَدُواْ لَوۡ أَطَاعُونَا مَا قُتِلُواْۗ قُلۡ فَٱدۡرَءُواْ عَنۡ أَنفُسِكُمُ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
[Sila] ang mga nagsabi sa mga kapatid nila samantalang namalagi sila: "Kung sakaling tumalima sila sa amin ay hindi sana sila napatay." Sabihin mo: "Kaya magtaboy kayo palayo sa mga sarili ninyo ng kamatayan, kung kayo ay mga tapat."
التفاسير العربية:
وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمۡوَٰتَۢاۚ بَلۡ أَحۡيَآءٌ عِندَ رَبِّهِمۡ يُرۡزَقُونَ
Huwag ka ngang mag-akalang ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay mga patay bagkus mga buhay, na sa piling ng Panginoon nila ay tinutustusan sila,
التفاسير العربية:
فَرِحِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَيَسۡتَبۡشِرُونَ بِٱلَّذِينَ لَمۡ يَلۡحَقُواْ بِهِم مِّنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
na mga natutuwa sa ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya, at nagagalak para sa mga hindi pa nakasunod sa kanila kabilang sa naiwan nila, na walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
التفاسير العربية: