Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (61) Surah: Hūd
۞ وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ هُوَ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱسۡتَعۡمَرَكُمۡ فِيهَا فَٱسۡتَغۡفِرُوهُ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي قَرِيبٞ مُّجِيبٞ
Nagsugo si Allāh sa liping Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasambang nagiging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Siya ay lumikha sa inyo mula sa alabok ng lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula rito at gumawa sa inyo bilang mga naninirahan dito. Kaya humiling kayo ng kapatawaran mula sa Kanya, pagkatapos manumbalik kayo sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga pagsuway. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit sa sinumang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, Tagasagot sa sinumang dumalangin sa Kanya."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• من وسائل المشركين في التنفير من الرسل الاتهام بخفة العقل والجنون.
Kabilang sa mga kaparaanan ng mga tagapagtambal sa pagpapalayo ng loob sa mga sugo ay ang pagpaparatang sa kanila ng kahinaan ng isip at kabaliwan.

• ضعف المشركين في كيدهم وعدائهم، فهم خاضعون لله مقهورون تحت أمره وسلطانه.
Ang kahinaan ng mga tagapagtambal sa pagpapakana nila at pangangaway nila sapagkat sila ay mga sumasailalim kay Allāh at mga nalulupig sa ilalim ng utos Niya at kapamahalaan Niya.

• أدلة الربوبية من الخلق والإنشاء مقتضية لتوحيد الألوهية وترك ما سوى الله.
Ang mga patunay ng pagkapanginoon na paglikha at pagpapasimula ay humihiling ng paniniwala sa kaisahan sa pagkadiyos at pag-iwan sa anumang iba pa kay Allāh.

 
Translation of the meanings Ayah: (61) Surah: Hūd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close