কুরআনুল কারীমের অর্থসমূহের অনুবাদ - কুরআনুল কারীমের সংক্ষিপ্ত তাফসীরের ফিলিপিনো (তাগালোগ) ভাষায় অনুবাদ। * - অনুবাদসমূহের সূচী


অর্থসমূহের অনুবাদ সূরা: সূরা আল-বুরুজ   আয়াত:

Al-Burūj

সূরার কতক উদ্দেশ্য:
بيان قوة الله وإحاطته الشاملة، ونصرته لأوليائه، والبطش بأعدائه.
Ang paglilinaw sa lakas ni Allāh, pagkasaklaw Niyang malawakan, pag-aadya Niya sa mga katangkilik Niya, at paghagupit sa mga kaaway Niya.

وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡبُرُوجِ
Sumumpa si Allāh sa langit na naglalaman ng mga tinutuluyan ng araw, bituin, at iba pa sa mga ito.
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡمَوۡعُودِ
Sumumpa Siya sa Araw ng Pagbangon na nangako Siya na tipunin doon ang mga nilikha.
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَشَاهِدٖ وَمَشۡهُودٖ
Nanumpa Siya sa bawat tagasaksi gaya ng propeta na sumasaksi sa kalipunan niya at sa bawat sinasaksihan gaya ng kalipunan na sumasaksi rito ang propeta nito.
আরবি তাফসীরসমূহ:
قُتِلَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأُخۡدُودِ
Isinumpa ang mga bumiyak sa lupa ng isang malaking biyak.
আরবি তাফসীরসমূহ:
ٱلنَّارِ ذَاتِ ٱلۡوَقُودِ
Nagpaningas sila roon ng apoy at itinapon nila roon nang buhay ang mga mananampalataya
আরবি তাফসীরসমূহ:
إِذۡ هُمۡ عَلَيۡهَا قُعُودٞ
noong sila ay mga nakaupo sa tabi ng hukay na iyon na puno ng apoy
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَهُمۡ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ شُهُودٞ
habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya na pagpaparusa at pagpapasakit, ay mga saksi dahil sa pagkadalo nilang iyon.
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَمَا نَقَمُواْ مِنۡهُمۡ إِلَّآ أَن يُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Walang ipinintas ang mga tagatangging sumampalataya na ito sa mga mananampalataya na anuman maliban na ang mga ito ay sumampalataya kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang pinapupurihan sa bawat bagay,
আরবি তাফসীরসমূহ:
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
na sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Siya ay nakababatid sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga lingkod Niya.
আরবি তাফসীরসমূহ:
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَتَنُواْ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَتُوبُواْ فَلَهُمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمۡ عَذَابُ ٱلۡحَرِيقِ
Tunay na ang mga nagpahirap sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa pamamagitan ng apoy upang magpabaling sa mga iyon palayo sa pananampalataya kay Allāh lamang, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila, ay ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa sa Apoy na susunog sa kanila, bilang ganti sa ginawa nila sa mga mananampalataya na pagsunog sa apoy.
আরবি তাফসীরসমূহ:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡكَبِيرُ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito. Ang ganting iyon na inihanda para sa kanila ay ang pagkatamong malaki na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
আরবি তাফসীরসমূহ:
إِنَّ بَطۡشَ رَبِّكَ لَشَدِيدٌ
Tunay na ang pagdaklot ng Panginoon mo, O Sugo, sa tagalabag sa katarungan kahit pa nag-antabay Siya rito sa isang panahon ay talagang malakas.
আরবি তাফসীরসমূহ:
إِنَّهُۥ هُوَ يُبۡدِئُ وَيُعِيدُ
Tunay na Siya ay nagpapasimula ng paglikha at [pagdudulot ng] pagdurusa at nagpapanumbalik ng mga ito.
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلۡوَدُودُ
Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya. Tunay na Siya ay umiibig sa mga katangkilik Niya kabilang sa mga tagapangilag magkasala.
আরবি তাফসীরসমূহ:
ذُو ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡمَجِيدُ
ang May-ari ng trono, ang Marangal,
আরবি তাফসীরসমূহ:
فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
palagawa ng anumang ninanais Niya na pagpapaumanhin sa mga pagkakasala ng sinumang niloob Niya at pagpaparusa sa sinumang niloob Niya. Walang tagapilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
আরবি তাফসীরসমূহ:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡجُنُودِ
Nakarating kaya sa iyo, O Sugo, ang ulat hinggil sa mga kawal na naghukbo para sa pakikidigma sa katotohanan at pagbalakid dito,
আরবি তাফসীরসমূহ:
فِرۡعَوۡنَ وَثَمُودَ
[na mga kawal] ni Paraon at ng Thamūd na mga kasamahan ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan?
আরবি তাফসীরসমূহ:
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي تَكۡذِيبٖ
Ang humahadlang sa pananampalataya ng mga ito ay hindi dahil sila ay hindi napuntahan ng mga ulat hinggil sa mga kalipunang tagapagpasinungaling at sa nangyari na pagpapahamak sa kanila, bagkus sila ay nagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng sugo nila dala ng pagsunod sa mga pithaya nila,
আরবি তাফসীরসমূহ:
وَٱللَّهُ مِن وَرَآئِهِم مُّحِيطُۢ
samantalang si Allāh ay nakasasaklaw sa mga gawa nila, nag-iisa-isa sa mga ito: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti sa kanila sa mga ito.
আরবি তাফসীরসমূহ:
بَلۡ هُوَ قُرۡءَانٞ مَّجِيدٞ
Ang Qur'ān ay hindi isang tula ni isang patula gaya ng sinasabi ng mga tagapagpasinungaling, bagkus ito ay isang Qur’ān na marangal,
আরবি তাফসীরসমূহ:
فِي لَوۡحٖ مَّحۡفُوظِۭ
na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan laban sa pagpapalit, paglilihis, pagbawas, at pagdaragdag.
আরবি তাফসীরসমূহ:
এই পৃষ্ঠার আয়াতগুলোর কতক ফায়দা:
• يكون ابتلاء المؤمن على قدر إيمانه.
Ang pagsusulit sa mananampalataya ay ayon sa sukat ng pananampalataya niya.

• إيثار سلامة الإيمان على سلامة الأبدان من علامات النجاة يوم القيامة.
Ang pagtatangi sa pagkaligtas ng pananampalataya higit sa pagkaligtas ng mga katawan ay kabilang sa mga palatandaan ng kaligtasan sa Araw ng Pagbangon.

• التوبة بشروطها تهدم ما قبلها.
Ang pagbabalik-loob ayon sa mga kundisyon nito ay nagwawasak sa anumang [kasalanan] bago nito.

 
অর্থসমূহের অনুবাদ সূরা: সূরা আল-বুরুজ
সূরাসমূহের সূচী পৃষ্ঠার নাম্বার
 
কুরআনুল কারীমের অর্থসমূহের অনুবাদ - কুরআনুল কারীমের সংক্ষিপ্ত তাফসীরের ফিলিপিনো (তাগালোগ) ভাষায় অনুবাদ। - অনুবাদসমূহের সূচী

কুরআনুল কারীমের সংক্ষিপ্ত তাফসীরের ফিলিপিনো (তাগালোগ) অনুবাদ। মারকাযু তাফসীর লিদ-দিরাসাতিল কুরআনিয়্যাহ থেকে প্রকাশিত।

বন্ধ