ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الصف
آية:
 

الصف

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?
التفاسير العربية:
كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِهِۦ صَفّٗا كَأَنَّهُم بُنۡيَٰنٞ مَّرۡصُوصٞ
Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.
التفاسير العربية:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ لِمَ تُؤۡذُونَنِي وَقَد تَّعۡلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡۖ فَلَمَّا زَاغُوٓاْ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?" Kaya noong lumihis sila ay nagpalihis si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
التفاسير العربية:

وَإِذۡ قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُم مُّصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَمُبَشِّرَۢا بِرَسُولٖ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِي ٱسۡمُهُۥٓ أَحۡمَدُۖ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
[Banggitin] noong nagsabi si Hesus na anak ni Maria: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang isang nagpapatotoo sa nauna sa akin mula sa Torah at bilang isang tagabalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko, na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong nagdala siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."
التفاسير العربية:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُوَ يُدۡعَىٰٓ إِلَى ٱلۡإِسۡلَٰمِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
At sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
يُرِيدُونَ لِيُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ
Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya dala ang patnubay at ang relihiyon ng katotohanan upang pangibabawin Niya ito sa relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagatambal.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ تِجَٰرَةٖ تُنجِيكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
O mga sumampalataya, magtuturo ba Ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?
التفاسير العربية:
تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo - iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung nangyaring kayo ay nakaaalam -
التفاسير العربية:
يَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ وَيُدۡخِلۡكُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّـٰتِ عَدۡنٖۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ay ang pagwawaging sukdulan.
التفاسير العربية:
وَأُخۡرَىٰ تُحِبُّونَهَاۖ نَصۡرٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتۡحٞ قَرِيبٞۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
At may iba pang maiibigan ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُوٓاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ لِلۡحَوَارِيِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٞۖ فَأَيَّدۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَٰهِرِينَ
O mga sumampalataya, maging mga tagaadya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Hesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: "Sino ang mga tagaadya ko kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh." Kaya may sumampalataya na isang pangkat mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkat. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الصف
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق