ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الذاريات
آية:
 

الذاريات

وَٱلذَّـٰرِيَٰتِ ذَرۡوٗا
Sumpa man sa mga [hanging] naglilipad ng alikabok,
التفاسير العربية:
فَٱلۡحَٰمِلَٰتِ وِقۡرٗا
at sa mga [ulap na] tagadala ng mabigat [na ulap],
التفاسير العربية:
فَٱلۡجَٰرِيَٰتِ يُسۡرٗا
at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan,
التفاسير العربية:
فَٱلۡمُقَسِّمَٰتِ أَمۡرًا
at sa mga [anghel na] tagabahagi ng nauukol,
التفاسير العربية:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٞ
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat,
التفاسير العربية:
وَإِنَّ ٱلدِّينَ لَوَٰقِعٞ
at tunay na ang paggagantimpala ay talagang magaganap!
التفاسير العربية:

وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ
Sumpa man sa langit na may mga daanan,
التفاسير العربية:
إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba.
التفاسير العربية:
يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ
Nalilinlang palayo rito ang sinumang nalinlang.
التفاسير العربية:
قُتِلَ ٱلۡخَرَّـٰصُونَ
Napahamak ang mga palasapantaha,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ
na sila sa pagkalubog sa kamangmangan ay mga nakaliligta.
التفاسير العربية:
يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggagantimpala?"
التفاسير العربية:
يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ
Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.
التفاسير العربية:
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,
التفاسير العربية:
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ
habang mga tumatanggap ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila noon bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.
التفاسير العربية:
كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ
Sila noon ay kakaunti mula sa gabi ang itinutulog.
التفاسير العربية:
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad.
التفاسير العربية:
وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.
التفاسير العربية:
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ
At sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,
التفاسير العربية:
وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?
التفاسير العربية:
وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ
At sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.
التفاسير العربية:
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng bagay na kayo ay bumibigkas [niyon].
التفاسير العربية:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Dumating ba sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?
التفاسير العربية:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Noong pumasok sila sa kanya at nagsabi sila: "Kapayapaan" ay nagsabi naman siya: "Kapayapaan, mga taong di-kilala."
التفاسير العربية:
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, at nagdala ng isang guyang mataba.
التفاسير العربية:
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya inilapit niya ito sa kanila; nagsabi siya: "Hindi ba kayo kakain?"
التفاسير العربية:
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba." Nagbalita sila ng nakasisiya sa kanya hinggil sa isang batang lalaking maalam.
التفاسير العربية:
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw, at tinampal nito ang mukha nito at nagsabi: "Matandang babaing baog [ako]!"
التفاسير العربية:
قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi sila: "Gayon nga ang sinabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam."
التفاسير العربية:

۞قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi siya: "Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?"
التفاسير العربية:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
التفاسير العربية:
لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ
upang magpadala kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,
التفاسير العربية:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ
tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga tagapagmalabis."
التفاسير العربية:
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya nagpalabas Kami sa sinumang nangyaring naroon kabilang sa mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga tagapasakop.
التفاسير العربية:
وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
At kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.
التفاسير العربية:
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ
Ngunit tumalikod siya kasama ng kampon niya at nagsabi: "Manggagaway o baliw."
التفاسير العربية:
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya at itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.
التفاسير العربية:
وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ
At sa `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira.
التفاسير العربية:
مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ
Hindi ito nag-iiwan ng anumang pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.
التفاسير العربية:
وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ
At sa Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo hanggang sa pansamantala."
التفاسير العربية:
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
Ngunit nagpakasuwail sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.
التفاسير العربية:
فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila noon mga maiaadya.
التفاسير العربية:
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
At [Nasawi] ang mga kababayan ni Noe noong bago pa man; tunay na sila noon ay mga taong suwail.
التفاسير العربية:
وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ
At ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang nagpapalawak [nito].
التفاسير العربية:
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ
At ang lupa ay inilatag Namin ito, at kay inam na tagapaghimlay [Kami].
التفاسير العربية:
وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
At mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares nang sa gayon kayo ay makapag-aalaala.
التفاسير العربية:
فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang tagapagbabalang malinaw.
التفاسير العربية:
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
At huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng iba pang diyos; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang tagapagbabalang malinaw.
التفاسير العربية:

كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ
Gayon din, walang dumating noong bago pa nila na isang sugo malibang nagsabi sila: "Isang manggagaway o isang baliw."
التفاسير العربية:
أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.
التفاسير العربية:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila, at ikaw ay hindi masisisi.
التفاسير العربية:
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
At magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ
At hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.
التفاسير العربية:
مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na pakainin nila Ako.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.
التفاسير العربية:
فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.
التفاسير العربية:
فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya kasawian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya mula sa araw nilang ipinangangako sa kanila.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الذاريات
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق