Check out the new design

Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad * - Sadržaj prijevodā

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Prijevod značenja Sura: El-Enfal   Ajet:

Al-Anfāl

يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَنفَالِۖ قُلِ ٱلۡأَنفَالُ لِلَّهِ وَٱلرَّسُولِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَصۡلِحُواْ ذَاتَ بَيۡنِكُمۡۖ وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga samsam sa digmaan? Sabihin mo: “Ang [pumapatungkol sa] mga samsam sa digmaan ay ukol kay Allāh at sa Sugo.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsaayos kayo ng nasa pagitan ninyo. Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kung kayo ay mga mananampalataya.
Tefsiri na arapskom jeziku:
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَإِذَا تُلِيَتۡ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُهُۥ زَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,
Tefsiri na arapskom jeziku:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
na mga nagpapanatili sa pagdarasal at mula sa ipinagkaloob Namin sa kanila ay gumugugol.
Tefsiri na arapskom jeziku:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُمۡ دَرَجَٰتٌ عِندَ رَبِّهِمۡ وَمَغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
Ang mga iyon ay ang mga mananampalataya, sa totoo. Ukol sa kanila ay mga antas sa ganang Panginoon nila, isang kapatawaran, at isang panustos na masagana.
Tefsiri na arapskom jeziku:
كَمَآ أَخۡرَجَكَ رَبُّكَ مِنۢ بَيۡتِكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّ فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ لَكَٰرِهُونَ
Gaya nang nagpalabas sa iyo ang Panginoon mo mula sa bahay mo ayon sa katotohanan at tunay na ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya ay talagang mga nasusuklam,
Tefsiri na arapskom jeziku:
يُجَٰدِلُونَكَ فِي ٱلۡحَقِّ بَعۡدَ مَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى ٱلۡمَوۡتِ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
na nakikipagtalo sila sa iyo hinggil sa katotohanan matapos na luminaw ito, para bang inaakay sila tungo sa kamatayan habang sila ay nakatingin.
Tefsiri na arapskom jeziku:
وَإِذۡ يَعِدُكُمُ ٱللَّهُ إِحۡدَى ٱلطَّآئِفَتَيۡنِ أَنَّهَا لَكُمۡ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيۡرَ ذَاتِ ٱلشَّوۡكَةِ تَكُونُ لَكُمۡ وَيُرِيدُ ٱللَّهُ أَن يُحِقَّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَيَقۡطَعَ دَابِرَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
[Banggitin] noong nangangako sa inyo si Allāh ng isa sa dalawang pangkatin,[1] na ito ay ukol sa inyo, at nag-aasam kayo na ang walang taglay na sandata ay magiging para sa inyo samantalang nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya at pumutol sa ugat ng mga tagatangging sumampalataya
[1] ng mga kaaway: ang karaban o ang pangkat ng mga mandirigma ng Makkah.
Tefsiri na arapskom jeziku:
لِيُحِقَّ ٱلۡحَقَّ وَيُبۡطِلَ ٱلۡبَٰطِلَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
upang magtotoo sa katotohanan at magpabula sa kabulaanan, kahit pa man nasuklam ang mga salarin.
Tefsiri na arapskom jeziku:
 
Prijevod značenja Sura: El-Enfal
Indeks sura Broj stranice
 
Prijevod značenja časnog Kur'ana - Prijevod na filipinski jezik (Tagalog) - Prevodilački centar Ruvvad - Sadržaj prijevodā

Prevod: Prevodilački centar Ruvvad u saradnji sa Udruženjem za poziv u Rabwi i Udruženjem za pružanje islamskog sadržaja na jezicima.

Zatvaranje