Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Hūd
إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ
Maliban sa mga nagtiis sa mga kasamaang-palad at mga pagtalima laban sa mga pagsuway at gumawa ng mga gawang maayos sapagkat magkakaroon sila ng iba pang kalagayan yayamang walang dadapo sa kanila na kawalang-pag-asa ni kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh ni pagmamataas sa mga tao. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran mula sa Panginoon nila para sa mga pagkakasala nila at may ukol sa kanila na isang ganting malaki sa Kabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• سعة علم الله تعالى وتكفله بأرزاق مخلوقاته من إنسان وحيوان وغيرهما.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paggagarantiya Niya sa mga panustos ng mga nilikha Niya na tao, hayop, at iba pa sa mga ito.

• بيان علة الخلق؛ وهي اختبار العباد بامتثال أوامر الله واجتناب نواهيه.
Ang paglilinaw sa sanhi ng paglikha, na ito ay ang pagsubok sa mga lingkod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

• لا ينبغي الاغترار بإمهال الله تعالى لأهل معصيته، فإنه قد يأخذهم فجأة وهم لا يشعرون.
Hindi nararapat ang pagkakalinlang dahil sa pagpapalugit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – para sa mga tagagawa ng pagsuway sa Kanya sapagkat ito ay maaaring kumuha sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

• بيان حال الإنسان في حالتي السعة والشدة، ومدح موقف المؤمن المتمثل في الصبر والشكر.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng tao sa dalawang kalagayan ng kaluwagan at kagipitan at ang pagpapapuri sa paninindigan ng mananampalataya na kinakatawan ng pagtitiis at pagpapasalamat.

 
Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Hūd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close