Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: El-A'araf   Ajet:
وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ أَن قَدۡ وَجَدۡنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقّٗا فَهَلۡ وَجَدتُّم مَّا وَعَدَ رَبُّكُمۡ حَقّٗاۖ قَالُواْ نَعَمۡۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنُۢ بَيۡنَهُمۡ أَن لَّعۡنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga maninirahan sa Apoy, na [nagsasabi]: “Nakatagpo nga kami sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin bilang totoo, kaya nakatagpo ba kayo sa ipinangako ng Panginoon ninyo bilang totoo?” Magsasabi sila: “Oo.” Kaya magpapahayag ang isang tagapagpahayag sa pagitan nila na ang sumpa ni Allāh ay nasa mga tagalabag sa katarungan,
Tefsiri na arapskom jeziku:
ٱلَّذِينَ يَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجٗا وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ كَٰفِرُونَ
ang mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad dito ng isang kabaluktutan samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَبَيۡنَهُمَا حِجَابٞۚ وَعَلَى ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٞ يَعۡرِفُونَ كُلَّۢا بِسِيمَىٰهُمۡۚ وَنَادَوۡاْ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَن سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡۚ لَمۡ يَدۡخُلُوهَا وَهُمۡ يَطۡمَعُونَ
Sa pagitan ng dalawang [pangkat na] ito ay may lambong. Sa mga tuktok ay may mga lalaking nakakikilala sa lahat[6] ayon sa mga tatak ng mga ito. Mananawagan sila sa mga maninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: “Kapayapaan ay sumainyo.” Hindi pa nakapasok ang mga ito roon at ang mga ito ay naghahangad.
[6] ng mga maninirahan sa Paraiso at Impiyerno
Tefsiri na arapskom jeziku:
۞ وَإِذَا صُرِفَتۡ أَبۡصَٰرُهُمۡ تِلۡقَآءَ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ قَالُواْ رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kapag inilihis ang mga paningin nila paharap sa mga maninirahan sa Apoy ay magsasabi sila: “Panginoon Namin, huwag Kang maglagay sa amin kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَعۡرَافِ رِجَالٗا يَعۡرِفُونَهُم بِسِيمَىٰهُمۡ قَالُواْ مَآ أَغۡنَىٰ عَنكُمۡ جَمۡعُكُمۡ وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ
Mananawagan ang mga nananatili sa mga tuktok sa mga taong nakikilala nila ayon sa mga tatak ng mga ito, na magsasabi: “Walang naidulot para sa inyo ang pagtipon ninyo at ang dati ninyong ipinagmamalaki.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
أَهَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَقۡسَمۡتُمۡ لَا يَنَالُهُمُ ٱللَّهُ بِرَحۡمَةٍۚ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ
[Magsasabi si Allāh:] Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa? [Sasabihin]: “Magsipasok kayo sa Paraiso; walang pangamba sa inyo ni kayo ay malulungkot.”
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَنَادَىٰٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ أَنۡ أَفِيضُواْ عَلَيۡنَا مِنَ ٱلۡمَآءِ أَوۡ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُۚ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: “Magpabaha kayo sa amin ng tubig o ng anumang itinustos sa inyo ni Allāh.” Magsasabi ang mga ito: “Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya,
Tefsiri na arapskom jeziku:
ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ دِينَهُمۡ لَهۡوٗا وَلَعِبٗا وَغَرَّتۡهُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰهُمۡ كَمَا نَسُواْ لِقَآءَ يَوۡمِهِمۡ هَٰذَا وَمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ
na mga gumawa sa relihiyon nila bilang libingan at laro, at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo.” Kaya ngayong Araw lilimot[7] Kami sa kanila kung paanong lumimot sila sa pakikipagkita sa Araw nilang ito at sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila.
[7] Ibig sabihin: mag-iiwan Kami sa kanila sa Impiyerno.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: El-A'araf
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje