Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (18) Surah: Ibrāhīm
مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّيحُ فِي يَوۡمٍ عَاصِفٖۖ لَّا يَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ
Ang paghahalintulad sa idinudulot ng mga tagatangging sumampalataya na mga gawain ng pagpapakabuti gaya ng kawanggawa, paggawa ng maganda, at awa sa mahina ay tulad ng mga abo na tumindi sa mga ito ang mga hangin sa isang araw na matindi ang ihip ng mga hangin kaya nagdala iyon sa mga ito nang malakas at nagpakalat sa mga ito sa bawat lugar hanggang sa walang natirang bakas para sa mga ito. Gayundin ang mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya, tumatangay sa mga ito ang kawalang-pananampalataya kaya hindi nagpakinabang ang mga ito sa mga tagagawa ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Ang gawang iyon na hindi itinatag sa pananampalataya ay ang pagkaligaw na malayo sa daan ng katotohanan.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• أن الأنبياء والرسل بشرٌ من بني آدم، غير أن الله تعالى فضلهم بحمل الرسالة واصطفاهم لها من بين بني آدم.
Na ang mga propeta at ang mga sugo ay mga taong kabilang sa mga anak ni Adan, gayon pa man si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagtangi sa kanila sa pagdadala ng pasugo at humirang sa kanila para rito mula sa mga anak ni Adan.

• على الداعية الذي يريد التغيير أن يتوقع أن هناك صعوبات جَمَّة سوف تقابله، ومنها الطرد والنفي والإيذاء القولي والفعلي.
Kailangan sa tagapag-anyaya na nagnanais ng pagbabago na asahan na mayroong maraming hirap na haharap sa kanya. Kabilang sa mga ito ang pagtataboy, ang pagpapatapon, at ang pananakit sa salita at gawa.

• أن الدعاة والصالحين موعودون بالنصر والاستخلاف في الأرض.
Na ang mga tagapag-anyaya ng Islām at ang mga maayos ay mga pinangakuan ng pag-aadya at pamamahala sa lupa.

• بيان إبطال أعمال الكافرين الصالحة، وعدم اعتبارها بسبب كفرهم.
Ang paglilinaw sa pagpapawalang-saysay sa mga maayos na gawain ng mga tagatangging sumampalataya at kawalan ng pagsasaalang-alang sa mga ito dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.

 
Translation of the meanings Ayah: (18) Surah: Ibrāhīm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close