আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ * - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ


অৰ্থানুবাদ আয়াত: (41) ছুৰা: ছুৰা আল-আনকাবূত
مَثَلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَيۡتٗاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُيُوتِ لَبَيۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang paghahalintulad sa mga tagapagtambal na gumawa ng mga diyus-diyusang sinasamba nila bukod pa kay Allāh dala ng pag-asa sa pagpapakinabang ng mga ito o pamamagitan ng mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay na magsasanggalang dito laban sa pangangaway rito. Tunay na ang pinakamahina sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba sapagkat ito ay hindi nakapagtatanggol sa gagamba sa isang kaaway. Gayon din ang mga diyus-diyusan nila: hindi nakapagpapakinabang ang mga ito, hindi nakapipinsala ang mga ito, at hindi nakapamamagitan ang mga ito. Kung sakaling ang mga tagapagtambal ay naging nakaaalam niyon, talaga sanang hindi sila gumawa ng mga diyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• أهمية ضرب المثل: (مثل العنكبوت) .
Ang kahalagahan ng paglalahad ng paghahalintulad na "Paghahalintulad sa Gagamba."

• تعدد أنواع العذاب في الدنيا.
Ang pagkadami-dami ng mga uri ng pagdurusa sa Mundo.

• تَنَزُّه الله عن الظلم.
Ang pagwawalang-kaugnayan ni Allāh sa kawalang-katarungan.

• التعلق بغير الله تعلق بأضعف الأسباب.
Ang pagkakahumaling sa iba pa kay Allāh ay isang pagkahumaling sa pinakamahina sa mga kadahilanan.

• أهمية الصلاة في تقويم سلوك المؤمن.
Ang kahalagahan ng pagdarasal sa pagtutuwid sa pag-uugali ng mananampalataya.

 
অৰ্থানুবাদ আয়াত: (41) ছুৰা: ছুৰা আল-আনকাবূত
ছুৰাৰ তালিকা পৃষ্ঠা নং
 
আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ

আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ, মৰকজ তাফছীৰ লিদ দিৰাছাত আল-কোৰআনিয়্যাৰ তৰফৰ পৰা প্ৰচাৰিত।

বন্ধ