Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (40) Surah: Hūd
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ قُلۡنَا ٱحۡمِلۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ وَمَنۡ ءَامَنَۚ وَمَآ ءَامَنَ مَعَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٞ
Winakasan ni Noe ang pagyari sa arkong ipinag-utos sa kanya ni Allāh na yariin. Hanggang sa nang dumating ang pasya Namin sa pagpapahamak sa kanila at sumambulat ang tubig mula sa pugon, na dati silang naghuhurno roon, bilang pagbibigay-alam sa simula ng gunaw ay nagsabi naman Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Maglulan ka sa arko ng bawat uri ng hayop sa ibabaw ng lupa na dalawang magkapares: lalaki at babae. Maglulan ka ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang kahatulan na siya ay malulunod dahil sa kanyang pagiging hindi sumampalataya. Maglulan ka ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga tao mo." Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunting bilang sa hinaba-haba ng yugtong nanatili siya roon na nag-aanyaya sa kanila sa pananampalataya kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• بيان عادة المشركين في الاستهزاء والسخرية بالأنبياء وأتباعهم.
Ang paglilinaw sa kaugalian ng mga tagapagtambal sa pangungutya at panunuya sa mga propeta at mga tagasunod ng mga ito.

• بيان سُنَّة الله في الناس وهي أن أكثرهم لا يؤمنون.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh sa mga tao: na ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya.

• لا ملجأ من الله إلا إليه، ولا عاصم من أمره إلا هو سبحانه.
Walang madudulugan mula kay Allāh kundi sa Kanya at walang tagapagsanggalang laban sa pasya Niya kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Translation of the meanings Ayah: (40) Surah: Hūd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close