Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (146) Surah: Al-Baqarah
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَعۡرِفُونَهُۥ كَمَا يَعۡرِفُونَ أَبۡنَآءَهُمۡۖ وَإِنَّ فَرِيقٗا مِّنۡهُمۡ لَيَكۡتُمُونَ ٱلۡحَقَّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan kabilang sa mga maalam ng mga Hudyo at mga Kristiyano ay nakakikilala sa usapin ng paglipat ng qiblah, na kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa ganang kanila, kung papaanong nakakikilala sila sa mga anak nila at nakababatid sa mga ito sa iba pa sa mga ito. Sa kabila niyon, tunay na may isang pangkatin kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanang inihatid niya dala ng pagkainggit mula sa ganang mga sarili nila. Gumagawa sila niyon habang sila ay nakaaalam na iyon ay ang katotohanan
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• إطالة الحديث في شأن تحويل القبلة؛ لما فيه من الدلالة على نبوة محمد صلى الله عليه وسلم.
Ang pagpapahaba ng pag-uusap kaugnay sa pumapatungkol sa paglipat ng qiblah dahil sa nasasaad dito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• ترك الجدال والاشتغالُ بالطاعات والمسارعة إلى الله أنفع للمؤمن عند ربه يوم القيامة.
Ang pagtigil sa pakikipagtalo, ang pagpapakaabala sa mga pagtalima, at ang pagdadali-dali tungo kay Allāh ay higit na kapaki-pakinabang para sa mananampalataya sa ganang Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon.

• أن الأعمال الصالحة الموصلة إلى الله متنوعة ومتعددة، وينبغي للمؤمن أن يسابق إلى فعلها؛ طلبًا للأجر من الله تعالى.
Na ang mga maayos na gawaing ipinararating kay Allāh ay sinarisari at marami at nararapat sa mananampalataya na makipag-unahan sa paggawa ng mga ito para humiling ng pabuya mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• عظم شأن ذكر الله -جلّ وعلا- حيث يكون ثوابه ذكر العبد في الملأ الأعلى.
Ang laki ng kahalagahan ng pag-aalaala kay Allāh – kapita-pitagan Siya at kataas-taasan – yayamang ang paggagantimpala Niya ay ang pagbanggit sa tao sa Kapulungang Kataas-taasan.

 
Translation of the meanings Ayah: (146) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close