Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: Hud   Ajet:
فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا جَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهَا حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٖ مَّنضُودٖ
Kaya noong dumating ang utos Namin, naglagay Kami sa mataas niyon ng mababa niyon at nagpaulan Kami roon ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong,
Tefsiri na arapskom jeziku:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَۖ وَمَا هِيَ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ بِبَعِيدٖ
na tinatakan sa ganang Panginoon mo. Ang mga [batong] ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan, ay hindi malayo.
Tefsiri na arapskom jeziku:
۞ وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ وَلَا تَنقُصُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَۖ إِنِّيٓ أَرَىٰكُم بِخَيۡرٖ وَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ مُّحِيطٖ
[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magkulang sa takalan at timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na tagapaligid.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَيَٰقَوۡمِ أَوۡفُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
O mga kalipi ko, magpalubus-lubos kayo sa takalan at timbangan ayon sa pagkamakatarungan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
Tefsiri na arapskom jeziku:
بَقِيَّتُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيۡكُم بِحَفِيظٖ
Ang tira ni All̄āh[13] ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat.”
[13] na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos ng pagtupad sa mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan.
Tefsiri na arapskom jeziku:
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ أَصَلَوٰتُكَ تَأۡمُرُكَ أَن نَّتۡرُكَ مَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَآ أَوۡ أَن نَّفۡعَلَ فِيٓ أَمۡوَٰلِنَا مَا نَشَٰٓؤُاْۖ إِنَّكَ لَأَنتَ ٱلۡحَلِيمُ ٱلرَّشِيدُ
Nagsabi sila: “O Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at [na tumigil kami] na gumawa sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَرَزَقَنِي مِنۡهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أُخَالِفَكُمۡ إِلَىٰ مَآ أَنۡهَىٰكُمۡ عَنۡهُۚ إِنۡ أُرِيدُ إِلَّا ٱلۡإِصۡلَٰحَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُۚ وَمَا تَوۡفِيقِيٓ إِلَّا بِٱللَّهِۚ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: Hud
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje