ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الممتحنة
آية:
 

الممتحنة

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمۡ أَوۡلِيَآءَ تُلۡقُونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَقَدۡ كَفَرُواْ بِمَا جَآءَكُم مِّنَ ٱلۡحَقِّ يُخۡرِجُونَ ٱلرَّسُولَ وَإِيَّاكُمۡ أَن تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ رَبِّكُمۡ إِن كُنتُمۡ خَرَجۡتُمۡ جِهَٰدٗا فِي سَبِيلِي وَٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِيۚ تُسِرُّونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَأَنَا۠ أَعۡلَمُ بِمَآ أَخۡفَيۡتُمۡ وَمَآ أَعۡلَنتُمۡۚ وَمَن يَفۡعَلۡهُ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa kaaway Ko at kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nag-uukol kayo sa kanila ng pagmamahal, samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na katotohanan, habang nagpapalayas sila sa Sugo at sa inyo dahil sumampalataya kayo kay Allāh, ang Panginoon ninyo. [Huwag ninyong gawin iyon] kung kayo ay humayo sa isang pakikibaka sa landas Ko at sa paghahangad sa pagkalugod Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo at anumang inihahayag ninyo. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga siya palayo sa katumpakan ng landas.
التفاسير العربية:
إِن يَثۡقَفُوكُمۡ يَكُونُواْ لَكُمۡ أَعۡدَآءٗ وَيَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ وَأَلۡسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ
Kung mananaig sila sa inyo, sila para sa inyo ay magiging mga kaaway, mag-aabot sila sa inyo ng mga kamay nila at mga dila nila sa kasagwaan, at iibigin nila na sana tumanggi kayong sumampalataya.
التفاسير العربية:
لَن تَنفَعَكُمۡ أَرۡحَامُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡۚ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَفۡصِلُ بَيۡنَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga ugnayang pangkaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
التفاسير العربية:
قَدۡ كَانَتۡ لَكُمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذۡ قَالُواْ لِقَوۡمِهِمۡ إِنَّا بُرَءَـٰٓؤُاْ مِنكُمۡ وَمِمَّا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرۡنَا بِكُمۡ وَبَدَا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةُ وَٱلۡبَغۡضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥٓ إِلَّا قَوۡلَ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسۡتَغۡفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمۡلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۖ رَّبَّنَا عَلَيۡكَ تَوَكَّلۡنَا وَإِلَيۡكَ أَنَبۡنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ
Nagkaroon nga para sa inyo ng isang tinutularang maganda dahil kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kaming sumampalataya sa inyo at lumitaw na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh, tanging sa Kanya," maliban sa sabi ni Abraham sa ama niya: "Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo samantalang hindi ako nakapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, sa Iyo kami bumabalik, at sa Iyo ang kahahantungan.
التفاسير العربية:
رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ وَٱغۡفِرۡ لَنَا رَبَّنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga tumangging sumampalataya at magpatawad Ka sa amin. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong."
التفاسير العربية:

لَقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِيهِمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo dahil sa kanila ng isang tinutularang maganda para sa sinumang nangyaring naghahangad kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
التفاسير العربية:
۞عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجۡعَلَ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ عَادَيۡتُم مِّنۡهُم مَّوَدَّةٗۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٞۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Marahil si Allāh ay maglalagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
لَّا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَلَمۡ يُخۡرِجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ أَن تَبَرُّوهُمۡ وَتُقۡسِطُوٓاْ إِلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ
Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, tungkol sa mga hindi kumalaban sa inyo sa relihiyon at hindi nagpalayas sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magpakabuti kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.
التفاسير العربية:
إِنَّمَا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَٰتَلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَأَخۡرَجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ وَظَٰهَرُواْ عَلَىٰٓ إِخۡرَاجِكُمۡ أَن تَوَلَّوۡهُمۡۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمۡ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Sumasaway lamang sa inyo si Allāh, tungkol sa mga kumalaban sa inyo sa relihiyon, nagpalayas sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalayas sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
O mga sumampalataya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga lumikas ay sulitin ninyo sila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa pananampalataya nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpanumbalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito at hindi ang mga ito napahihintulutan para sa kanila. Magbigay kayo sa mga ito ng ginugol ng mga ito. Walang maisisisi sa inyo na magpakasal kayo sa kanila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Huwag kayong magpanatili sa mga bigkis ng kasal sa mga babaing tagatangging sumampalataya. Humiling kayo ng ginugol ninyo at humiling ang mga ito ng ginugol ng mga ito. Iyon ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَإِن فَاتَكُمۡ شَيۡءٞ مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ إِلَى ٱلۡكُفَّارِ فَعَاقَبۡتُمۡ فَـَٔاتُواْ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتۡ أَزۡوَٰجُهُم مِّثۡلَ مَآ أَنفَقُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ
Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo, magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya.
التفاسير العربية:

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya habang nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman, at hindi sila magnanakaw, at hindi sila mangangalunya, at hindi sila papatay ng mga anak nila, at hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ قَدۡ يَئِسُواْ مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلۡكُفَّارُ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡقُبُورِ
O mga sumampalataya, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si Allāh sa kanila, na nawalan na sila ng pag-asa sa Kabilang-buhay kung paanong nawalan ng pag-asa ang mga tagatangging sumampalataya sa [panunumbalik ng] mga kasamahan ng mga libingan.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الممتحنة
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق