Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (97) Surah: Al-Isrā’
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُمۡ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِهِۦۖ وَنَحۡشُرُهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ عُمۡيٗا وَبُكۡمٗا وَصُمّٗاۖ مَّأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ كُلَّمَا خَبَتۡ زِدۡنَٰهُمۡ سَعِيرٗا
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan; ngunit ang sinumang itinatatwa Niya palayo roon at inililigaw Niya ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kanila ng mga katangkilik na papatnubay sa kanila tungo sa katotohanan, magtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at magdudulot sa kanila ng pakinabang. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon habang kinakaladkad sila sa mga mukha nila nang hindi nakakikita, hindi nakabibigkas, at hindi nakaririnig. Ang tuluyan nila na kakanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing tumitighaw ang lagablab nito ay nagdaragdag Kami sa kanila ng pagliliyab.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الله تعالى هو المنفرد بالهداية والإضلال، فمن يهده فهو المهتدي على الحقيقة، ومن يضلله ويخذله فلا هادي له.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang namumukod-tangi sa pagpapatnubay at pagpapaligaw sapagkat ang sinumang pinapatnubayan Niya, ito ay ang napatnubayan sa katotohanan at ang sinumang pinaligaw Niya at ipinagkanulo Niya ay walang tagapagpatnubay rito.

• مأوى الكفار ومستقرهم ومقامهم جهنم، كلما سكنت نارها زادها الله نارًا تلتهب.
Ang kakanlungan ng mga tagatangging sumampalataya, ang titigilan nila, at ang tatayuan nila ay Impiyerno. Sa tuwing tumitila ang apoy nito ay dinaragdagan ito ni Allāh ng apoy na nagliliyab.

• وجوب الاعتصام بالله عند تهديد الطغاة والمُسْتَبدين.
Ang pagkatungkulin ng pangungunyapit kay Allāh sa sandali ng pagbabanta ng mga naghahari-harian at mga maniniil.

• الطغاة والمُسْتَبدون يلجؤون إلى استخدام السلطة والقوة عندما يواجهون أهل الحق؛ لأنهم لا يستطيعون مواجهتهم بالحجة والبيان.
Ang mga naghahari-harian at ang mga maniniil ay dumudulog sa paggamit ng kapangyarihan at lakas kapag nakikipagharap sila sa mga alagad ng katotohanan dahil sila ay hindi nakakakaya sa pakikipagharap sa kanila sa pamamagitan ng katwiran at pahayag.

 
Translation of the meanings Ayah: (97) Surah: Al-Isrā’
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close