Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (78) Surah: Al-Hijr
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Noon nga ang mga kalipi ni Shu`ayb na mga naninirahan sa pamayanang may mga punong nagsisiksikan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa sugo Niyang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• أن الله تعالى إذا أراد أن يهلك قرية ازداد شرهم وطغيانهم، فإذا انتهى أوقع بهم من العقوبات ما يستحقونه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kapag nagnais na magpahamak ng isang pamayanan ay nadaragdagan ang kasamaan nila at ang pagmamalabis nila. Kaya kapag nagwakas ito, nagpapabagsak Siya sa kanila ng mga kaparusahang naging karapat-dapat sila.

• كراهة دخول مواطن العذاب، ومثلها دخول مقابر الكفار، فإن دخل الإنسان إلى تلك المواضع والمقابر فعليه الإسراع.
Ang pagkasuklam sa pagpasok sa mga pook ng pagdurusa, na ang tulad ng mga ito ay ang mga libingan ng mga tagatangging sumampalataya; ngunit kung papasok ang tao sa mga lugar at mga libingang iyon, kailangan sa kanya ang magmadali.

• ينبغي للمؤمن ألا ينظر إلى زخارف الدنيا وزهرتها، وأن ينظر إلى ما عند الله من العطاء.
Nararapat sa mananampalataya na hindi tumingin sa mga palamuti ng Mundo at kaningningan nito at na tumingin [na lamang] sa ibinibigay na nasa ganang kay Allāh.

• على المؤمن أن يكون بعيدًا من المشركين، ولا يحزن إن لم يؤمنوا، قريبًا من المؤمنين، متواضعًا لهم، محبًّا لهم ولو كانوا فقراء.
Kailangan sa mananampalataya na maging malayo sa mga tagapagtambal – at huwag siyang malungkot kung hindi sila sumampalataya – at maging malapit sa mga mananampalataya, mapagpakumbaba sa kanila, umiibig sa kanila kahit pa man sila ay mga maralita.

 
Translation of the meanings Ayah: (78) Surah: Al-Hijr
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close