Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (187) Surah: Al-Baqarah
أُحِلَّ لَكُمۡ لَيۡلَةَ ٱلصِّيَامِ ٱلرَّفَثُ إِلَىٰ نِسَآئِكُمۡۚ هُنَّ لِبَاسٞ لَّكُمۡ وَأَنتُمۡ لِبَاسٞ لَّهُنَّۗ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَخۡتَانُونَ أَنفُسَكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡ وَعَفَا عَنكُمۡۖ فَٱلۡـَٰٔنَ بَٰشِرُوهُنَّ وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ ثُمَّ أَتِمُّواْ ٱلصِّيَامَ إِلَى ٱلَّيۡلِۚ وَلَا تُبَٰشِرُوهُنَّ وَأَنتُمۡ عَٰكِفُونَ فِي ٱلۡمَسَٰجِدِۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَقۡرَبُوهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Noong sa simula, ipinagbabawal sa lalaki, kapag natulog sa gabi ng pag-aayuno at pagkatapos nagising bago ng madaling-araw, na kumain o lumapit sa maybahay niya, ngunit nagpawalang-bisa si Allāh niyon. Nagpahintulot si Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, sa mga gabi ng pag-aayuno ng pakikipagtalik sa mga maybahay ninyo sapagkat sila ay panakip at pananggalang sa imoralidad para sa inyo at kayo ay panakip at pananggalang sa imoralidad para sa kanila. Hindi makapagwawaksi ang isa't isa sa inyo. Nakaalam si Allāh na kayo noon ay nagtataksil sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng paggawa sa sinaway Niya sa inyo kaya naawa Siya sa inyo, tumanggap sa pagbabalik-loob ninyo, at nagpagaan sa inyo. Kaya ngayon, makipagtalik kayo sa kanila at humiling kayo ng itinakda ni Allāh para sa inyo na mga supling. Kumain kayo at uminom kayo sa gabi sa kabuuan nito hanggang sa luminaw sa inyo ang pagsikat ng totoong madaling-araw sa pamamagitan ng kaputian ng madaling-araw at pagkahiwalay nito sa kaitiman ng gabi. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno sa pamamagitan ng paghinto sa mga nakasisira sa pag-aayuno mula sa pagsikat ng madaling-araw hanggang sa lumubog ang araw. Huwag kayong makipagtalik sa mga maybahay habang kayo ay mga namamalagi sa mga masjid dahil iyon ay makasisira roon. Ang mga patakarang nabanggit na iyon ay mga hangganan ni Allāh sa pagitan ng ipinahihintulot at ipinagbabawal kaya huwag kayong lumapit sa mga ito kailanman sapagkat tunay na ang sinumang lumapit sa mga hangganan ni Allāh ay halos masadlak sa ipinagbabawal. Sa pamamagitan ng tulad ng maliwanag na hayag na paglilinaw na ito para sa mga patakarang iyon naglilinaw si Allāh sa mga tanda Niya para sa mga tao, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• مشروعية الاعتكاف، وهو لزوم المسجد للعبادة؛ ولهذا يُنهى عن كل ما يعارض مقصود الاعتكاف، ومنه مباشرة المرأة.
Ang pagkaisinasabatas ng i`tikāf, ang pananatili sa masjid para sa pagsamba. Dahil dito, sinasaway ang bawat anumang humahadlang sa layon ng i`tikāf at kabilang dito ang pakikipagtalik sa maybahay.

• النهي عن أكل أموال الناس بالباطل، وتحريم كل الوسائل والأساليب التي تقود لذلك، ومنها الرشوة.
Ang pagsaway sa paggamit sa mga yaman ng mga tao sa kabulaanan at ang pagbabawal sa lahat ng mga kaparaanan at mga istilong nagpapahantong doon at kabilang dito ang panunuhol.

• تحريم الاعتداء والنهي عنه؛ لأن هذا الدين قائم على العدل والإحسان.
Ang pagbabawal sa paglabag at ang pagsaway laban dito dahil ang relihiyong Islām na ito ay nakabatay sa katarungan at paggawa ng maganda.

 
Translation of the meanings Ayah: (187) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close