Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (158) Surah: Al-Baqarah
۞ إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِۖ فَمَنۡ حَجَّ ٱلۡبَيۡتَ أَوِ ٱعۡتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِ أَن يَطَّوَّفَ بِهِمَاۚ وَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ
Tunay na ang dalawang burol na kilala bilang Safá at Marwah malapit sa Ka`bah ay kabilang sa mga hayag na tanda ng Batas ng Islām. Kaya ang sinumang nagsadya sa Bahay [ni Allāh] para sa pagsasagawa ng gawaing-pagsamba ng ḥajj o gawaing-pagsamba ng `umrah ay walang kasalanan sa kanya na magparoon at magparito sa pagitan ng dalawang iyon. Sa pagkakaila ng kasalanan dito ay may kapanatagan para sa sinumang naasiwa kabilang sa mga Muslim sa pagparoon at pagparito sa pagitan ng mga iyon dala ng paniniwalang iyon ay bahagi ng nauukol sa Panahon ng Kamangmangan. Nilinaw nga ni Allāh na iyon ay bahagi ng mga gawaing-pagsamba ng ḥajj. Ang sinumang gumawa ng mga itinuturing na kaibig-ibig gaya ng mga pagtalima bilang nagkukusang-loob sa mga ito habang nagpapakawagas, tunay na si Allāh ay nagpapasalamat sa kanya, tatanggap ng mga iyon mula sa kanya, at gaganti sa kanya sa mga iyon. Si Allāh ay ang maaalam sa sinumang gumagawa ng kabutihan at nagiging karapat-dapat sa gantimpala.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الابتلاء سُنَّة الله تعالى في عباده، وقد وعد الصابرين على ذلك بأعظم الجزاء وأكرم المنازل.
Ang pagsubok ay kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niya. Nangako nga Siya sa mga nagtitiis niyon ng pinakamabigat na ganti at pinakamarangal sa mga antas.

• مشروعية السعي بين الصفا والمروة لمن حج البيت أو اعتمر.
Ang pagkaisinasabatas ng pagparoon at pagparito sa pagitan ng Ṣafā at Marwah para sa sinumang nagsagawa ng ḥajj o `umrah.

• من أعظم الآثام وأشدها عقوبة كتمان الحق الذي أنزله الله، والتلبيس على الناس، وإضلالهم عن الهدى الذي جاءت به الرسل.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga kasalanan at pinakamatindi sa kaparusahan ay ang pagkukubli sa katotohanang pinababa ni Allāh, ang paglilito sa mga tao, at ang pagliligaw sa kanila palayo sa patnubay na inihatid ng mga sugo.

 
Translation of the meanings Ayah: (158) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close