Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Ibrāhīm   Ayah:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ
Hindi mo ba nalaman, O tao, na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa ayon sa katotohanan saka hindi lumikha ng mga ito nang walang-kabuluhan? Kung loloobin Niya ang pag-aalis sa inyo, O mga tao, at ang paggawa ng isang nilikhang iba pa na sasamba sa Kanya at tatalima sa kanya sa halip ninyo ay talaga sanang nag-alis Siya sa inyo at naghatid Siya ng isang nilikhang iba pa na sasamba sa Kanya at tatalima sa Kanya sapagkat ito ay isang bagay na madali sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ
Ang pagpapahamak sa inyo at ang paggawa ng isang nilikhang iba pa sa inyo ay hindi nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya sa bawat bagay ay may-kakayahan: hindi Siya napawawalang-kakayahan ng anuman.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَبَرَزُواْ لِلَّهِ جَمِيعٗا فَقَالَ ٱلضُّعَفَٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا مِنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ قَالُواْ لَوۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَيۡنَٰكُمۡۖ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَجَزِعۡنَآ أَمۡ صَبَرۡنَا مَا لَنَا مِن مَّحِيصٖ
Lalabas ang mga nilikha mula sa mga libingan nila patungo kay Allāh sa Araw ng Tipanan at magsasabi ang mga tagasunod na mahina sa mga pinunong pangulo: "Tunay na kami noon sa inyo, O mga pinuno, ay mga tagasunod: nagpapautos kami sa utos ninyo at nagpapasaway kami sa saway ninyo, kaya kayo ba ay magsasanggalang sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga pinunong pangulo: "Kung sakaling nagtuon sa amin si Allāh sa kapatnubayan ay talaga sanang gumabay kami sa inyo roon at naligtas tayo nang sama-sama mula sa pagdurusa mula sa Kanya, subalit naligaw kami kaya nagpaligaw kami sa inyo. Magkakapantay sa amin at sa inyo na manghina tayo sa pagbata sa pagdurusa o na magtiis tayo; walang tayong matatakasan mula sa pagdurusa."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَمَّا قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِيۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوٓاْ أَنفُسَكُمۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَآ أَنتُم بِمُصۡرِخِيَّ إِنِّي كَفَرۡتُ بِمَآ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Magsasabi si Satanas kapag pumasok na ang mga maninirahan sa Paraiso sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Apoy sa Apoy: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangakong totoo saka nagsakatuparan Siya sa inyo ng ipinangako Niya sa inyo. Nangako ako sa inyo ng pangako ng kabulaanan saka hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa inyo. Hindi ako nagkaroon ng anumang lakas na ipampipilit ko sa inyo sa Mundo sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw subalit nag-anyaya ako sa inyo tungo sa kawalang-pananampalataya. Ipinaakit ko sa inyo ang mga pagsuway saka nagmabilis naman kayo sa pagsunod sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin sa nangyari sa inyo na pagkaligaw. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo sapagkat ang mga ito ay higit na nararapat sa paninisi. Hindi ako makasasaklolo sa inyo sa pagtulak ng pagdurusa palayo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin sa pagtulak nito palayo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa paggawa ninyo sa akin bilang katambal kay Allāh sa pagsamba." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagtambal kay Allāh sa Mundo at kawalang-pananampalataya sa Kanya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأُدۡخِلَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡۖ تَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٌ
Bilang kasalungatan naman sa hantungan ng mga tagalabag sa katarungan, papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga gawang maayos sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman ayon sa pahintulot ng Panginoon nila at kapangyarihan Niya. Babati ang isa't isa sa kanila. Babati sa kanila ang mga anghel. Babati sa kanila roon ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا كَلِمَةٗ طَيِّبَةٗ كَشَجَرَةٖ طَيِّبَةٍ أَصۡلُهَا ثَابِتٞ وَفَرۡعُهَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Hindi mo ba nalaman, O Sugo, kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh na: Walang Diyos kundi si Allāh, nang naghalintulad Siya nito sa isang punong-kahoy na kaaya-aya, ang [punong] datiles? Ang puno nito ay nakabaon sa ilalim ng lupa habang umiinom ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nitong kaaya-aya at ang mga sanga nito ay nakaangat tungo sa langit habang umiinom mula sa hamog at nagbubuga ng hanging kaaya-aya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• بيان سوء عاقبة التابع والمتبوع إن اجتمعا على الباطل.
Ang paglilinaw sa kasagwaan ng kahihinatnan ng tagasunod at sinusunod kung nagkaisa sila sa kabulaanan.

• بيان أن الشيطان أكبر عدو لبني آدم، وأنه كاذب مخذول ضعيف، لا يملك لنفسه ولا لأتباعه شيئًا يوم القيامة.
Ang paglilinaw na ang demonyo ay pinakamalaking kaaway para sa mga anak ni Adan at na siya ay sinungaling, itinatwa, mahina, na hindi makapagdudulot ng anuman para sa sarili niya ni para sa mga tagasunod niya sa Araw ng Pagbangon.

• اعتراف إبليس أن وعد الله تعالى هو الحق، وأن وعد الشيطان إنما هو محض الكذب.
Ang pag-amin ni Satanas na ang pangako ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang katotohanan at na ang pangako ng demonyo ay isang payak na kasinungalingan lamang.

• تشبيه كلمة التوحيد بالشجرة الطيبة الثمر، العالية الأغصان، الثابتة الجذور.
Ang pagwawangis sa adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa punong-kahoy na kaaya-ayang namumunga, na mataas ang mga sanga, na matatag ang mga ugat.

 
Translation of the meanings Surah: Ibrāhīm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close