Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: At-Takāthur   Ayah:

At-Takāthur

Purposes of the Surah:
تذكير المتكاثرين واللاهين بالدنيا بالقبور والحساب.
Ang pagpapaalaala sa mga nagpaparamihan at mga nagpapabaya hinggil sa Mundo at hinggil sa mga libingan at pagtutuos.

أَلۡهَىٰكُمُ ٱلتَّكَاثُرُ
Umabala sa inyo, O mga tao, ang pagyayabangan sa mga yaman at mga anak palayo sa pagtalima kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
حَتَّىٰ زُرۡتُمُ ٱلۡمَقَابِرَ
hanggang sa namatay kayo at pumasok kayo sa mga libingan ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Hindi naging ukol sa inyo na umabala sa inyo ang pagyayabangan sa mga iyon palayo sa pagtalima kay Allāh. Malalaman ninyo ang kahihinatnan ng pagpapakaabalang iyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo ang kahihinatnan niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّا لَوۡ تَعۡلَمُونَ عِلۡمَ ٱلۡيَقِينِ
Sa katotohanan, kung sakaling kayo ay nakaalam nang tiyakan na kayo ay mga bubuhayin tungo kay Allāh at na Siya ay gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo, talagang hindi sana kayo nagpakaabala sa pagyayabangan sa mga yaman at mga anak.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَتَرَوُنَّ ٱلۡجَحِيمَ
Sumpa man kay Allāh, talagang makasasaksi nga kayo sa Apoy sa Araw ng Pagbangon.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيۡنَ ٱلۡيَقِينِ
Pagkatapos talagang makasasaksi nga kayo niyon ayon sa pagkakasaksi ng katiyakan na walang pagdududa hinggil dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ لَتُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَئِذٍ عَنِ ٱلنَّعِيمِ
Pagkatapos talagang magtatanong nga sa inyo si Allāh sa Araw na iyon tungkol sa ibiniyaya Niya sa inyo na kalusugan, pagkayaman, at iba pa sa dalawang ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• خطر التفاخر والتباهي بالأموال والأولاد.
Ang panganib ng pagyayabangan at paghahambugan sa mga yaman at mga anak.

• القبر مكان زيارة سرعان ما ينتقل منه الناس إلى الدار الآخرة.
Ang libingan ay lugar ng isang pagdalaw na pagkabilis-bilis na lumilipat mula roon ang mga tao patungo sa tahanang pangkabilang-buhay.

• يوم القيامة يُسْأل الناس عن النعيم الذي أنعم به الله عليهم في الدنيا.
Sa Araw ng Pagbangon, tatanungin ang mga tao tungkol sa kaginhawahan na ibiniyaya ni Allāh sa kanila sa Mundo.

• الإنسان مجبول على حب المال.
Ang tao ay likas sa pag-ibig sa yaman.

 
Translation of the meanings Surah: At-Takāthur
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close