Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (2) Surah: Al-Hijr
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Magmimithi ang mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon na kung sana sila ay naging mga Muslim kapag lumiwanag para sa kanila ang pasya at nalantad para sa kanila ang kabulaanan ng dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• القرآن الكريم جامع بين صفة الكمال في كل شيء، والوضوح والبيان.
Ang Marangal na Qur'ān ay nagsasama sa katangian ng kalubusan sa bawat bagay, kaliwanagan, at paglilinaw.

• يهتم الكفار عادة بالماديات، فتراهم مُنْغَمِسين في الشهوات والأهواء، مغترين بالأماني الزائفة، منشغلين بالدنيا عن الآخرة.
Nagpapahalaga ang mga tagatangging sumampalataya kadalasan sa mga materyal na bagay kaya nakakikita ka sa kanila na mga nakatampisaw sa mga pagnanasa at mga pithaya, na mga nalilinlang ng mga huwad na mithiin habang mga nagpapakaabala sa Mundo sa halip na sa Kabilang-buhay.

• هلاك الأمم مُقَدَّر بتاريخ معين، ومقرر في أجل محدد، لا تأخير فيه ولا تقديم، وإن الله لا يَعْجَلُ لعجلة أحد.
Ang pagkapahamak ng mga kalipunan ay nakatakda sa isang tanging petsa at pinagtibay sa isang taning na tinakdaan, na walang pag-aantala rito at walang pagpapauna. Tunay na si Allāh ay hindi nagmamadali dahil sa pagmamadali ng isa.

• تكفل الله تعالى بحفظ القرآن الكريم من التغيير والتبديل، والزيادة والنقص، إلى يوم القيامة.
Naggarantiya si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pag-iingat sa Marangal na Qur'an laban sa pagbabago, pagpapalit, pagdaragdag, at pagbabawas hanggang sa Araw ng Pagbangon.

 
Translation of the meanings Ayah: (2) Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close