ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: الطور   آية:

سورة الطور - At-Toor

وَٱلطُّورِ
Sumpa man sa Bundok,[590]
[590] ng Sinai na kinausap doon ni Allāh si Moises.
التفاسير العربية:
وَكِتَٰبٖ مَّسۡطُورٖ
sumpa man sa isang Aklat[591] na natitikan
[591] Ibig sabihin: ang Qur’an.
التفاسير العربية:
فِي رَقّٖ مَّنشُورٖ
sa isang pergaminong nakaladlad,
التفاسير العربية:
وَٱلۡبَيۡتِ ٱلۡمَعۡمُورِ
sumpa man sa Bahay na Dinadalaw-dalaw,[592]
[592] na pinupuno ng pagsamba kay Allāh ng mga anghel sa langit
التفاسير العربية:
وَٱلسَّقۡفِ ٱلۡمَرۡفُوعِ
sumpa man sa bubong [na langit] na iniangat,
التفاسير العربية:
وَٱلۡبَحۡرِ ٱلۡمَسۡجُورِ
sumpa man sa dagat na pinupuno [ng tubig],
التفاسير العربية:
إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَٰقِعٞ
tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.
التفاسير العربية:
مَّا لَهُۥ مِن دَافِعٖ
Walang ukol dito na anumang tagatulak,
التفاسير العربية:
يَوۡمَ تَمُورُ ٱلسَّمَآءُ مَوۡرٗا
sa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,
التفاسير العربية:
وَتَسِيرُ ٱلۡجِبَالُ سَيۡرٗا
at uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.
التفاسير العربية:
فَوَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي خَوۡضٖ يَلۡعَبُونَ
na sila sa isang pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.
التفاسير العربية:
يَوۡمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا
Sa araw na ipagtutulakan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan [at sasabihan:]
التفاسير العربية:
هَٰذِهِ ٱلنَّارُ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ
“Ito ay ang Apoy [ng Impiyerno] na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling.”
التفاسير العربية:
أَفَسِحۡرٌ هَٰذَآ أَمۡ أَنتُمۡ لَا تُبۡصِرُونَ
Kaya panggagaway ba [ang pagdurusang] ito o kayo ay hindi nakakikita?
التفاسير العربية:
ٱصۡلَوۡهَا فَٱصۡبِرُوٓاْ أَوۡ لَا تَصۡبِرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Masunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَعِيمٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,
التفاسير العربية:
فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ وَوَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at [dahil] nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.
التفاسير العربية:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
[Sasabihan sila:] “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,
التفاسير العربية:
مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٖ مَّصۡفُوفَةٖۖ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ
habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay.” Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ كُلُّ ٱمۡرِيِٕۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٞ
Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa [magandang] gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.
التفاسير العربية:
وَأَمۡدَدۡنَٰهُم بِفَٰكِهَةٖ وَلَحۡمٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ
Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.
التفاسير العربية:
يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأۡسٗا لَّا لَغۡوٞ فِيهَا وَلَا تَأۡثِيمٞ
Magpapasahan sila roon ng tasa [ng alak] na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.
التفاسير العربية:
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ غِلۡمَانٞ لَّهُمۡ كَأَنَّهُمۡ لُؤۡلُؤٞ مَّكۡنُونٞ
May iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga perlas na itinatago.
التفاسير العربية:
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
التفاسير العربية:
قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا قَبۡلُ فِيٓ أَهۡلِنَا مُشۡفِقِينَ
Magsasabi sila: “Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag [pagdurusa sa Kabilang-buhay].
التفاسير العربية:
فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ
Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.
التفاسير العربية:
إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلُ نَدۡعُوهُۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡبَرُّ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain.
التفاسير العربية:
فَذَكِّرۡ فَمَآ أَنتَ بِنِعۡمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٖ وَلَا مَجۡنُونٍ
Kaya magpaalaala ka [sa kanila nang tuluy-tuloy] sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.
التفاسير العربية:
أَمۡ يَقُولُونَ شَاعِرٞ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيۡبَ ٱلۡمَنُونِ
O nagsasabi sila: “Isang makata [siya], na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon.”
التفاسير العربية:
قُلۡ تَرَبَّصُواْ فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُتَرَبِّصِينَ
Sabihin mo: “Mag-abang kayo [sa kamatayan ko] sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang [sa pagdurusa ninyo].”
التفاسير العربية:
أَمۡ تَأۡمُرُهُمۡ أَحۡلَٰمُهُم بِهَٰذَآۚ أَمۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
O nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila [ng paratang] na ito o sila ay mga taong tagapagmalabis?
التفاسير العربية:
أَمۡ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥۚ بَل لَّا يُؤۡمِنُونَ
O nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.
التفاسير العربية:
فَلۡيَأۡتُواْ بِحَدِيثٖ مِّثۡلِهِۦٓ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad [ng Qur’ān] kung sila ay mga tapat.
التفاسير العربية:
أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?
التفاسير العربية:
أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ
O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.
التفاسير العربية:
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمۡ هُمُ ٱلۡمُصَۜيۡطِرُونَ
O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?
التفاسير العربية:
أَمۡ لَهُمۡ سُلَّمٞ يَسۡتَمِعُونَ فِيهِۖ فَلۡيَأۡتِ مُسۡتَمِعُهُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakakapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.
التفاسير العربية:
أَمۡ لَهُ ٱلۡبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلۡبَنُونَ
O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?
التفاسير العربية:
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ
O nanghihingi ka ba [O Propeta Muḥammad] sa kanila ng isang pabuya[593] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
[593] sa pagpapaabot mo ng mensahe mula sa Panginoon mo
التفاسير العربية:
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?
التفاسير العربية:
أَمۡ يُرِيدُونَ كَيۡدٗاۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هُمُ ٱلۡمَكِيدُونَ
O nagnanais ba sila ng isang panlalansi [laban sa iyo O Propeta] ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga nilalansi?
التفاسير العربية:
أَمۡ لَهُمۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
التفاسير العربية:
وَإِن يَرَوۡاْ كِسۡفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطٗا يَقُولُواْ سَحَابٞ مَّرۡكُومٞ
Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: “Mga ulap na ibinunton.”
التفاسير العربية:
فَذَرۡهُمۡ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي فِيهِ يُصۡعَقُونَ
Kaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,
التفاسير العربية:
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي عَنۡهُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang panlalansi nila ng anuman ni sila ay iaadya.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ عَذَابٗا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[594] ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
[594] sa mga sarili nila dahil sa Shirk at mga pagsuway
التفاسير العربية:
وَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعۡيُنِنَاۖ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ
Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin[595] at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.
[595] Ibig sabihin: sa ilaim ng paningin, pangangalaga, at pagsasanggalang Namin
التفاسير العربية:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَإِدۡبَٰرَ ٱلنُّجُومِ
Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin [sa madaling-araw].
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: الطور
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

www.islamhouse.com ترجمة معاني القرآن الكريم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق